Sobrang busy ko sa trabaho ngayon dahil may gaganapin na party for the anniversary ng law firm, as usual like every year ay may party na ginagawa. Kasanayan na ng mga abogado and judge. Kasabwat rin kasi ng ibang judge ang preparation para sa party, hindi kasi sila yung mga matatadang kill joy sa kasiyahan dahil nakikisama rin sila.
May isang judge nakaupo sa isang wheel chair na lumapit sa akin, actually he already quit to be a judge dahil sa kalagayan niya. Kailangan na rin niya siguro ang magpahinga but this time sumama pa rin sa party.
Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang isang kamay nito.
"How are you po?" Tanong ko pero medyo nahihirapan pa rin magsalita si judge Carter dahil paralyze ang kalahating katawan nito
"O-Okay lang naman..." Pinipilit niyang i-abot ang mukha ko pero nakikita kong nanginginig ang kamay niya. "P-Proud na p-proud ako sayo. H-Hindi ako nagkamali d-dahil naging magaling kang a-abogado."
"Siyempre naman, sir. Kayo ang naging mentor ko at hindi ko kayo pwedeng ipahiya sa lahat na tayo. At kayo rin po ako ang tumayong pangalawang ama ko habang papasok pa lang ako bilang abogado."
"A-Alam mo noong unang b-beses kita nakita ay alam kong may potential ka m-maging m-magaling na a-abogado kaya i-isa ka sa g-gustong m-maging estu-estudyante ko." Ngumiti ako sa sinabi ni judge Carter. Ayaw ko rin naman ang umiyak ngayong gabi. "P-Pinatunayan mo rin s-sa akin na mali ang g-ginagawa ko noon. Y-You've changed me, Ca-Caleb..."
Sasagot pa sana ako pero biglang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino but I saw Callie's name. Why on earth is Callie calling?
"Sir, excuse lang po. Sasagutin ko lang ito tumatawagsa akin." Tumango siya at lumabas ako sa event hall para walang maingay na background music. Hindi naman ganoon kalakas ang background music pero baka hindi kami magkarinigan ni Callie. Nang sinabi ko na ang tawag. "Hello, Cal."
"Thank God you already answered my call."
"What's wrong?"
"Manganganak na ang asawa mo kaya kailangan ka rito sa ospistal ngayon din!"
"What? O-Okay, pupunta na ako diyan." Binaba ko na ang tawag pero na wala na akong oras bumalik sa loob para magpaalam. Bahala na sasabihin ko na lang sa kanila kung bakit ako umalis ng maaga ngayon. Kailangan ako ng asawa ko. Parating na ang first baby namin.
Pagkarating ko sa ospital ay tinakbo ko na hanggang makarating sa delivery room."S-Si Mika?" Mukhang kinakapos na ako ng hinga. Bakit kasi ang kayo ng delivery room sa entrance? Bwesit naman.
"Nasa loob. Hindi na daw niya kaya ang hintayin ka kaya nauna na siyang manganak." Sagot ni Callie.
"Paano mo naman nalaman mangananak na si Mika?" Ang pagkaalam ko ay nasa bahay lang ang asawa ko.
"Duh, doctor ang asawa ko sa ospital na ito at nakita niya ang asawa mo na hirap na hirap sa kalagayan niya at dumating naman si Aizen para kalmahin si Mika."
Ang kumag na iyon may alam yata magpanganak sa babaeng buntis. Sabagay meron siyang alam dahil hindi siya nagiging head director ng ospital kung wala siyang alam sa ibang bagay.
Mga ilang oras kami naghintay dito ni Callie sa waiting area habang wala pang doctor o nurse na lumalabas. Excited na ako makita ang anak namin ni Mika.
Nang makita ko na ang paglabas ng doctor galing sa loob ng delivery room. Sinabi din niya sa akin na lalaki ang naging anak namin, alam ko na iyon noong 5 months pa lang ang tyan ni Mika. At sinabi rin niya sa akin na dadalhin na daw niya ang asawa ko sa isanv private room.
"Twin, iwan na muna kita para makausap kayo ni Mika na kayong dalawa lang. Manggugulo na lang ako kay Alex." Napailing na lang ako kay Callie bago pa ito lumayo sa akin. Pumasok na rin ako sa loob ng isang private room kung nasaan nilagay si Mika. Nakita ko siyang natutulog pa at mukhang napagod habang pinapanganak niya kanina ang anak anak namin.
"Hon, thank you..." Hinalikan ko siya sa noo. Umupo ako sa tabi ng kama at hinawakan ko ang isang kamay niya.
Napalingon ako ng may pumasok sa loob ng kwarto. Ang mga magulang ni Mika. Tinawagan ko kasi habang naghihintay kanina sa labas ng delivery room at ngayon lang sila nakarating.
"Musta na ang prinsesa namin, Caleb?" Tanong ng papa niya.
"Ano ka ba, darling. Normal lang na ganyan si Ella dahil napagod siya kanina." Humarap naman ang mama ni Mika sa akin. "Nasaan na yung apo namin?"
"Wala pa pong dumadating na nurse, mom..."
May narinig akong katok at bukas ng pinto. Nakita kong pumasok ang isang nurse karga ang anak namin ni Mika.
"Hello po. Heto na po si baby."
"Tulog pa ang anak namin, nurse."
"Ah sige po, ma'am. Babalik ko na lang kapag tapos na ang paginom kay baby. At para na rin po sa pangalan." Inabot na sa akin ng nurse ang baby. Mabuti na lang marunong ako magkarga ng isang baby.
"Alama mo kung paano magkarga ng isang baby, Caleb?"
"Yes po. Kinakarga ko na rin po noon ang kambal ng kakambal ko."
"Mama, papa... Caleb.." Napalingon ako kay Mika dahil gising na siya at sakto ang pagiyak ng baby namin. Nilagay ko sa tabi ang baby namin kay Mika. "Kamukhang kamukha, Caleb ah."
"Sana hindi nagmana sa ugali mo, princess." Sabi ng papa niya.
"Pa naman. Pero ayaw ko naman magmana siya sa ugali ko. Sana ang ugali ng ama niya siya magmana."
"Darling, bili ka na muna ng makakain natin baka kasi nagugutom na ang alaga mo." Natawa lang kami sa sinabi ng mama ni Mika.
"Si mama talaga."
Tinulungan ko ng umupo sa kama si Mika at nang nakaupo na siya ay kinarga na niya ang baby namin.
"Sinabi ko lang iyon para makainom na ang anak niyo at hindi na siya magtanong kung bakit." Paliwanag ng mama ni Mika.
"Hon, may naisip ka bang papangalan sa anak natin?" Umupo ako sa tabi ni Mika habang pinagmamasdan ang anak namin sa pagiinom ng gatas. Hindi ako naiinggit ah. Isang beses ko lang hinawakan si Mika simulang kinasal kami.
"Yes, Josiah ang pangalan ng anak natin." Ngumiti ako dahil nagustuhan ko rin ang pinangalan ni Mika para baby boy namin.
~~~~~
This is the last chapter of Justice of Love. No more chapter so, don't ask me for more updates. The end na ito.
-Skye
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Justice Of Love
RomantikCaleb is one of Aya's friend. Noong high school pa lang sila ay may paglihim na si Caleb sa kanya kaya may balak siyang ligawan ang babaeng mahal niya pero nireject lang nito hanggang sa naghiwalay na sila pero ni minsan ay hindi siya sinasagot ni A...