Chapter 20: Swording with Nadz

23.9K 824 28
                                    



ALONA'S POV

"Hanggang dyan ka na lang ba? Tamaan mo naman ako oh!",mayabang kong panghahamon pa kay Nadz na ngayon ay nakatingin ng masama sa akin.

We are currently at my house' training room. Naglalabas ng sama ng loob sa isa't-isa. Sya ang nagyaya sakeng magsamurai daw kami at dahil naiinis ako sa ginawa nya kaninang hapon pinatulan ko.

Pero ang gaga mukhang wala naman sa sarili at hindi pa nakakatama.

Yung dalawa ayun nasa isang gilid at nakatanga lang sa amin habang nagpupustahan at kumakain ng popcorn.

"Sabi sayo Dianne eh! Wala yang si Nadz kay honeybunch. Hahaha!",nakakalokong asar naman ni Aly kay Dianne na nakasimangot na dun sa gilid. Kay Nadz ang pusta eh.

"Yabang mo Zandy! Panget ka na nga anlandi mo pa!",gigil namang sigaw ni Nadz at mabilis na sumugod saken sabay hataw ng katana na nasanggahan ko naman.

Tang-ina anong malandi? Sya kaya dyan.

"Makapagsalita ka dyan parang ako pa ang nagkasala sa ating dalawa? Ikaw ang pahawak-hawak kamay pang nalalaman kay Ynari kanina! Wag nga ako!",ganting sigaw ko at ako naman ang naghampas ng katana sa direksyon nya at napamura sya dun dahil nahagip ang damit nya.

"Gaga! Nagshakehands lang kami nun! Malisyosa ka lang! Ikaw dyan ang nangpi-flirt kay Inarah kahit panget ka! May pagtatawanan pa kayo kanina sa canteen, kala mo di ko nakita?",aniya at muling sumugod at nahagip ng konti ang balikat ko.

Dammit!

"Yikes! Go Nadz! Go Nadz!",tili ni Dianne nang makitang natamaan ako.

"Chamba yun!",kontra naman ni Aly at tumahimik na ulit sila nang maglaban ulit kami.

Swerte pa nga ako at ito lang ang tama ko. Sya nakalima na ata akong hiwa sa katawan at braso nya.

"Magkaibigan kami kaya magkasabay kami sa lunch! Saka ikaw ang topic namin tanga!",walang habas kong mura at muli na namang sumugod at iwas lang sya ng iwas.

"Anong ako?",takang tanong nya at mukha pang nag-hang kaya naitutok ko ang katana sa may bandang leeg nya.

"Secret. Tama na nga to. Wala ka namang kwentang kalaban eh. Talo ka",sabi ko at iniwan sya dung nakatangang habol ako ng tingin.

Inabutan naman ako ni Aly ng towel at tubig tas si Dianne ay binatukan si Nadz na nakatayo pa rin sa pinag-iwanan ko kaya nagising.

"Ui Zandy, what do you mean by what you said at the training room awhile ago?",Nadz asked at di na nakatiis magsalita.

Nandito kami sa guest room kung saan sila natutulog at ginagamot nung dalawa ang mga sugat namin.

"Ako pa talaga ang pinagselosan mo sa babaeng gusto mo eh gayong malaki ang gusto ko kay Ynari. Tanga mo!",seryosong sabi ko sa kanya at inirapan sya.

"Eh bakit kayo nagtatawanan",tanong pa nya at inirapan ko ulit.

"Ikaw na lang ang umalam. Tutal at magaling kang manligaw di ba? Edi gawan mo ng moves. Dadamay mo pa ko sa galit mo",sabi ko na lang at humalukipkip. Tapos na kase akong gamutin ni Aly.

"Eh bakit ikaw nagagalit ka rin saken? Nakipagkilala lang naman ako. Magseselos ka na nga lang saken pa",sabi nya at sinamaan ko naman ulit ng tingin.

"Ikaw ang alam nyang secret admirer nya",sabi ko at pumikit.

Tang-ina naaalala ko na naman kung pano sya ngumiti habang iniisip yung nagbigay ng lotus sa kanya.

"Eh? Bakit?",singit ni Aly sa usapan namin na halatang curious din.

I just shrugged my shoulders at nahiga sa kama nila.

"Dahil di natin alam kung bakit si Nadz ang akala nyang ikaw, may isang solusyon para maayos yan",suggest naman ni Dianne na katatapos lang bendahan ang mga sugat ni Nadz sa braso at bandang tyan.

"Ano?"

"Aminin ni Zandz na sya ang totoong may gusto kay Ynari. Simple di ba?",sagot nya at naggesture pa na parang walang anuman ang sinabi.

"Torpe nga sya eh. Di mo yan mapapaamin. Unless otherwise, matriggered pa",sabi naman ni Nadz at nakakalokong ngumiti pa saken.

I guess okay na kami.

"Matriggered? Bakit?",takang balik naman ni Aly.

"Pag mas nagselos pa sya, mapapaamin sya ng di oras. Hahaha",natawang sagot naman ni Nadz na inirapan ko lang naman.

Not in my wildest dreams.

Ayoko nga. Mareject pa ko.

"Ahh ganun ba. Eh paano natin gagawin yun?",sabi ulit ni Aly at mukhang napaisip pa.

"Si Nadz na lang ang gumawa. Landiin nya si Ynari para magselos si Zandz. Haha",suggest naman ni Dianne pero kinontra naman sya ni Nadz.

"No hindi na pwede. Magme-make moves na nga ako sa kapatid nya eh kaya off limits na ang kagandahan ko sa iba. Baka isipin nya playgirl ako",paliwanag nya at napasang-ayon naman ang dalawa.

"Eh sino pala?"

"Her greatest rival",Nadz answered then witch laughed after.

"Who?",asked the two.

Ako naman napapakunot-noo na lang sa naririnig.

Talagang tuwang-tuwa sila eh pag nakikita akong naiinis at di malaman ang dapat na gawin.

Tsk. I wonder if they were really my friends.

"Jez Aval"

"Wag mo ngang mabanggit ang pangalang yan! Kakalbuhin kita makikita mo!",nandidilat ang matang sabi ko at napasimangot.

Kainis, ayoko ngang makarinig ng kahit anong tungkol sa lalaking yun tas sila pa ang may lakas ng loob magbanggit ng pangalan nya.

"See? Hahaha! Pangalan pa lang yun ah. How much more kung makikita pa nyang magkasama lagi yung dalawa di ba?",proud na sabi nya at napa-Oo nga naman yung dalawa.

Ang kukulit! Argh!

"Matulog na nga kayo! Letse!",utos ko at padabog na lumabas habang naririnig ko silang tumatawa nang iwan ko sa kwarto nila.

Crazy.

The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon