Chapter 15

765 33 0
                                    

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Callie kaya pumunta ako sa kanila ngayon dahil ang sabi niya ay day off niya sa work at salitan daw sila ni Alex sa pagaalaga sa kambal nila. Ayaw kasi ng kakambal ko kumuha ng yaya para magalaga sa kanila.

Nang nakarating na ako sa kanila ay pinagbuksan na ako ng gate ni Callie.

"Ano ang kailangan mo? Alam mo naman siguro busy ako palagi sa trabaho ko." Lumabi naman itong kapatid ko.

"Pumasok ka na muna bago tayo magusap. Atat ka masyado." Alok niya at siya na ang pumasok sa loob kaya sumunod na ako sa kanya.

"Ano ba kasi ang gusto mong pagusapan natin? Ako pa talaga ang pinapupunta mo."

"Siyempre, hindi ko naman pwedeng iwanan ang kambal. Wala si Alex dahil may aasikasuhin pa siya sa ospital ngayon."

"Okay." Kibit balikat ako sa kanya. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa akin."

"Ang sabi kasi ni Alex sa akin buntis daw ang girlfriend. Totoo ba?"

Parang kay Aizen ko lang sinabi ang tungkol doon ah. Ang bilis naman kumalat ng balita.

"Yeah, Mika is pregnant. Kung tatanungin mo sa akin tungkol sa pagpapakasal namin. Planado na ang lahat, ang pagpropose ko sa kanya at kasal."

"Parang sinasadya mong buntising siya ah."

"Excuse me?"

"Dadaan ka? Saan ka pupunta?" Pilosopo ko talaga itong si Callie. Hindi ko maintindihan kung bakit ito pa ang ang naging kakambal ko pero kahit ganito ito ay mahal na mahal ko rin itong kapatid ko.

"Tigilan mo ko, Callie. Hindi ko sinadya ang buntisin si Mika pero nandiyan na rin ang baby kaya susuportahan ko ang mag-ina ko ngayon." Nakita kong ngumiti ng isang malawak si Callie. Dito ako natatakot, eh.

"Kilala mo na ba ang pamilya niya? O kilala ka na ba nila"

"Not yet. Hindi ko pa kasi alam kung kailan ang hindi ako busy sa trabaho. Ngayon buwan kasi marami pa akong kasong hinahawakan."

"Dapat magpakilala ka na sa kanila bago mo gawin ang pagpropose sa kanya. Paano na lang pala hindi ka nila tanggap para sa anak nila? Para lang iyan noong panahon na pinagbabawalan mo ko lumapit kay Luca."

"Iba naman ang sitwasyon natin. Unang una hindi gago itong kapatid mo, pangalawa mabait ako at ang huli seryoso ako sa isang relasyon kaya nga nasasaktan ako ng sobra noon, eh."

Noong una ay mahirap i-adjust ang oras ng trabaho at kay Mika dahil sobrang busy ko talaga pero sa katagalan ay nasasanay na ako paghatiin ang oras ko sa kanya. Time management lang talaga.

"Pakilala ka na kasi..."

"Fine. Tatawagan ko lang si Jun para cancel ng mga meeting ko sa kliyente bukas." Nilabas ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan ang number ni Jun.

"Yes, attorney? Napatawag po kayo."

"Importante ba ang meeting ko bukas?"

"Hindi naman po. Kakausapin lang kayo ng isa niyong kliyente bukas para pagusapan ang kaso."

"Okay, cancel it. May importante kasi akong lakad bukas at kausapin mo na rin yung kliyente i-resched yung pagkikita namin."

"Okay po."

"Ikaw na bahala magbigay sa kanya kung kailan ako pwede." Binaba ko na ang tawag bago tumingin kay Callie. "Ano? Masaya ka na?"

"Masayang masaya."

"Yung mga bata pala?"

