ALONA'S POV
Pagkalabas ng classroom I just walk and walk without nowhere to go to. Well, I don't have any place in mind.
After minutes of just walking and calming myself I saw a familiar figure like she's searching for something or someone?
I was just observing her and even the moment she bumped into Nadz was seen by my own two eyes.
At di pa ko nasiyahang iwasan sila ng tingin bagkus ay pinanood ko pa silang magngitian at maghawak kamay sa gitna ng hallway.
Psh, as if they're just the people here.
At dahil mainit na sa mata lalo at I remembered how Ynari smiles whenever she thinks of her secret admirer who happened to be my friend daw, I walked on the other way and saw Inarah with a big smile on her face.
"Alona!",she greeted joyfully and walked with me.
"Inarah",I said back with a smile also. Ang bright kase ng itsura nya kaya nakakahawa yung kanyang ngiti.
"May itatanong sana ko sayo. Ah-uhmm kase",she said hesitantly kaya napatingin ako sa kanya at napatawa nang makita syang namumula.
"Inarah? May problema ba?",I asked trying to suppress my chuckle kase ang pula talaga ng pisngi nya.
Nga pala, naging civil na rin kami sa isa't-isa na ewan rin kung kailan ba nagstart. Basta ang alam ko okay na naman kami. Saka di sya laitera. Wala nga syang pakialam sa itsura ko eh. See? Kinakausap at sinasabayan nya ko.
"Ano kase, kilala mo si Nadine Montello?",she asked finally at nafigure out ko na kung bakit sya nagbablush.
It's about Nadz again. Ganda pala ng kaibigan kong yun. Tsk.
"Oo. Actually she's my friend. Bakit mo naitanong?",sabi ko at muli syang tiningnan na napansin ko pang parang nagliwanag yung mukha nya.
"Really? Haha. Wala naman naitanong ko lang. Okay lang bang sabay tayo maglunch? Kaso may dadaanan muna ko sa Student Council's office, okay lang ba?",she asked at nginitian ko sya matapos kong tumango at tinahak na namin ang office nila.
Iba na kapag president. May office.
And I am thankful that nawala kahit saglit ang isip ko sa idea na may nagpapasayang iba sa babaeng gusto ko.
Kung sasabihin kong mahal ko na ata parang ang bilis. Pero iba kase. She opens many emotions within me that I never imagined that I will feel.
And it's the first time because of her.
Makagaling namin sa office nagtungo na kami sa cafeteria habang nagkukwentuhan habang yung mga nadadaanan namin ayun at pinagbubulungan kami dahil saken.
Bakit daw ang panget ng kasama ni Ms. Inarah nila.
Ano daw bang itsurang meron ako at kinakausap ako ng isa sa famous students nila.
At marami pang iba pero sabi ni Inarah wag ko na lang daw pansinin.
"What do you want, Alona?",she asked nang makarating kami sa counter pero nag-insist akong ako na lang ang mag-oorder after kong malaman ang order nya.
Nagpaalam syang maghahanap ng table para samin na tinanguan ko na lang at nagtuloy sa counter.
Nakaorder na ko at naglalakad na papunta sa pwesto ni Inarah nang malayo pa lang ay matanawan ko kung sino ang mga kausap nya sa isang table.
Ang barkada nina Ynari na ang pinakanapansin ko ay ang babaeng nakahalukipkip at mukhang wala sa mood habang nakatingin sa harapan nya. Ynari.
Napansin ko naman ang pagbabago ng reakayon ni Inarah sa sinabi ata ni Steff bago ako nakalapit pero hindi ko na ulit tiningnan si Ynari at baka mas mawala sa mood.
"Here's our food. San tayo uupo?",bungad ko kay Inarah nang tuluyang makalapit at nginitian sya kahit halatang malungkot yung itsura nya.
Naupo kami malapit sa table nila pero kahit gustung-gusto kong lumingon ay hindi ko ginawa dahil masakit pa rin yung puso ko.
Kung dahil ba sa eksena sa classroom o dahil sa eksena sa hallway. Or both.
"Okay ka lang ba?",tanong ko sa natahimik na si Inarah na tiningnan ako ng nakapout.
Oh, I never see it coming. Unang kita ko kase sa kanya sobrang seryoso nya tas nakikita ko yung ganitong side nya ngayon.
Well, she's kinda beautiful din naman. Kaso I am more captivated by Ynari.
Nga pala di ko naitatanong kung related ba sila. Kase may pagkakahawig sila ng konti.
"Si baby sis pala ang type nung friend mong si Nadine?",malungkot nyang sabi saken na parang nanghihingi ng confirmation.
Pero nagtaka ako.
"Baby sis?",I asked kase di ko alam ang tinutukoy nya.
"Ynari. She's my little sister",she explained at napa-Ahh na lang ako. Related nga pala sila. Pero mali ang iniisip nya.
Mukhang may pag-asa si Nadz dito kay Inarah ah. Haha.
"Believe me iba ang kinuwento nya sakeng gusto nya",I just said at kita kong parang nabuhayan sya sa narinig kaya natawa ako. Ang bilis magchange of mood eh.
"Really? Are you sure it's not my little sister? Yun kase ang sabi nina Steff",paninigurado pa nya at umaasang nakatingin saken.
"Oo. Like I said, she's my friend kaya alam ko. Kaya kumain ka na at wag ka ng malungkot. Para kang sira nyan eh",natatawang sabi ko kase mukhang sumaya na ulit sya. Ewan komportable kase ako sa kanya.
"Talaga lang ha. Pero sino kaya? Bahala na nga. Sige kain na nga tayo. Pero Alona, gusto mo nitong dessert?",she offered while pointing at her salad pero umiling lang ako. "Masarap ang salad dito, try mo lang",she insisted kaya napa-oo na lang ako.
Kasunod naman nun ang paglagay nya sa plato ko at naaamuse na lang akong pinapanood sya. Mukhang nagood vibes kase bigla.
Iba rin pala ang kapit ng charms ni Nadz. Tsk.
Pero husay pa rin sya saken mamaya pag-uwi. Anlandi nya kanina eh. May pangiti-ngiti pa syang nalalaman kay Ynari. Humanda sya.
Nasa ganung state kami nang may marinig kaming boses ng lalaki sa kabilang table at nakita kong nakikipag-usap na yung Jez Aval ata kay Ynari at sa barkada nya.
Buhay pa pala ang mokong?
Nakakunot ang noong nag-iwas ako ng tingin kase masakit sa matang makitang ang sweet nilang dalawa.
Naging mapait tuloy ang panlasa ko dito sa salad. Ayoko na ng salad dito. Hindi totoong matamis.
Narinig ko na lang na ipinagpapaalam ni Aval si Ynari kina Steff kaya naisipan kong tumingin dahil parang aalis na sila.
Saktong nakatingin naman ako nang sumulyap si Ynari sa pwesto ko. At hindi ko napigilang magkukot ang loob sa nakitang kamay ni Aval na nakahawak sa bewang ng babaeng mahal ko.
Tang-ina lang eh. Another pasakit.
Strike 3 na ata to. Bakit ba ang daming tao sa buhay nya?
Ayun at naglakad na sila palayo.
It hurts here inside. You know.
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...