Chapter 5

885 39 4
                                    

Pagkatapos namin kumain ay binayaran ko na at umalis na kami ngayon sa restaurant ni Callie.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?" Tanong niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot dahil nakatungon lang ako sa daanan. "Teka, Caleb. Ang layo na nito ah! Wala na tayo sa Manila."

"Yes, because we're going to Pagudpud."

"What? Kidnapping itong ginagawa mo, atty. Tan. You should know that."

"Kidnapping? Agad agad? Pwede bang pumunta tayo doon para makalimutan mo ang mga nangyari ngayong araw. Bukas bago pa sumikat ang araw ay babalik na tayo ng Manila."

"Wala na ako magagawa dahil papunta na tayo ng Pagudpud ngayon."

Mga ilang oras rin ay dilat na dilat ako habang nagmamaneho papunt sa Pagudpud dahil hindi ako pwedeng antukin sa biyahe.

"Hindi ka pa ba inaantok, Caleb?"

"Nope. Hindi pa ako dinadalaw ng antok." Sumulyap ako kay Mika dahil giniginaw na siya dahil sa lamig ng aircon. Kaya hininaan ko ang aircon ng kotse ko. "Gusto mo na ba kumain?"

"Anong oras na ba?"

"It's already 9:25 pm."

Ginabi na kami sa daan dahil naipit ako kanina sa traffic tapos sinabayan pa ng ulan at may nadadaanan kami ng aksidente. Malas talaga.

"Sige kain na muna tayo." Sabi nito. "May madadaanan naman siguro na kainan, no?"

"Yup, marami naman madadaanan dito."

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa kotse para makarating na agad sa destination.

"May matitirahan ba tayo doon?"

"Yup, may vacation house ako doon kaya huwag ka magaalala."

"Ilan ang kwarto meron sa vacation house mo?"

"Kung ano pa man iyan iniisip mo ay asa ka pa, Mika. Wala akong balak matulog na katabi ka."

"Gusto ko lang makasigurado."

"Dalawa ang kwarto at kung gusto mo doon ka sa guest room."

"Mabuti dahil ayaw ko naman matulog na katabi ka at hindi rin naman tama na magkasama sa isang kwarto ang lalaki at babae."

"Wala naman akong balak sayo."

Nang nakarating na kami sa vacation house at pinarada ko na sa tapat ang kotse ko bago bumaba.

"Wow. Ang ganda naman yata dito pero sayang nga lang babalik tayo agad sa Manila bago sumikat ang araw. Hindi man lang natin naenjoy dito."

Sinamahan ko na siya kung saan ang magiging kwarto niya.

"This will be your room. At kung may kailangan ka nasa tapat lang ang kwarto ko." Lumabas na ako sa guest room para magpahinga na. Ngayon pa lang kasi ako dinadalaw ng antok.

Kinabukasan...

Ang sarap ng tulog ko at napatingin ako sa labas ng bintana. Shoot! May araw na, dapat nasa Manila na kami. Nagmamadali akong bumangon at hinahanap ko na rin si Mika.

"Good morning, sir Caleb." Bati sa akin ni aleng Josephine, ang nagbabantay sa vacation house.

"Good morning rin po."

"Nasa beach po ngayon ang kasama niyo raw kasama ng anak ko."

"Okay po. Salamat."

"Kumain ka na ba?"

"Mamaya na lang po. Babalik na rin kami ng kasama ko sa Manila."

Pumunta na ako ngayon sa beach para puntahan na sila Mika at Jeremy. Pagkarating ko ay natataw ko yung dalawa dito at mukhang close na ang isa't isa kahit ngayon pa lang sila nagkakilala.

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon