Chapter 8

395 15 0
                                    

CHAPTER 8

PRENTENG nakahiga si Abram sa isang malaking sanga ng puno. Ang paboritong lugar niya sa grassland na iyon. Na-miss niya ang magpunta roon para mag-relax.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng pantaloon.

"Hay... hapon na pero hindi pa rin siya tumatawag," nakasimangot na reklamo niya.

He was talking about Dreanne. The only mortal who conquered his heart. Si Dreanne lang ang nagmamay-ari ng puso niya. Aalagaan niya ito, poprotektahan... gagawin ang lahat para rito.

Hindi na siya nakatiis at siya na ang unang tumawag rito. Ganoon naman palagi ang nangyayari. Siya ang unang tatawag rito. Kahit na alam niya kung nasaan ito nang sandaling iyon.

Hindi niya ginagamit ang kakayahan para alamin kung nasaan si Dreanne at kung ano ang ginagawa nito. He respects her privacy so much. Pero nang sandaling iyon ay inalam niya kung nasaan ito.

"Bakit hindi ka tumawag buong araw? Nasaan ka ba?" kunwari ay nagtatampong sabi niya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Hmm... you're too clingy alam mo ba iyon Abram?" nanunudyo ang boses nito.

Napalunok siya ng mariin sa sinabi nito. "Oo na clingy na kung clingy. Pero bakit ba? Gusto ko lang namang marinig ang boses mo."

Ngayon lang siya naging ganoon sa buong buhay niya. Kay Dreanne lang... at gustung-gusto naman niya.

Tumawa ito. Ang pinakamasarap na tawang narinig niya.

"Nandito pa ako sa opisina... nagsusulat ng mga notes."

"Oo, alam ko."

"Ano?" bulalas nito.

Kaagad na natutup niya ang bibig at pinagalitan ang sarili. "Ahm... ang sabi ko abala ka pala sa trabaho kaya hindi mo man lang nagawang tawagan ako," kunwari ay nagtatampong sabi niya.

"Ito naman nagtampo na agad..." malambing ang boses nito. "Tatawagan naman talaga kita ngayon eh kaso naunahan mo lang ako."

Napangiti siya. "Talaga ba?"

"Oo naman. Kahit naman hindi kita kasama o kausap ay iniiisip pa rin kita. Palagi kitang iniisip Abram," masuyong sambit nito.

Nasapo ni Abram ang dibdib nang maramdaman ang paghaplos ng kung anong mainit na bagay roon. Napakasarap sa pakiramdam.

"Gusto tuloy kitang yakapin sa mga oras na ito," masuyong tugon niya.

Sa tuwing niyayakap niya si Dreanne ay ayaw na niyang pakawalan pa ito. At ang labi nito... ang pinakauna at pinakamatamis na labing nahalikan niya sa buong-buhay niya.

Narinig niya ang paghagikgik nito. Nakita niya kung paano ito kiligin habang nakaupo at namumula ang pisngi. Ang cute-cute ni Dreanne.

Narinig niya ang pagtikhim nito. "Nasaan ka ba ngayon?"

"I'm in a fine... ahm... lying on a soft bed," nakangiwing tugon niya.

"Wow... parang gusto kong makapunta minsan sa bahay mo."

Natigilan siya sa sinabi nito. Napabalikwas siya ng bangon at bumaba sa puno. Sumandal siya roon.

"You mean... gusto mong makita kung saan ako nakatira?"

"Oo!" masiglang tugon nito. "Tapos dadalhin din kita sa bahay namin. Ipapakilala kita kay daddy."

Muling natigilan si Abram. Paano nga ba niya sasabihin kay Dreanne ang totoong pagkatao niya? Napuno ng takot ang puso niya.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now