Chapter 5: Jealous

33.9K 1.1K 288
                                    



ALONA'S POV

Kinaumagahan, di aasahan ninuman na sobrang payapang silid ang aking madadatnan sa Section 3 nang dumating ako.

Maayos na mga nakalinya ang upuan at walang mga nagbabatuhan ng gamit.

Mag naghuhuntahan sila pero sapat lang para marinig ng mga kausap.

Napahinto silang lahat nang mapansin nila akong pumasok at parang mga tangang di makatingin sa akin.

Yung disguise ko balik pa rin sa dati kahit alam kong kalahati sa kanila ang nakakaalam ng totoo kong itsura.

"Ano? Kamusta ang ipinapagawa ko kahapon? Natapos nyo bang gawin MARTINEZ?",madiin kong tanong kay Rolando na di ngayon makatingin ng diretso saken na tumango lang.

Wag kase nila akong ginagalit eh.

Nakita ko naman sa backpart ng room na nakaarrange dun ng maayos ang mga finished nang kagamitan at pangset-up sa booth kaya nagood mood na ko.

Dahil okay naman nang lahat ang pangdecorate, inutusan ko ang buong Section 3 na simulan na naming ilagay ang mga ito sa magiging pwesto ng aming booth sa may left side ng grounds.

Sisimulan na rin naming magtayo ng booth bago ang pag-organize sa mga yun, kaya gaya ng naiisip ko, naisakatuparan namin ang pinlano ko kahapon sa bahay.

Walang isa man ang nakikita kong petiks lang kaya natutuwa ang aking mga mata.

Yan marunong naman pala kayong gumawa, gusto nyo pang masaktan muna eh.

Kasalukuyan akong nagkakabit ng borloloy sa loob ng horror booth nang may kumapit sa braso ko.

"Ui nerdy, bakit sayo ako kasama?"

Si Lorie, ang isa sa maganda pero maarte ko ring kaklase.

"Kase hindi sa kanila, bakit san mo ba gusto tumulong?",seryoso kong tanong na nilingon pa sya.

"H-Hmm wala! Okay naman a-ako dito",anito tas nag-iwas ng tingin.

"Wala naman pala, alis na dyan, wala tayong matatapos",masungit kong balik kase wala namang kwenta yung sinasabi nya.

Sa totoo lang, wala naman akong problema na sa mga kaklase ko, sadya lang di ko napipigilang magsungit.

"U-Ui nerdy"

"Bakit na naman?"

Nang hinarap ko ito para syang di mapakali na ewan.

Kinakagat pa nga yung labi nya na parang nakuha pa ng lakas ng loob para sa sasabihin.

"Ano k-kase, ah, eh, g-gu----"

"Speak properly Lorie. Marami pa tayong gagawin",naiinip kong tugon kase parang kinakabahan talaga sya.

"A-ano kase"

"Ano nga?"

"GUSTO K-KITA!",sigaw na nito na ikinagulat ko pa.

What the f?

Itsura kong ito may nagkakagusto pa din?

Hutaena, iba ka talaga Alona Zandra.

"Seryoso ka?",natatawa kong sabi dito pagkatapos na halata kong naiilang kase di makatingin saken.

"O-Oo. Ano kase ang c-cool mo, tas ang galing mong maglead. Yung una talaga nakakairita yung l-lakas mo ng loob pero simula nung mapaamo mo silang lahat nagbago na y-yung pananaw ko sayo",dire-diretsong pag-amin nito habang nakayuko.

The Ugly Nerd of Section 3  (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon