Chapter 7

735 42 1
                                    

Mga ilang araw na rin. Siguro apat na araw na ang nakalipas ay may hawak na ulit akong kaso. Sigurado akong siya ulit ang prosecutor sa kasong ito. Hindi ko alam pero excited akong makita ulit si Mika.

Pagkapasok ko sa loob ng korte ay hindi si Mika ang nasa kabila, isang lalaking prosecutor. Nasaan ang babaeng iyon? Bakit hindi siya ang makakalaban ko? Umupo ako sa tabi ng defender ko habang hinihintay ang pagdating ng judge.

"Ayos lang kayo, attorney?"

"Yes, I'm fine. Huwag mo ko isipin at isipin mo ang sitwasyon mo ngayon. Ang kaso na kailangan ipanalo." Inaayos ko ang mga file nasa table. Heto kasi ang mga ebidensya ko sa kasong ito pero alam ko naman hindi pa sapat na ebidensya ito.

"All rise." Tumayo na kaming lahat sa pagdating ng judge.

Nawawala ako sa concentration dahil hindi ako sanay na hindi si Mika ang prosecutor na kalaban ko. Sa loob ng dalawang buwan namin nagbabangayan sa loob ng korte ay nasanay na ako sa kanya.

Nakakahiya ang pinagagawa ko ngayon. Hindi ko na muna iisipin ang tungkol kay Mika dahil kailangan ko mag-focus sa kasong ito. Hanggang natapos na ang unang araw sa hearing. Gusto ko ngang sapukin ang sarili ko sa nangyari kanina, sobrang nakakahiya.

Tinuring ka pang magaling na abogado pero puro kahihiyan ang ginagawa mo ngayon! Ang tanga mo, Caleb.

Agad na ako lumabas sa korte dahil sa hindi maganda ang atmosphere.

"Nakakahiya ang ginawa mo kanina, atty. Tan." Sabi ng prosecutor na ito habang nakatayo sa likuran ko. Hindi ako makasagot dahil totoo naman. "Mukhang may balak ka pang ilagay siya sa kulungan ng ilang taon imbes na ipagtanggol mo siya."

Hindi na sumagot pa sa kanya dahil umalis na lang ako. Ayaw ko na marinig pa kung ano pa ang gusto niyang sabihin. Napahiya na nga ako, pinapahiya pa niya ako sa ibang tao. Damn it.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong umupo sa sofa at tumingala lang sa kisame. Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko.

"Hello, Caleb." Sumimangot ako ng marinig ko ang boses niya pero hindi tumigil ang tibok ng puso ko. "Sorry kung hindi ako yung makalaban mo ngayon kasi naman ibang kaso ang hawak ko. Musta ang ka--"

Pinutol ko ang tawag dahil ayaw ko maalala ang nangyari kanina.

"Asar! Ang tanga tanga mo, Caleb. Dahil dito masisira ang pangalan mo bilang isang magaling na abogado!"

Napatingin ako sa may pinto ng may nag-doorbell sa labas pero hindi ko na iyon inabala baka sa kapit bahay lang iyon. May nagdo-doorbell na wagas sa labas kaya binuksan ko na ang pinto ng bahay at nagulat ako ng makita si Mika.

"Ano ba problema mo, Mika?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Binabaan mo ko ng tawag kanina. Bastos ka rin, no?! Gusto ko lang naman malaman kung ano nangyari sa--"

"Wala. Napahiya ako kanina." Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil paniguradong pagtatawanan niya ako ngauon. "Ayos lang kung gusto mo tumawa. Heto naman ang gusto mo mangyari sa akin noon pa."

"Bakit ko naman gagawin iyan? Iyan ba ang iniisip mo sa tuwing nagkakaharap tayo sa korte?"

"Bakit? Hindi ba? Alam ko naman gusto mong manalo sa lahat na laban sa tuwing nagkakaharap tayo." Humarap ulit ako sa kanya. Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak. Ngayon lang nangyari sa buhay ko ito.

