Chapter 17

764 30 1
                                    

Pumunta ako ngayon sa restaurant ni Callie para bisitahin siya at sinabi ko na sa kanya na ngayon araw ang balak ko.

Pagkarating ko ay may nadatnan akong hindi ka nais-nais. Nandito kasi yung mga tao ayaw kong makita o makasama.

"Callie!" Tawag ko sa kakambal ko kaya agad lumapit si Callie sa akin.

"Yes, twin? May kailangan ka pa ba?"

"Ano naman ang ginagawa nila rito? Did I tell you hindi naman kailangan engrade for this occasion."

"Minsan lang maging magkaroon ng ganito sa buhay ng isang tao."

Nasampal ako sa noo ko. Ano ba hirap ng sinabi ko sa kanya noon? Hindi engrande ang venue. Simple lang naman ang gusto ko.

"Oh God. Lalong sumasakit ang ulo ko sayo, Callie. Ang gusto ko lang naman ay kaming dalawa lang ni Mika. A simple dinner date."

"Too common. Halos lahat ganyan ang ginagawa, Caleb." Sagot naman niya sa akin.

"Yeah, mas mabuti pa kami na ang bahala sa venue, Caleb." Pag sasang ayon ni Aya.

"You can't say no with my wife, Caleb."

"Bakit? Ano mali sa sinabi ko? At saka kami mga babae ay gusto namin memorable lalo na yung pagpropose niyong mga lalaki. Dapat may effort."

"Bakit? May effort naman ang pagpropose ko sayo noon, wifey."

"Babe, sabihin mo nageffort ako sa pagpropose ko sayo."

"Wifey, nag-time machine pa tayo at binalikan pa natin ang mga masasaya at nakakalungkot nangyari sa ating dalawa. Sa EA pa ako nagpropose sayo."

"Babe, anniversary pa ng ospital noong nagpropose ako sayo. Anunsyo pa sa ibang staff ang tungkol doon."

"Oo na. Nageffort na kayong dalawa." Sabay pa sina Aya at Callie. Natawa na lang ako dahil ngiting tagumpay ang mga asawa nila.

"Sige na. Pumapayag na ako dahil gusto ko rin naman maging memorable kay Mika mamayang gabi."

"Curious tuloy ako sa girlfriend mo, Caleb. Hindi mo na sinasabi sa ang tungkol sayo." May pagtatampo ang boses ni Aya ngayon.

"Sorry, Aya. Busy na kasi tayo ngayon. Ikaw may sarili ka ng pamilya. At ako magkakaroon pa lang."

"Sis, makilala mo naman si atty. Xavier mamaya."

"Lawyer rin pala ang magiging future wife ni atty. Tan." Sabi ni Aya.

Tumulong na rin ako sa pagde-design ng restaurant ni Callie para mamayang gabi. Habang si Callie ay nasa loob ng kitchen para sa pagkain na hahanda mamaya.

"Text o tawagin mo na yung girlfriend mo, bayaw. Malapit na kasi gumabi."

"Hindi pa nga ako nakakabihis oh. Uuwi na muna ako sa bahay para magpalit at tatawagan ko na lang si Mika."

Pagkauwi ko sa bahay ay nagpalit na ako ng damit. Nagsuot ako ng formal attire para memorable ang gabing ito para sa amin. And after that ay tinawagan ko na si Mika.

"Hello..."

"Hi, hon. I would like to you ask for a date tonight. Bihis ka ng dress ah."

"Dinner date? Sure. Susunduin mo ba ako dito?"

"Yes, I'll pick you at 7." Binaba ko na ang tawag dahil alam kong matagal magayos ang mga babae. Nagayos na rin ako ng sarili, sinuklayan ko na rin ang buhok ko.

Mama, papa, alam ko pong proud kayo sa akin dahil malapit na ako ikasal aa babaeng mahal ko. Sana po nandito kayo ngayon para makita niyo.

Napabuntong hininga na lang ako dahil ayaw kong umiyak. Sobrang miss ko na ang mga magulang ko ay naiiyak ako.

Pagkarating ko sa bahay nila Mika ay pinagbuksan ko na siya mg pinto sa passenger's seat.

