Chapter 6

459 16 0
                                    

CHAPTER 6

"HI! I'm glad you're awake. How are you feeling?"

Ang boses na iyon ang narinig ni Dreanne pagdilat niya ng mga mata. Sinalubong siya ng nakangiting mukha ng isang lalaki. Nakasuot ito ng puting doctor's gown. Nakapamulsa ito. Itim ang mga mata nito. Mukhang napakabata pa ng doctor na nasa harap niya. Gwapo din ito.

"I'm Doctor Xedery St Clair," pagpapakilala nito. "And you are Dreanne Carbonell, the news reporter, right?"

Bumangon si Dreanne at umupo. Sinapo niya ang ulo. Naramdaman niya ang bandage sa kaliwang bahagi ng ulo niya. Sinuri niya ang mga kamay pababa sa katawan niya. Bakit wala siyang maramdamang kahit anong sakit sa buong katawan niya?

But she felt blood running from her head and her body threw from somewhere before she collapsed. Natatandaan niya at narinig ang malakas na pagsabog na iyon bago naging blangko sa kanya ang lahat.

"Excuse me?"

Ang tinig ng doctor ang pumukaw sa kanya. Tiningnan niya ito. "Yes, I'm Dreanne Carbonell, doc," tugon niya. "Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sa'ken?"

"You are one of the victims of a terrorism attack in central park in Valenzuela City. There are many casualties and some... died in that bombing." Napalunok siya ng mariin. Nasa kaguluhan na pala ang bansa at isa siya sa mga biktima. Nanginig ang mga kamay niya sa kaalamang iyon. Nag-init din ang mga mata niya sa naramdamang takot. Pero mas nangibabaw ang pagpapasalamat niya dahil buhay siya. "Sino ba ang pwede nating kontakin para ipaalam ang nangyari sa'yo?"

Ang daddy niya. Sigurado siyang mag-aalala ito kapag nalaman ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya.

Sa isipin iyon ay napaiyak siya.

"Dreanne, why are you crying? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ng doctor.

Umiiyak na umiling-iling siya. "W-Wala, doc. N-Naisip ko lang na napakaswerte ko pala dahil b-buhay pa ako," nangininig ang tinig na sambit niya.

"Magpasalamat ka sa nagdala sa'yo dito sa ospital. Siya ang nagligtas sa buhay mo."

Natigilan siya sa sinabi ng doctor. "Sino ang nagdala sa'ken dito? Buong-puso akong magpapasalamat sa kanya. Utang na loob ko sa kanya ang pangalawang buhay ko. No..." umiling-iling siya. "I think this is my supposed to be third life."

Dahil si Abram ang nagligtas sa kanya sa pagsunod niya noon kay Hendru.

Ngumiti ito. "May isang civilian na nagmagandang loob na dalhin ka dito. Pasensya ka na pero umalis na siya at hindi ko siya kilala."

Nalaglag ang mga balikat niya. May ibang pagkakataon pa siguro para makapagpasalamat siya rito.

Huminga siya ng malalim. "Doc, salamat din sa paggamot sa'ken. Pero..." natigilan siya. "Wala akong maramdaman na kahit anong sakit sa buong katawan ko. And my head..." sinapo niya ang ulo. "Naramdaman ko ang dugo bago ako bumagsak. Akala ko nga... p-patay na ako." Lumunok siya ng mariin sa isiping iyon.

"Huwag ka nang mag-isip ng kahit ano, Dreanne. Nagkaroon ng sugat ang ulo mo kaya kinailangang tahiin. Pero 'wag kang mag-alala maayos na ang kalagayan mo. Ligtas ka na."

Ngumiti siya sa doctor. Pero nagtataka pa rin si Dreanne dahil natatandaan pa niya kung paano maramdaman ang dugo sa ulo niya at sakit sa katawan dahil humagis siya sa pagsabog. Ipinilig niya ang ulo. Hindi na mahalaga pa ang ang mga iyon. Ang importante ay ligtas siya. Buhay siya.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now