Chapter 3

588 11 0
                                    

CHAPTER 3

"WHERE to, sir?" tanong ni Abram kay Hendru Deveza habang nasa driver's seat siya.

Nasa backseat naman ito at silang dalawa lang ang nasa loob ng kotse.

"I'm really tired secret investigator... kaya sa mansion na tayo," tugon nito.

Tumango siya at pinaandar na ang kotse. This is Abram's last day as a driver bodygurad of Hendru. Pagkatapos ng engkwentro niya sa lalaki at sa mga bodyguard nito, at gaya ng ginawang pag-compel ni Xed sa mga ito ay walang naalala ang lahat.

He acted like he saw them in that situation. Sinabi niyang naabutan niya ang lahat na bagsak at walang malay nang magtanong ang mga ito. When he told Hendru that he called him to hire his service ay hilong-hilo pa ito. Naalala nito ang pagtawag sa kanya at nasabi na lang sa kanya ay gusto siyang kuning bodyguard.

He accepted the offer but only for five days. Mataas ang offer sa kanya ni Hendru kaya hindi na siya tumanggi pa. Isa pa, para ma-experience na rin niya kung paano ang maging isang bodyguard.

And it's an awful experience being a presidential candidate's bodyguard. Sa limang araw ay napakarami niyang natuklasan sa uri ng pamumuhay ni Hendru. It was dirty and playful. A dirty businessman who wants to own the people of this country by being a president. Gagawin nito ang lahat ng paraan para manalo sa eleksyon. Sana ay hindi ito ang manalong presidente dahil kawawa ang mga tao.

Napakasimple lang naman ng buhay. Pero kagaya ng mga ibang bampira ay mayroon ding mga tao na ganid sa pera at kapangyarihan.

"Last day mo na ngayon hindi ba?"

"Yes, sir," tugon ni Abram.

"Baka gusto mong mag-extend sa'ken?" nakangiting tanong pa nito. "Alam mo secret investigator mas gaganda ang buhay mo kung ako ang magiging boss mo. Ako ang susunod na presidente ng Pilipinas." Kampanteng-kapante ito nang sabihin iyon. "Napakswerte mo kung magtatrabaho ka sa'ken. Alam mo ba na maraming nag-aasam na maging boss ako." Tumawa pa ito ng malakas.

Hindi niya kayang manilbihan sa isang tao. No way! Hindi siya papayag na maging pag-aari ng kahit sino.

Pilit siyang ngumiti. Napakayabang talaga nito.

"It's really my pleasure that a soon to be president of this country has offered me too much," nakangiting saad niya. "But I'm sorry sir... marami pa kasi akong kailangang gawin."

Tumango-tango ito. "Okay, hindi na kita pipilitin. Pero kung sakaling magbago ang isip mo ay alam mo kung saan ako pupuntahan."

Tumango siya. Pero iyon na ang huling pagkikita nila ni Hendru.

Inabala niya ang sarili sa pagmamaneho nang matigilan si Abram. He saw two men riding in a motorcycle and the one is armed with a gun.

"Damn it!" bulalas niya.

"What is it secret investigator?"

"May sumusunod sa atin, sir. Riding in tandem. May baril ang isa."

Tumawa ito. "Hindi pa nga ako nagiging presidente ay gusto na nila akong mamatay?"

Marami ring mga kaaway si Hendru kaya sigurado siyang gusto itong itumba. Pero kailangan niya itong iligtas sa sandaling iyon. Hindi sila maaaring maabutan at ayaw na niyang magkaproblema pa kapag nagpaputok ng baril ang kalaban. Isa pa, siguradong sisisihin siya kapag nabaril at namatay si Hendru dahil siya ang kasama nito. Public figure ito at posibleng madamay siya sakaling mangyari iyon. Hindi siya papayag na mabunyag ang pagkatao niya ng media.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now