Nang nakarating na kami sa restaurant ni Callie ay binati kami ng guard.

"Good evening, sir ma'am." Pinagbuksan na kami ng pinto ng guard kaya pumasok na kami sa loob.

"Caleb, ano ito? Masyadong effort naman ito para sa dinner date natin."

"You'll see later, hon." Pinatulak ko na siya ng mauupuan bago ako umupo sa harapan niya.

"Ano ba ang okasyon? Nanalo ka ba sa kaso? O baka naman natalo ka."

"Grabe ka. Wala sa dalawang pagpipilian."

"Eh, ano?"

"You'll see." Inulit ko lang ang sinabi ko kanina sa kanya.

"Walang ibang customer ah? Talagang pinaghandaan mo ang gabing ito." Ngumiti ako sa kanya. Totoo naman pinaghandaan ko ang gabing ito dahil ngayon din ako magpopropose sa kanya.

Dumating na rin yung pagkain na niluto ni Callie para sa amin ni Mika. Ang palagi kong request sa kapatid ko kapag pumupunta ako rito. Ito rin kasi ang gusto ni Mika, eh.

"Hindi mo talaga ako binigo sa pagkain, Caleb."

"Siyempre naman. Alam kong gusto mo iyang pagkain simulang kumain ka rito sa restaurant ni Callie."

May narinig akong nagtugtog na para bang violin.

"May ganito pa talaga? Sweet mo naman." Sabi niya. Nagtaka ako kung paano nagkaroon ng musicians?

Ugh... Callie. No doubt.

"Y-Yeah, of course. Gusto ko kasi memorable sa ating dalawa ang gabing ito." Naiilang na rin akong ngumiti kay Mika.

Wala sa plano ko ang magkaroon ng musicians kaya pagkatapos nito ay humanda sa akin si Callie.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at lumapit sa tabi ni Mika.

"Let's have a dance." Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya at agad naman tinanggap ni Mika. Lubusin na hanggang may background music.

Sumayaw na kaming dalawa ni Mika sa gitna habang tumutog pa rin yung mga musician na romance song.

"I love you, Caleb."

"I love you too." Hinalikan ko siya sa labi at huminto na kami pareho sa pagsasayaw. "And one more thing..."

"Ano iyon?"

Lumuhod na ako sa harapan niya at nilabas ko na ang isang maliit na box naglalaman na singsing.

"Mika, will you marry me?"

"No--"

"What?"

Akala ko ba okay na ang lahat. Bakit nag-no si Mika? Baka hindi pa ito ang tamang panahon para sa akin.

Bumuntong hininga na lang ako bago tumayo. Nakakahiya ito ah.

"Caleb, let me finish first. Hindi na ako makakapaghintay na magsabi ng oo. Oo, magpapakasal ako sayo." Tumingin ako sa kanya na may ngiting gumuhit sa mga labi ko at sinuot ko na sa daliri niya ang singsing.

"I thought you're going to say no."

"Of course not. Ikaw lang ang lalaking gusto kong pakasalan at makasama habang buhay." Hinalikan ko ulit siya sa labi.

Napalingon kami pareho ni Mika ng may narinig na pumalakpak. Nakita ko yung iba. Nandito pala sila.

"Congrats sa inyo, twin, attorney."

"Thank you, Callie." Sabi ni Mika.

"Kasalan na susunod na mangyayari sa buhay ni Caleb." Nakangiting saad ni Aya.

"Of course, Aya." Tumingin ako kay Mika then kay Aya. "Aya, this is Mika."

"Hi, finally meet you. Palagi ko naririnig sa magkapatid na ito ang tungkol sayo pero curious tuloy ako kaya gusto na kita makilala."

"Hello. Nice to meet you too, Aya."

~~~~

Doctor x Doctor (Aya x Aizen)
Chef x Doctor (Callie x Alex)
Lawyer x Lawyer (Mika x Caleb)
😂

Malapit na matapos. Ilang chapter na lang. Wooh! Next na ang book II ng story nina Nika at Chuck sa sariling story ni Patrick na anak nila. Doon niyo malalaman kung buhay o patay ba talaga sa sunog si Chuck.

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon