ALONA'S POV
Kinaumagahan ng Monday, maaga akong pumasok sa school para maiset-up ang mga ginawa ng kaklase ko para sa mga props.
Dala ko ang ilan sa costume na ginawa namin noong Saturday kina Ynari.
Kahit alam kong naging bullied victim ako awa naman ni God meron kaming natapos.
Di ko kita ang daan nang may makakasalubong na pala ko at hindi sinasadyang nabangga ko sya.
"ANO BA! Ang panget-panget mo para humarang sa daanan!",sigaw nung babaeng mas magaganda pa ang mga kaklase kong babae kesa sa kanya sabay tulak sa akin.
Napatuon ang mga damit kong dala at chineck agad kung may mga nasira.
Ghad buti na lang wala.
Pero dahil napipika na rin ako sa walang tigil na pagsasalita ng babaeng nabangga ko, nagsasalubong ang kilay na hinarap ko ito at sinigawan.
"Tang-ina ka ah! Di ka pa ba tapos magsalita dyan? Nakakarindi ka na! Pasalamat ka walang nasira sa mga damit na to kung hindi talagang magiging kamukha kita! Letse tabi!",nanggagalaiti kong sigaw dito kaya ganun na lang ang pag-awang nito ng bibig habang nakatanga saken.
Habang ako nama'y dinampot ang mga damit at walang habas na binangga pa sya bago lumampas dito.
Pakiramdam ko nagtimes two ang init ng ulo ko dahil sa kanya.
Kala nya ah!
Di lahat ng panget pedeng apihin!
Nakarating ako sa classroom na sobrang magulo sila sa dahilang hindi ko alam.
"Hutaena ninyo magsitahimik kayo! Wala ako sa mood makinig ng mga ingay ninyo kaya pakipasakan ang inyong mga bibig ah!",seryoso kong sigaw habang padabog na ibinagsak ang mga dala ko.
"Ang angas mong nerdy panget! Anyare sayo?",maangas na balik naman ni Hoturni habang matawa-tawang nagpapalobo ng bubble gum.
Masama ko itong tiningnan at itinanong kung meron bang nagawang props ang kanilang grupo.
At nang mas nang-aasar pang nagtawanan ang mga ito na sumagot-sagot na bakit sila gagawa ay walang sabi-sabing naghagis ako ng limang kutsilyo sa direksyon nila na sakto sa bawat pagitan nila habang nakaupo.
At gaya ng reaksyon nilang lima ang naging reaksyon ng mga iba pang estudyante sa loob.
"Putang-ina. I already reminded you before na wag nyo kong ginagalit! Sagarin nyo ko at talagang matutuluyan kayo saken!"
"Makakarating ito sa dean's office! Malalagot kang nerdy panget ka!",sigaw ng babaeng girlfriend ata nung isa sa limang lalaking yun.
"Samahan pa kita gaga! Tingin nyo ba may maniniwala sa inyong kayang-kaya ko kayong ibully back sa itsura kong ito na pinagsakluban ng langit at lupa?",nanghahamon kong banat naman dito at parang reynang humalukipkip pa sa mga ito.
"Tingin ko nga rin guys wala. Wala namang makakaisip na kaya nyang magtarget ng mga tao dito eh. 4 points for Nerdy anyways",ani Ernan na para tuloy tumatayong scorer sa loob.
"Sinong walang nagawa sa mga inassign na task sa kanila? Umamin kayo! Pag walang nagsalita tas nalaman kong wala silang nagawa uubusin ko ang mga kagamitan nyo dito at iseset-up ko kayo sa administration",mapanghamon kong banta habang inililibot ang tingin.
"Tandaan nyo, walang nagtitiwala sa inyong section kaya malabong maniwala silang hindi kayo ang gumawa ng gagawin ko!"
"ANO! TAAS NA ANG KAMAY!",sigaw ko ulit kaya ganun na lang ang pagsunod nila dahil sa tono ng boses kong ginagamit.
![](https://img.wattpad.com/cover/154229556-288-k843654.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...