"Tulong sina Aileen at Allen ngayon. Natutulog kasi sila paguwi galing school." Tumango lang ako sa kanya.

Kinabukasan...

Maaga ako nagising para magluto ako ng almusal bago dumderetso sa bahay nila Mika.

Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako then dumeretso na ako ngayon sa bahay nila Mika. Nang nakatating na ako ay nakakaramdam ako ng nerbyos dahil ngayon ko pa lang makilala ang pamilya ng girlfriend ko. Pinindot ko ang doorbell at isang matandang babae nakauniporme ang nagbukas ng gate.

"Yes po, ser? May kailangan po kayo?"

"Um, nandiyan po ba si Mikaella?" Pinagpapawisan ako ng malamig ah.

"Yes po. Pasok kayo, ser."

Pagkapasok ko ay hindi ko inaasahan na mayaman pala ang pamilya ni Mika. Laglag panga ko nito. Pero napabaling ang tingin ko sa isang binata nakaupo sa sofa nila at kumunot ang noo ko. Sino naman ito? Isang chinito ito pero wala namang mata sa sobrang singkit.

"Manang, sino po ang bisita--" Napalingon ako sa may hagdan nila at mukhang nakita niya ko. "Caleb..."

"Careful." Inilalayan ko siyang bumaba ng hagdan nila. Ayaw ko naman mawalan ng anak.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala rito?"

"Surprise. Pinacancel ko pa ang meeting ko sa kliyente ko para makita lang kita."

"Wait a minute." Pareho kami ni Mika napalingon sa nagsalita. "Ano ang ibig sabihin nito, Ella?"

"Oh, Xian nandito ka rin pala."

"Kanina pa ako dito, Ella. Naghihintay sayo."

"Who's this guy, hon?"

"Caleb, this is Xian ang suitor ko pero palagi ko naman binabasted. Mukhang wala yata sa bokubularyo niya ang salitang sumuko." Tumingin naman siya sa tinatawag niyang Xian. "Xian, this is Caleb my boyfriend and soon to be my husband."

"What?!" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Ngiting aso na lang ako sa kanya. "I sue you!"

"Beg your pardon?" Kumunot ang noo ko dahil kakasuhan ako nito. "Kakasuhan mo ko? Sa anong kaso?"

"Sa pagaagaw mo sa akin sa babaeng mahal ko."

"Wow." Pumapalakpak pa ako na parang nangaasar sa kanya. "Sa tingin ko hindi tatanggapin ng judge iyang kaso na sinampa mo sa akin."

"At sino ka ba para magsalita ng ganyan? Attorney ka ba?!"

"Oh, sorry. Hindi pala ako nagpakilala sayo ng maayos, I'm atty. Caleb Tan." May nilabas pa akong calling card at inabot sa kanya. "Baka kailangan mo na rin ng isang lawyer. Call me anytime."

"Argh... Hindi pa tayo tapos! Akin ka lang, Ella."

"Hindi pwede, Xian. Dinadala ko ngayon ang anak ni Caleb kaya papayag ako sa kanya magpakasal." Laglag panga niya sa sinabi ni Mika. At sawakas umalis na rin yung lalaki.

"Speaking of marriage, hon. Nasaan ang parents mo para magpakilala na ako sa kanila at maayos na ito. Pwede na tayo magpakasal anytime we want."

"Nasa taas sila." Tumalikod si Mika sa akin. "Manang, pwede po ba tawagin sina mama at papa? May gusto lang po makausap sa kanila."

"Okay, Ella." Umakyat na si manang sa hagdan.

"Maupo na muna tayo habang hinihintay natin ang mga magulang ko." Hinila ni Mika ang braso ko at umupo na kami sa sofa.

Kung kanina ay nawala ang nerbyos ko dahil sa suitor ni Mika na wala namang mata pero ngayon ay bumabalik na naman. Pinagpapawisan na naman ako ng malamig.

~~~~

To be continue!

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon