ALONA'S POV
Inintay ko lang namang tanggihan ni Ynari ang pagyayaya ng tukmol nyang fiancé eh na hindi naman nangyari.
Masakit pa rin pala at mahirap.
Masakit kase kahit di nya gusto ang lalaking yun, di pa rin nya matanggihan.
Mahirap kase hindi ko maipagsigawang ako ang gusto nya at girlfriend nya, so back off.
Wala eh, hayyst.
Marahan lang akong naglalakad pabalik ng classroom nang biglang may sumabay saken.
Pagtingin ko, si Lorie pala na nakangiti saken.
"Hi, Alona. It's been a while since I last talk to you, right?",magiliw nyang sabi at tumango naman ako. "So, kamusta ka naman? Congrats nga pala sa pagkapanalo mo sa agreement",nakangiting dagdag nya kaya napangiti rin ako.
"Okay naman kahit stress. Thanks",bukal sa loob na sabi ko at nagkuwentuhan pa kami hanggang makarating ng classroom.
"Okay lang bang maupo ako sa tabi mo?",paalam nya saken sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan ko kaya tumango na lang ako dahil wala namang tumatabi saken dahil sa itsura ko.
Buti nga wala na masyadong nagpapa-big deal na panget ako eh.
Nag-uusap lang kami nang mapansin kong nagdadatingan na rin ang iba kasama ang barakadahan nina Ynari na hindi ko man lang tiningnan pero ramdam ko ang pagtitig nya maging ang pag-irap nya sa katabi kong wala namang ginagawang masama.
"Ang lalandi lang",rinig kong sabi nya na nang sulyapan ko ay pasimpleng pinagmamasdan ang mga kuko nya at nakataas ang kilay na tumingin saken. "Bakit?"
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko kay Lorie na nagtatanong kung anong balak ko sa section namin.
Di ba dapat ako ang galit kase sya ang may kasalanan saken? Psh.
"Pag-iisipan ko pa pero I hope makaya ko yung responsibility",sagot ko at napangiti naman sya dun.
"Ikaw pa ba? By just the way you made us followed you before? I know you can do that again",kumpyansang sabi nya kaya natawa naman ako.
"Lakas ng tiwala mo saken, ah. Haha",tumatawang tugon ko pero nakaramdam ako ng bagay na tumama sa likod ng ulo ko.
Pagtalikod ko, nakahalukipkip na tao ang nabungaran ko at masama ang tinging ipinupukol saken habang pinapaikot-ikot sa kamay ang ballpen nya. Yung takip ata ang ibinato sa akin.
"Ano bang problema mo?",tanong ko habang nakakunot ang noo.
Nagbago naman ang mood nito at pansin kong bigla yung lumungkot sabay iwas ng tingin saken.
Hayy. Apektado ako. Alam ko namang dahil yun sa hindi ko pagpansin sa kanya kanina pa.
Nakonsensya naman ako bigla.
Kahit pa naman naiinis ako sa pagpayag nya kay Aval ay hindi ko naman sya matitiis. Mahal ko eh.
Tatawagin ko na sana sya nang maya-maya'y may dumating na teacher.
Wala man lang tumayo para bumati kaya nagsalita na lang ito at nagsimula sa pagdiscuss.
Nagtatry namang makinig ang mga kaklase ko kahit hindi sila sanay dahil it's about time sa kanilang pagbabago.
Dahil pamula bukas, bibigyang diin ko ang dapat inuugali ng estudyante at kung anong dapat ginagawa nila sa paaralan.
Lumipas ang oras at huling subject na lang para sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Novela JuvenilSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...