YNARI'S POV
"Sabi sayo, wag kang mag-alala at sasaya ka rin sa mapapangasawa mo",untag saken ni Rhea na nakatanaw rin sa asawa kong naglalakad ngayon patungo sa stage.
At napatango ako sa sinabi nito.
Naalala ko pa nung ikakasal ako. Sobra akong umiyak kase akala ko ibang tao ang papakasalan ko. Ang totoo nga yan, napagkurot ko sya after ng kasal kase nanakit ang mata at lalamunan ko sa pag-iyak ko nung gabi pa lang.
At ngayon nga three weeks na kaming kasal. Kaya pala abay sina Nadz, akala ko pa naman dahil tanggap nilang di na babalik si Zandy para saken.
Abay din noon ang mga kaibigan ko na pinagsusungitan ko din kase pinaglihiman ako. Kaya pala ayaw akong itakas baka daw mapatay sila ni Zandy. Takot sa asawa ko pero saken hindi. Nakita tuloy nila.
"Ganda talaga ng asawa mo, Yna noh",puri naman ni Steff kaya proud ko syang nginisihan.
"Of course, maganda rin ako eh",natatawang sabi ko nang umirap sya.
Arte ha. Inggit lang kase.
"Crush ko din si Alona, Yna. Nung nakita ko kayong magkasama noon sa canteen. Shocks ang ganda nya!",para namang kinikilig na sabi ni Donna kaya ipinakita ko ang daliri kong may wedding ring.
"Sorry na lang kayo, kasal na sya saken eh. Haha",sabi ko at sumang-ayon naman sila.
"Ikaw na",singit ni Farah sabay inom ng wine.
"Walang forever",sabi naman ni Nadz at uminom din ng drinks.
Mahal pa rin siguro si Inarah. Close na ulit kami nun. Nasanay lang ako sa Inarah kaya di na ko nag-a-ate.
Sa States nga pala sya nagtapos kasama ko noon at ngayong sya na ang namamahala sa ADU saka sya bumalik kaya nagkita ulit sila ni Nadz. Naiwan kase dito si Nadine kaya naghiwalay rin sila nun. Nagfocus din sa pagpasok at trabaho.
Kung may part 2 din yung lovelife nila, then I'll be happy for my sister. Tagal na ring sawi non eh. Haha.
"Ehem",tikhim ng babaeng mahal ko sa unahan kaya nakuha nya ang atensyon naming lahat.
Napagkasunduan na naman kase na pagbigayin sya ng message lalo na at mas nakikita na ngayon ang naging bunga ng mga ginawa nya noon para sa section namin. Halos lahat kase ng aming kaklase successful na. Masaya silang nakatanaw rin sa asawa ko at pasimpleng nagchicheer sa mga upuan nila.
"Actually, I don't really know kung mahal nyo lang ba talaga ako kaya lagi nyo kong isinasalang sa gitna ng hindi handa o plano nyo talagang gawin to kase may galit kayo saken",natatawang sabi nya kaya nagtawanan rin kami lalo na ang mga lalaki na silang nagsabi sa host na papuntahin sya dun.
"Ano ba pwede kong sabihin? Hmm, dapat kase sinasabi nyo ng maaga eh. Nga po pala, kung nagtataka kayo kung sino ang dyosang nasa harapan nyo ngayon, ako lang naman po ang panget na nerd na nakaharap nyo rin noong graduation natin at nagspeech. Alona Zandra Fuentabilla",pakilala nya at natawa na naman ang section namin, yung ibang section naman medyo nagulat at humanga.
'Asawa ko yan people!',sigaw ko sa isip at ngumiti ng sobrang proud habang nakatingin sa kanya.
At least ngayon, ngumingiti na sya sa iba ng bukal sa loob. Di tulad ng dati na laging nakakunot ang noo pag kaharap ang Section 3.
"I'll just say congratulations sa ating lahat kase by God's plan, look at us now, professionals na tayo halos lahat at may magaganda nang status sa buhay. Ang sarap lang isipin na naging bahagi ako ng pagpapaunlad ng mga kaklase ko sa sarili nila noon at masaya ako na natupad na nila ngayon ang mga gusto nilang marating. I'm so proud of you my former classmates. Clap for me please. Haha",sabi nya at hindi naman sya nabigo.
![](https://img.wattpad.com/cover/154229556-288-k843654.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...