YNARI'S POV
I was relieved when it's Zandy who won in the agreement.
Kinabahan kaya ako.
And thanks God, napush kahit papaano. I was just confused if why would she leave two items kung madali lang naman pala ang tanong?
Nasa cafeteria na kami ngayon at si Rhea, Donna, and Zandy ang umoorder.
"So, anong balita?",untag saken ni Steff kaya nagbalik awareness ako.
"What do you mean?",nakataas-kilay kong tanong kase iba sila makitingin ni Farah.
"Why do you look so inspired today? You're smiling and all. And wait, you call nerd, Zandy, out of a sudden",she emphasized which Farah agreed.
"Dami nyo namang napapansin",sabi ko na lang at napangiti nang makitang palapit na sina Zandy samin.
Well, automatic na kase ang ngiti ko pag nakikita ko sya. Corny ko ba? Haha. Wala tayong magagawa, inlove eh.
"Yan na naman sya, ang creepy. Crush siguro nyan si Alona. From now on, I'll call her Alona. She deserves it anyway",Farah explained when we gazed at her direction.
"Yeah. She's so intelligent and well, behind that freak-looked, she's so beautiful. I wonder tuloy kung bakit ganyan ang get-up nya",Steff agreed habang nakatanaw kami sa tatlo na nag-uusap habang palapit samen.
Di ko pinansin ang remarks nila at sinenyasan ko si Zandy na maupo sa tabi ko.
She looks hesitant sabay sulyap sa mga kasama kong nakatingin sa aming dalawa pwera kay Rhea na nakangiti lang sa amin. She knew about us kase. Tinanong ako kanina kung kamusta daw kami ni Zandy kaya umamin na ko. May pakiramdam na daw sya eh. Bakit ko pa itatanggi, di ba?
"What are you waiting for?",takang tanong ko pa nang nanatili syang nakatayo kaya napahalukipkip ako. "Okay fine, sa iba ka na lang maupo",inarte ko at kinuha ang inorder nya para saken at hindi sya pinansin.
"Patay ka Alona. Haha. Umamin pa mandin syang crush ka nya kanina",singit ni Steff sa amin pero inirapan ko lang at nagsimulang kumain.
Pansin ko namang napakamot muna sya sa kilay bago nagpasyang maupo na rin sa tabi ko pero di ko sya kinibo.
Wag kayo, nagpapabebe lang ako.
"Ynari",mahinang tawag nya sapat para ako lang ang makarinig.
"Oh?",sagot ko at tumingin sa kanya.
"Galit ka?",nakangiwing tanong nya kaya iniwasan kong matawa. Ang cute lang eh. Parang di alam ang gagawin. Haha.
"Ewan ko. Di ka ata proud na gf mo ko eh",pabalewalang sabi ko at nakarinig na lang kami ng pumatak na tinidor.
Pagtingin namin, si Donna pala ang nakalaglag nun samantalang nakanganga pa si Steff at nakahang sa ere yung isusubo sana tas si Farah malaki ang matang nakatingin sa amin. Si Rhea ayun natatawa habang patuloy sa pagkain.
"Kayo?",tanong ni Donna nang makabawi.
"Why? Is there any problem with that?",masungit kong tanong sabay crossed arms sa kanilang tatlo.
Ang girlfriend ko naman ayun at mukhang hindi mapakali. Natatakot siguro sa sasabihin ng tatlo.
"Ahh, I think lilipat na lang ako ng table",maya-maya'y sabi nya sabay tayo pero mabilis ko syang pinigilan.
"Subukan mong iwan ako, magbe-break tayo",banta ko kaya napaupo ulit sya.
"Sabi ko nga",sabi na lang nya sabay ngiwi dun sa tatlong alam na siguro ang sagot sa tanong nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/154229556-288-k843654.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Novela JuvenilSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...