ALONA'S POV
Mabilis na lumipas ang 1st semester. At ang Section 3? They've changed a lot.
Yung dating dinidiscriminate nila, ngayon nakikipagsabayan na sa kanila. Nag-excel ang mga ito sa academics at maging ang intramurals ay di nila pinalampas. Marami ring inuwing panalo ang section namin.
The institution acknowledge my efforts in making them do something beneficial and change for the better but I just told them that it's them who made themselves up.
Pinukpok ko lang sila at pinaghigpitan but the rest? Paghihirap na nila.
Naging kasangkapan lang ako para magkaroon sila ng kamalayan na walang mangyayari sa kanilang buhay kung mananatili silang ganoon na lang gayong nasa Senior High School na kami.
I know that in every life of my classmates was a story which make them become what they used to before, pero look at them now. Matitino na sila.
At kamusta naman ang mga kaibigan ko? Ayun nakaraos din naman ng first sem at nasa school ko pa din.
Sina Steff, well, ganundin. Kasali sa mga nabago ang lifestyle. Mas naging dedicated sa pagpasok at desididong makatuntong ng college.
Kamusta ako?
Ayun panget pa din. Ako pa rin ang ugly nerd ng Section 3 at may mangilan-ngilan pa ring nanglalait sa akin lalo na sa ibang section at year, pero care ko ba?
Basta pumapasok ako para makagraduate.
At going strong kami ni Ynari, na girlfriend ko pa rin. Kala nyo break na kami? Nope.
At hindi ko hahayaan.
Nung minsang umuwi ang mama nya nang wala syang idea, weeks after that madalang na kaming magkita. Halos sila ni Aval ang magkasama sa school na sya kong labis na ipinagdamdam pero naroon ang mga kaibigan namin para ipaalalang malalampasan namin to. At dadating ang time na papayag na ang mama ni Ynari na itigil ang marriage thingy na nakaabang kay Ynari at sa lalaking ipinagkasundo nito sa anak.
At nang muling umalis ang mama nya, saka pa lang ulit nagkaroon ng chance na magkaayos kami.
I know it's kinda silly knowing that I should have let her go lalo at alam ko namang may fiancé na sya pero hindi ko kaya. I so love her na nakaya kong maghintay kung kailan ulit kami pwedeng magkasama at magkita nang hindi iniisip na baka makita ng mama nya.
At ngayon, internship na naming Grade 12 for two weeks. Nasa kalagitnaan na kami ng second sem at March na ngayon. Namove ang examination for school ratings on April kaya yung mga subjects muna namin ang aming iisipin at ang internship naming magbabarkada na ABM ang strand, na sa Boracay Hotel and Resorts namin gagawin.
Dahil hindi naman kami pare-pareho ng strand na pinili magkakahiwalay ng pagte-trainingan ang Section 3. May STEM, TBLE, at HUMSS rin sa aming section kaya hiwa-hiwalay muna kami.
Dahil iisa naman ang target ng barkada ko at barkada ni Ynari, ang matuto pa ng ways and strategies sa pamamahala ng negosyo tulad ng hotel and resorts, naisipan naming dun na lang magsama-sama. At yun ay sa business na pagmamay-ari ng family ni Nadine.
But for you may know, kahit lalabas kami ng two weeks ng medyo malayo, yung get up ko, yun pa ring the usual.
Nasanay na siguro ako.
Pero less na yung kulubot balat, makakapal na kilay, bulutong at nunal paechos ko.
Nakanerd outfit na lang ako at eyeglass na malaki. Oh di ba, naubusan lang sa fashion sense kaya pang-manang ang suot ko.
BINABASA MO ANG
The Ugly Nerd of Section 3 (COMPLETED) gxg
Genç KurguSTORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wala pa ba? Panget sya pero mambabara. Panget sya pero mapanlait din. Panget sya pero malakas ang loob. At higit sa lahat, panget sya pero pal...