ALONA'S POV
Napapamura pa rin ako sa isip dahil sa sakit ng ulo. Kase yung pesteng mga alak na yun, tinablan ako.
Naglalakad na ko ngayon papunta sa room namin nang may humarang sa daanan ko kaya nabunggo yung ulo ko sa baba ng taong yun. Nakayuko kase akong naglalakad habang hawak ang ulo ko.
Yung tatlo, matibay, hindi nagsipasok. No choice ako dahil may kailangan akong gawin.
"Tsk. What happened to you?",tanong ng nasa harapan ko kaya napatuwid tuloy ako ng tayo kahit may dinaramdam. Pagtingin ko, parang kakainin nya ko ng buhay.
"Ynari",nakangiwing banggit ko kase pinanlakihan nya ko ng mata.
"Pinag-alala mo kaya ako kagabi! Ilang beses akong tumawag at nagtext kase baka galit ka pa rin sa pagsama ko kay Jez, pero wala man lang response? Yung totoo, anong ginawa mo?",sunud-sunod na sabi nito kaya napakamot ako sa kilay ko.
"Ano kase--uh nag-ano--"
"Nag-ano?",putol nya at humalukipkip sa harapan ko na tila nagsasabing, 'Itutuloy mo o ikaw ang tutuluyan ko?'
"Nag-celebrate lang kami kase may girlfriend na daw ako. Di ko na namalayang gabi na pala. Sorry",pikit-matang paliwanag ko at nang wala akong narinig na comment nagmulat ako ng mata.
"Tsk. Tas ngayon masakit ang ulo mo? Iinom-inom tas ngayon, yan hang-over",sabi nya ulit na hindi na galit pero magpo-protesta pa sana ko nang dinugtungan nya, "sobrang sakit ba? Halika nga. I missed you",sabi nya sabay hila saken payakap.
Ako naman speechless pero yung puso ko active na active katitibok.
"Akala ko galit ka na sa akin at sawa ka na eh kaya di mo ko nirereplyan. Wag mo na kong tatakutin sa susunod ah",malambing nyang bulong kaya napangiti naman ako at mas hinigpitan ang yakap.
"I missed you too",sabi ko kahit kahapon lang kami nagkita. Ganun ata talaga pag inlove. Haha.
"Halika na sa room at imamassage ko mamaya yang ulo mo sa breaktime. May klase na kase eh",sabi nya afterwards nang humiwalay sya sa yakap at hinila ako papunta sa room namin without minding those students na nagtataka kung bakit kami magkasama.
Pinauna ko na syang paupuin dahil pumunta ako sa harapan. Ang galing, nabawasan ang sakit ng ulo ko dahil sa kanya.
Effective pain reliever, eh?
"Section 3",mahinang sabi ko pero may diin kaya nakuha ko agad ang attention nilang lahat. Muntik na tuloy tumaas yung kilay ko kase natahimik agad sila. Buti naman.
"Gaya ng sabi ko, kapag ako ang nanalo sa agreement, whether you like it or not, susunod kayo sa patakaran ko, right?",tanong ko pero walang nagrereact. "RIGHT?",mas malakas na sabi ko kaya sa gulat siguro ay nagsitango sila. "Okay then, from this moment, I now declared that you will be a well-disciplined student, like you will study hard, you will cooperate in different curricular activities in the school, you will respect our instructors, you will limit your stupidity, and in short, magiging normal students na kayo",litanya ko at may napansin pa kong magrereact sana pero nagsalita ulit ako. "Magrereklamo kayo kase parang sinabi ko na ring hindi kayo normal students? Oh please, wag na tayong magplastikan dahil we all know that hindi talaga gawain ng isang matinong estudyante ang gaya ng ginagawa ninyo. So magmula ngayon, yan ang rules na susundin nyo",sabi ko pa at maglalakad na sana papunta sa upuan ko nang may magtanong.
"How can you be so sure that all of us will follow your rules?"
"I believe so. Cause if not? My right and left arm will take action",I said smirking sabay point kay Rolando. "Right arm",I said at nagulat naman ito pero sumaludo naman pagkatapos, tas pinoint ko si Joven, "Left arm", at ganun na lang ang iling nito.
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Teen FictionSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...