Pero alam ko naman hindi lahat na panahon ay palagi kang panalo dahil may panahon rin naman natatalo.

"Hindi pa naman dito nagtatapos ang lahat, Caleb. Nagsisimula pa lang naman ang laban."

"Hindi ko na kaya... Napahiya--"

"Dahil lang napahiya ka sa nangyari kanina ay susuko ka na lang ng basta basta? Hindi iyan ang kilala kong Caleb."

"Nasanay lang ako na ikaw ang kabangayan ko hindi ang ibang tao." Tumalikod na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.

"Miss mo na agad ako. Sabagay apat na araw na rin noong huling pagkikita nating dalawa." Hindi ko namalayan ay nasa harapan ko na pala siya ngayon. Hinawakan naman ni Mika ang magpabilaang pisngi ko. "Caleb, ayos lang naman ang matalo sa mga kaso pero hindi pa naman dito natatapos ang lahat. Nagsisimula pa lang ang laban niyo."

Imbes na sagutin ko si Mika ay niyakap ko siya ng mahigpit na parang ayaw ko siyang mawala sa akin. Naramdaman ko na gumanti na rin siya sa pagkayakap sa akin.

"Si atty. Tan ay iiyak dahil sa nangyari sa kanya kanina."

"Inaasar mo ba ako?"

"Ayos lang iyan, attorney. Heto na lang ang gagawin ko sayo." Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi. "Baka gumaan ang pakiramdam mo ngayon dahil sa nangyari kanina."

Sa tingin ko nagkakagusto na rin ako sa babaeng ito ngayon. Pero ayaw ko na ang umibig kung pareho lang naman ang mangyayari sa akin.

Humiwalay na ako sa pagkayakap sa kanya at hinawakan ko na rin ang magkabilaang pisngi niya.

"Mika..."

"Bakit? May kailangan ka ba sa akin?"

"Totohanin na natin ito."

"Ang alin?" Halata sa mukha niyang naguguluhan siya sa gusto kong sabihin sa kanya.

"You don't need to pretend to be my girlfriend. Let's make it real."

"Hindi naman ako nagtatanggap na girlfriend mo. Kung iniisip mo yung sinabi ko sa ex girlfriend mo noon. Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam kung bakit ko iyon sinabi at hinalikan pa kita sa harapan ng maraming tao."

"Because you love me. You said it before... You love me but you hate me as well." Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil siniil ko na siya ng halik. Kasalanan rin naman niya kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

"Mmmph.." Pinagpapalo niya ang braso ko kaya humiwalay na ako sa kanya. Tumingin ako kay Mika pero pulang pula ang pisngi niya ngayon parang kamatis na sa pagkapula. "Alam ko naman hindi mo ko magagawang magalin, Caleb. Takot ka na magma--"

"Sa tingin mo ba hahalikan kita kung hanggang ngayon ay takot pa rin ako?"

"Ibig sabihin..." Tumango ako sa kanya.

"Yes, Mika. Handa akong ligawan ka."

"Pumapayag ako pero sa isang kondisyon." Ako na tuloy ang naguguluhan. Ibang klase rin kasi siya, may kondisyon pa nalalaman.

"Ano iyon? Kahit ano."

"Sa susunod na magkaharap ulit tayo sa korte ay magpatalo ka ah." I gently pinched her cheek. Pasaway.

"Hindi pwede. Kailangan gawin natin ang best natin para maipanalo ang laban sa korte."

"Binibiro lang kita. Win or lose basta panalo na ako diyan sa puso mo." Ngumiti ako sa kanya.

Napagdesisyunan ko na tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari sa amin ni Mika pagkatapos ng araw na ito. Kung para ba kami sa isa't isa. Kung oo, lalaban ako hanggang sa huli.

~~~

Kilig ba kayo sa chap na ito? Haha

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon