Chapter 4

909 42 1
                                    

3 months later...

Nakatayo ako sa harapan ng salamin habang tinitingnan ang peklat sa may tyan nakuha ko noong insidente. Sa tuwing nakikita ko ito ay naalala ko ang lahat na pangyayari.

You let your guard down, idiot.

Ang importante ay buhay ako, humihinga at malakas pa.

Pagkatapos ko kumain ng agahan ay naligo na ako then nagbihis na ako para makapasok na ako sa trabaho. Kahit sinabi ng doctor ko na kailangan ko ng bed rest pero hindi ko siya sinusunod dahil kailangan ako ng ibang tao.

Pagkarating ko sa law firm ay deretso lang ako papunta sa opisina ko.

"Good morning, attorney." Bati sa akin ni Jun.

"Morning." Nilapag ko ang bag ko sa couch, hinubad ko na rin ang coat ko at sinapit sa likod ng pinto. "Mag appointment ba ako sa mga kliyente ko?"

"Wala po pero dumaan pala rito si ms. Xavier kanina." Humarap ako kay Jun at kumunot ang noo ko.

"Ano naman ang ginawa niya rito kanina?"

"Gusto lang po niya alamin kung kamusta na ang pakiramdam mo at sinabi ko naman okay lang naman. Malakas pa rin ang pangangatawan mo."

"Pagkatapos niyang sabihin sa akin na nagkada malas malas siya tapos ngayon pupunta dito sa law firm ko para kamustahin ako. Ano ba problema ng babaeng iyon?"

"Baka naman may gusto sa inyo."

"That's ridiculous." Umupo na ako sa swivel chair at binuksan ko na ang laptop ko. "Pagtimpla mo na lang ako ng juice."

Hindi kasi ako mahilig sa kape kaya juice ang madalas na pinagtitimpla ko kay Jun. Kung may kliyente naman ako ay doon ko siya pinagtitimpla ng kape para sa kliyente.

"Okay po." Pumunta na siya sa pantry. Sa labas lang naman ng opisina ko ang pantry.

Habang hinihintay ang inumin ko ay tinitingnan ko na muna ang magiging schedule ko ngayon. Alam ko rin ang schedule ko kahit may assistant ako.

"Wala pala akong schedule for today. Ibig sabihin pwede ako umuwi ng maaga." Umiling ako. Kahit wala naman akong masyadong ginagawa dito ay hindi pa rin ako umuuwi ng maaga.

"Attorney, heto na po ang juice niyo." Nilalag na ni Jun ang juice sa desk ko bago pa siya bumalik sa pwesto niya.

Tumunog saglit ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko.

From Callie;

Attorney, busy ka ba next week? Birthday na kasi ng kambal.

To Callie;

I'll check my schedule by next week, twin.

From Callie;

(°з°) please? Minsan ka na nga lang makita ng kambal dahil sobrang busy ka sa trabaho mo.

To Callie;

Alam mo naman... People needs me.

From Callie;

Bahala ka. Magtatampo na rin ako sayo, twin.

"Jun."

"Yes, attorney?" Humarap sa akin si Jun.

"Paki cancel lahat na schedule ko on May 9. Birthday kasi ng mga pamangkin ko at baka magtampo na sa akin ang kapatid ko kapag hindi ako dumalo."

"Okay po."

"Thanks." Kinuha ko na ang juice at ininom. Ang sarap ng timpla ni Jun kahit kailan at kuhang kuha niya ang gusto kong timpa sa juice.

Bandang hapon ay lumabas ako sa law firm dahil kailangan ko ng fresh air pero sa hindi inaasahan ay makikita ko si Mika, nakaupo lang sa isang tabi.

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon