Chapter 12

441 11 6
                                    

CHAPTER 12

"HOW LONG will I suffer from this relentless pain? Deities up above..." puno ng luhang tumingala si Abram. Sa pagitan ng mga nagtataasang puno sa kagubatan na iyon ay nasilip niya ang maaliwalas na kalangitan. "Are you real? No..." mapait na umiling siya. "Because you never listen to me and you just let me in this miserable state."

There's no gods who'll listen to him. Hindi nga niya alam kung saan siya mapupunta kapag nawala na siya sa mundong ito. Mapait siyang ngumiti.

Nanghihinang napaluhod si Abram sa damuhan. Niyakap niya ang sarili at isinubsob sa mga tuhod ang mukha at doon humagulgol.

Hirap na hirap na siya. Pagod na pagod nang mag-isa. Kung sana ay may pamilya siya... pero wala na. Tinalikuran na siya ng lahat ng mga mahal niya. At iyong kaisa-isang babaeng pinakamamahal niya ay ipinagtabuhayan na siya palayo.

"S-Sino ba talaga ako?" nahihirapang tanong niya sa pagitan ng pagluha habang nag-angat ng tingin. "What clan do I belong? Where are my family? Why did you abandoned me? Bakit gusto akong bihagin ni Vercel? Ano'ng kailangan niya sa'ken?" malakas na hiyaw niya. Tumingal siya sa langit. "Bakit? Bakit kailangan kong maramdaman ang paulit-ulit na sakit dito?" malakas na sigaw niya at sinuntok ang dibdib sa sobra-sobrang sakit na nararamdaman niya.

Pero kahit ano'ng gawin niya ay wala naman siyang makukuhang sagot sa mga tanong niya. Muling niyakap niya ang sarili at isinubsob ang mukha sa mga tuhod. Doon niya ibinuhos lahat ng sakit at paghihirap na nararamdaman.

Then he felt that familiar calm wind in his skin. Malakas ang hangin na parang tinatangay lahat ng paghihirap na nararamdaman niya. Mabining hangin na parang mainit na yakap... niyakap siya ng mahigpit ng hangin.

Napaiyak siyang lalo. "S-Sana totoong mga kamay ka na lang na yayakapin ako sa tuwing nasasaktan at nalulungkot ako."

"Abram..."

Natigilan si Abram nang marinig niya ang masuyong pagtawag sa pangalan niya.

Did the wind call his name?

"I'm always here... you never saw and touch me but I'm always the calm wind... the calm wind you always felt everytime you're lonely and hurting."

Lalong lumakas ang hanging naramdaman ni Abram sa mga salitang narinig. Hindi siya maaaring magkamali. Totoong nagsasalita sa kanya ang hangin.

"It was a shaman's gift for me when I was in my mother's womb. To calm the wind... to control anyone's sorrow and turn it into gentleness."

Kumabog ang dibdib niya at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Natigilan siya nang makita ang isang lalaki sa harapan niya. Nakasuot ito ng puting damit na tinatangay ng hangin. Alon-alon ang itim nitong buhok. Nakapaskil ang magandang ngiti sa labi nito. At ang mga mata ay nangingislap habang nakatingin sa kanya. Pinagaan ng ngiting iyon ang nararamdaman niyang bigat sa dibdib.

Tumayo siya habang 'di inaalis ang tingin rito. "Did a god finally heard me?" nakangiting tanong niya.

Ngumiti ito at nakita niya ang kislap ng luha sa mga mata nito. May kung ano rito na hindi niya matukoy na nagpapagaan sa kalooban niya. Ibinuka nito ang mga bisig sa kanya.

Sinapo niya ang dibdib. Naramdaman niyon ang matinding pangungulila... ng isang pamilya. Udyok ng damdamin ay lumapit siya rito at yumakap. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya nang mahigpit. Nangunyapit siya sa mga bisig nito. Nagsumbong sa lahat ng sakit at paghihirap na naranasan niya. At ang lahat ng iyon ay sinuklian nito ng pagmamahal.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now