Chapter 19

890 27 0
                                    

Ngayong araw ang kasal namin ni Mika pero mamaya pa magsisimula ang sermonyo ng kasal kaya mamaya ko pa siya makikita. Excited na talaga ako.

"Kinabahan ka, no?" Tumingin ako kay Alex at naiilang ako ngumiti sa kanya. "Normal lang naman ang kabahan."

"Hindi ko lang maiwasan. Para yung unang araw ko nakilala ang parents niya. Pinagpaiwasan ako ng malamig." Pinagtawanan lang ako ni Alex. Natatakot lang kasi ako baka hindi ako tanggaping ng mga magulang ni Mika noong araw na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi nila ako tanggap lalo na kapag malaman nila tungkol sa pagbubuntis ng anak nila. Unica hija pa naman siya.

"It's okay, bayaw. Ganyan din ang nararamdaman ko sa parents niyo noon ni Callie. Nilakasan ko na ang loob ko para lang makausap silang dalawa kahit malayo ang lugar natin sa kanila."

"I'm sure kung saan man sila ngayon at sigurado akong proud sila para sa akin."

"Of course, they will. Ikakasal na ang kakaisang anak nilang lalaki."

Kaming dalawa lang naman ni Callie ang anak nila, eh.

"Twin." Niyakap ako ni Callie pagkarating niya sa beach. "Ang ganda ni Mika. Baka laglag panga mo kapag nakita mo na siya mamaya."

Narinig ko ang pagtawa ni Alex. Grabe naman ang mag-asawa ito.

"Babe, baka umiyak pa ang kapatid mo kapag nagsimula seremonya mamaya." Tumatawa pa rin si Alex.

"Ang sama niyong mag-asawa ah."

"Alam mo, twin. I'm so proud of you."

"Thanks, sis." Ngumiti ako kay Callie.

"Babe, tara na. Doon na tayo kila Aya." Hinawan na ng kapatid ko ang kamay ng asawa niya.

"Sige, bayaw." Tinapik ni Alex ang balikat ko bago sila umalis ni Callie.

Nagsimula na ang seremonya at tumugtog na rin ang kanta. Nakikita ko na ang pagdating ni Mika habang hinahatid siya ng papa niya at pinunasan ko ang aking luha dahil ito na talaga ang araw na ikakasal ako sa kanya. Oh damn. Nagkakatotoo ang sinabi ni Alex kanina na baka umiyak ako pagkakita ko kay Mika. She is the most beautiful woman I've ever met. Ang babaeng mamahalin at makakasama ko habang buhay. Ang ina ng mga anak ko. Ikaw lang iyon Mika.

"Caleb, alam kong mabuti kang bata at makikita ko naman kung gaano mo inaalagaan ang prinsesa ko." Ngumiti ako kay tito.

"Huwag po kayo magaalala. Hanggang sa pagtanda namin ay mamahalin ko siya."

Nang nasa harap na kami ng altar ay may priest nakatayo sa harapan namin ni Mika.

"Do you Caleb Tan take Mikaella Xavier as your wedded wife?"

"I do."

"Do you Mikaella Xavier take Caleb Tan as your wedded husband."

Pinisil ko ang kamay ni Mika dahil wala kaming narinig na sagot mula sa kanya. Shit naman. Huwag ganito. Tiningnan ko siya dahil kinabahan na ako. Hindi magandang biro ito.

"Hon?" Bulong ko sa kanya.

"I do." Nakahinga ako ng maluwag nang sumagot na si Mika.

Humanda ka sa akin mamaya, Mika. Pinakaba mo ko.

"And I now pronounce you a husband an wife. You may kiss the bride."

Inangat ko na ang suot niyang belo at hinalikan ko na si Mika sa labi niya.

"I love you, hon." Nakangiti ako sa kanya.

"I love you too."

Kiss! Kiss!

Sigaw ng ibang bisita. Sino ba ang sisigaw ng ganoon? Yung mga kaibigan ko noong high school.

Hinalikan ko na ulit si Mika sa labi niya. Isang smack kiss.

Nang nakarating na kami sa reception ay nagkakasiyahan na kami. Maya maya pa ay loko talaga itong si Jun dahil may video pa siyang pinapanood sa akin. Yung video na palagi kami nagbabangayan ni Mika noon.

Video:

"You know, atty. Tan sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo ay nasisira lang ang araw ko."

"Pardon? Eh, wag kang tumingin para naman hindi masira ang araw mo." Nakangisi pa ako diyan. Para bang nag aasar talaga ako.

"Arggh... Kaya siguro walang babae ang tumatagal sayo dahil sa ugali mo."

"Wow. Huwag mo naman isama dito ang love life ko. Pero kung love life rin naman ang paguusapan ay walang lalaki ang tatagal sa ugali mo. Spoiled brat."

"Excuse me?"

"Dadaan ka? Sige lang para naman makapagtrabaho na rin ako."

Doon na nagtatapos ang video. Hindi ko nga alam kung paano nagkaroon ng ganoon si Jun.

Wala ka talaga maririnig sa buong reception kung hindi puro tawanan dahil sa pagbabangayan namin ni Mika noon but in the end kami pa rin ang para sa isa't isa.

"Paano nagkaroon ng ganoong video ang sikretarya mo?" Tanong ni Mika sa akin.

"I have no idea. Pati ako ay nagulat nang makita na may ganoon pa lang video tinatago si Jun."

"Nakakahiya. Grabe."

"Huwag ka mahiya dahil doon nagsimula ang lahat, hon. How we hate each other before but now, we're totally in love to each other."

Nakita ko na ang paglapit si Callie kasama si Alex. Paniguradong aasarin na naman ako ng kapatid ko.

"Wow. Ganoon pala nagsimula ang love story niyong dalawa." Sabi ni Callie.

"Yes, sis. Hindi ako makapaniwala kasalanan ang baksak naming dalawa ni Mika." Kinurot ni Mika ang pisngi ko. Sobrang sakit.

"Ngayon maniwala ka na. Ako ang naging asawa mo." Ngumiti ako sa kanya.

"Congrats sa inyong dalawa." Sabi ni Alex.

Ang dami ang lumalapit sa amin para i-congratulate kami, kasama na doon ang mga magulang ni Mika. Hanggang sa may narinig akong kumakanta sa stage kaya napalingon ako. I saw Luca is singing. Alam kong magaling siyang kumanta dahil palagi ko siya naririnig kumanta sa school.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inilahad ko ang aking kamay.

"Hon, may I dance with you?"

Tinanggap naman ni Mika ang kamay ko at pumunta na kami sa gitna. Nagsimula na rin kami sumayaw ng slow dance. Sumali na rin yung may mga asawa para i-sayaw nila ang kanilang misis. Huminto na sa pagkanta si Luca dahil lumapit na siua sa asawa niya pero may music background pa rin. Nakakatuwa nga lang dahil sa magkakaibigan ay si Buck lang ang wala pang asawa. Ang sabi niya kasi noon ay sa mga pamangkin lang daw siya magpo-focus. Mukhang walang balak maghanap ng girlfriend.

~~~~

Are you ready to know what will happen next? The final chapter of Justice of Love.

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon