Chapter 6

782 37 0
                                    

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Mika noon sa akin. She loves me.

Ginulo ko ang aking buhok. Bakit ba ako apektado sa sinabi niya? Marami naman babaeng abogado o yung mga dating kaklase ko sa law ang umaamin sa akin pero iba na ito.

Paanong iba?

Ay, ewan.

Tumingin ako sa orasan at namilog ang mga mata ko dahil malapit na magsimula ang birthday party ng kambal.

"Darn! Late na ako at paniguradong magagalit na sa akin si Callie!"

Nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo ah nagbihis na ako para makapunta na ako sa bahay nila Callie. Nang nakaalis na ako ay nakalimutan ko yung regalo sa loob.

"Damn! Yung regalo!" Bumalik ulit ako sa loob para kunin ang dalawang regalo.

Nagmamadali na ako pumunta kila Callie hanggang nakarating na ako sa kanila kaya agad ako bumaba.

"Mabuti naman nagparamdam ka." Sabi ni Callie sa akin pagkapasok ko.

"Sorry kung ngayon lang ako. Nawala sa isip ko yung oras."

"Nasa garden yung kambal. Nandoon na rin yung mga bisita."

"Sila Aizen?"

"What do you expect? Kaibigan ni Alex si Aizen at ang mga kaibigan nito. Kaibigan naman natin si Aya."

"Sige, twin. Pupuntahan ko na sila sa garden para ibigay ko na sa kanila ito." Naglakad na ako papunta sa garden. Nakikita ko si Allen nakikipaglaro kay Aiden at Irene, ang kambal nila Aya at Aizen. Habang si Aileen naman sa isang table nagbabasa ng story book pero ginugulo naman siya ni Eizen. Halatang may gusto ang panganay nila kay Aileen.

"Allen." Agad kong tawag sa kanya kaua huminto siya makipaglaro.

"Tito Caleb!" Tumakto siya papalapit sa akin at napatingin naman si Aillen sa akin.

"Tito Caleb." Lumapit na rin sa akin si Aileen kaya lumuhod na ako sa harapan nila.

"Happy birthday sa inyo. Heto pala ang regalo ko para sa inyong dalawa." Inabot ko na sa kanila ang kanilang regalo.

"Salamat po!" Sabay nilang pagsasalamat sa akin.

"Maya niyo na buksan ang regalo kasabay na ng ibang regalo niyo."

"Allen, tara ibigay na natin kay papa para ilagay niya kasama ng iba." Pag aya ni Aileen kaya pumunta na sila pareho ni Allen kay Alex.

Nakita ko si Aizen, katabi niua si Aya na dati kong minahal noong high school hanggang collage kami pero noong nagkahiwalay sila ni Aizen ay ni minsan hindi ako sinagot ni Aya. She always rejected me. Hindi ko alam kung ano meron kay Aizen pero noong nagpakasal ang dalawa doon ko lang nalaman, talagang mahal ni Aya si Aizen. Ang ama ng mga anak niya. First rejection, first heart break until I met Bea sa isang party noon kasama ko ang ibang attorney at mga judge. Anak si Bea ng isang judge na kakilala ko at simula noon naging magkaibigan kami kaya niligawan ko siya but sa loob ng tatlong buwan ay niloloko lang pala niya ako. Kaya siguro takot na ako umibig.

Nakataas ang isang kilay ko nang matanaw ako rito sina Luca at Buck, pero bakit wala yata yung isang kaibigan nila na si Chuck? Himala hindi sila kumplento na magkakaibigan ngayon.

"Alex." Tawag ko sa kanya ng dumaan sa tabi ko kaya huminto siya sa paglalakad bago humarap.

"Yes?"

"Bakit hindi yata kumpleto ang mga kaibigan ni Aizen?" Tanong ko at lumingon siya sa table nila Aizen bago tumingin ulit sa akin.

"Hindi mo napanood sa balita ang nangyari kay Chuck 4 years ago?" Kumunot ang noo dahil wala akong ideya sa nangyari, sa sobrang busy ko sa trabaho kaya wala na akong oras manood ng tv.

"What happened?" Kahit pa paano ay naging kaibigan ko naman sila kahit ayaw ko kay Aizen pati na rin sa mga kaibigan nito maliban kay Alex dahil nakikita kong mabait siyang tao. Hindi ko nga maintindihan kung paano naging magkaibigan sina Aizen at Alex.

"May nangyaring sunog noon sa Ilocos sa isang resort at ang sabi ni Buck nandoon daw ang lolo ni Nika kaya niligtas niya. Nakaligtas naman yung matanda pero si Chuck naman ang hindi. Hindi nga sumuko sina Buck at Luca sa paghahanap sa katawan ni Chuck hanggang may natagpuan na relos na palaging suot ni Chuck kaya nakumpirmang patay na siya." Pinatong ni Alex ang kamay niya sa balikat ko. "Kung gusto mo lapitan mo sila."

No thanks. Ayaw ko rin naman ng gulo at baka masira lang ang party ng kambal.

"Caleb." Nilingon ko kung sino iyon.

"Aya." Ngumiti lang ako sa kanya. Kahit pa paano ay move on na ako sa kanya at si Aizen talaga ang mahal niya, hindi ako.

"Nagiisa ka rito. Samahan mo kami sa table."

"Salamat pero ayaw ko ng gulo. Alam mo naman kung gaano ako naiinis sa asawa mo at sa mga kaibigan nito."

"Dapat sanay ka na. Sa apat na taon mo siya nakikita sa EA. Ako nga 8 years ko siya nakasama tapos isama mo pa yung mga taon nagsimulang nagkabalikan kami at noong nagpakasal kaming dalawa."

"Hindi ko magagawa iyan. Simulang naging magkaribal kami ni Aizen noon ay nasira na ang pagkakaibigan namin."

"Kilala mo si Zen, Caleb. Pasaway pero mabait naman siya. Seryoso sa isang bagay na gusto niya kaya nga tingnan mo ngayon, isa ng succesful doctor at may sarili pang ospital." Umupo na ito sa tabi ko, tutal ako lang naman magisa dito sa table. "Maiba tayo, huwag na si Zen ang pausapan natin baka makaamoy iyon na siya ang topic."

Natawa ako ng konti sa sinabi ni Aya.

"Ang sabi kasi ni Callie na may girlfriend ka na daw. Congrats."

"Girlfriend? Wala akong girlfriend, Aya. Loko talaga si kambal."

"May nakilala daw siya noong pumunta ka daw sa restaurant niya. Unusual daw kasi sa tuwing pumupunta doon ay ikaw lang naman pero noong huling punta mo may kasama kang babae."

"Baliw talaga si Callie. Hindi ko girlfriend si Mika, colleague or let say rival at work."

"Colleague? Rival? Sa sobrang tagal na kitang kasama kaya kilala na kita, Caleb. Hindi iyon nakikita ko dahil iba ang sinasabi ng mga mata mo."

"Nahawa ka na kay Callie. Umiwas ka na sa kabali--- ouch!" May bumatok kasi sa akin kaya nilingon ko. Si Callie pala iyon.

"Baliw pala ah. Hoy, Caleb gusto mo yata paalala ko sayo yung mga panahon na sobrang baliw ka kay Aya tapos noong nakilala mo si Bea."

"Kambal nga talaga kayo." Sabi ni Aya.

"Pero mas bet ko yung kasama mo noon." Taas baba pa ang mga kilay nito.

"Ewan ko sayo, Callie." Napailing na lang ako ng ulo.

~~~~~~

Comment and press ☆ to vote

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon