Chapter 9

444 12 0
                                    

CHAPTER 9

MAGKAHAWAK-KAMAY na naglalakad si Abram at Dreanne habang papasok sila sa loob ng kanilang mansion.

Excited siya ngayong gabi na ipapakilala na niya sa daddy niya ang lakaking nagpapasaya sa buhay niya. Alam niyang naghihintay na rin ang daddy niya.

Natigil siya sa paglalakad nang huminto si Abram. Tumingin siya rito. She saw the glint of nervousness in his eyes.

Tuluyan siyang humarap rito at hinawakan ang mga kamay nito.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

Huminga ito ng malalim. Bakas ang kaba sa mukha nito. Naramdaman niya ang pagpisil sa mga kamay niya.

"Kinakabahan talaga ako Dreanne. Pero sa kabila n'on ay masaya din ako kasi ipapakilala mo ako sa daddy mo... pakiramdam ko ay mahalaga ako sa'yo kaya mo ginagawa ito." Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na ito.

Gumanti siya ng matamis na ngiti. "Tama ka... mahalaga ka sa'ken at dapat lang na makilala mo rin ang kaisa-isang taong mahalaga sa buhay ko, at iyon ay si daddy."

"Napakaswerte ko talaga sa'yo Dreanne..." nangingislap ang mga matang sambit nito.

Napakasarap sa pandinig. "Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob."

Tumango ito at magkahawak-kamay na naglakad silang muli papasok sa mansion.

Pagdating sa loob ng sala ay hindi nila nadatnan ang daddy niya. Sinabihan niya ang isa sa kasambahay nila na ipaalam sa daddy niya na nandoon na sila.

Iginaya niyang umupo si Abram habang magkahawak-kamay pa rin sila. Ramdam niya ang tensyon sa mga kamay nito.

Ngumiti siya ng matamis para kahit papaano ay mabawasan ang kaba nito. Gumanti naman ito ng pisil sa pisngi niya.

"Nandito na pala kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay."

Ang tinig ng daddy niya ang pumukaw sa kanila. Kaagad na tumayo sila ni Abram. Saglit siyang humiwalay rito at sinalubong ang daddy niya.

"Dad!" yumakap siya rito at humalik sa pisngi. "Dad... he's here, meet Abram."

Masayang tinuro niya ang direksyon ni Abram at tumingin naman roon ang daddy niya. Nawala ang ngiti ni Dreanne nang makita ang reaksyon ni Abram habang nakatingin sa daddy niya. Gulat ang nabasa niya sa mga mata nito. Parang hindi ito makapaniwala habang nasa daddy niya ang tingin nito. Nakita rin niya ang pagkuyom ng mga kamay ni Abram. Tama ba ang nakita niyang galit na rumehistro sa mga mata nito?

Biglang naguluhan si Dreanne. Hindi niya maintindihan kasabay ng biglang pagkabog ng dibdib niya. Ngayon lang niya nakita ang ganoong klase ng galit sa mga mata ni Abram. Bakit parang nag-init sa buong paligid? At hindi iyon kakaibang init.

Lumipat ang tingin niya sa daddy niya. Gulat din ang nabasa niya sa mukha nito. Pero bakit? Hindi niya naiintindihan.

Siguro ay nagkakamali lang siya sa mga naiisip. Kinalma niya ang sarili. Tumikhim siya para alisin ang tensyon.

"Abram!" pinasigla niya ang tinig. "Meet my daddy Vercel."

Ngumiti na ng matamis ang daddy niya. "I'm so glad that I finally meet you, Abram." Bakas ang saya sa mukha ng daddy niya. Napalitan naman ng saya ang puso ni Dreanne sa reaksyon ng daddy niya. "Ang lalaking palaging bukambibig ng anak ko." Tumawa pa ito at hinaplos ang buhok niya.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now