Chapter 2

698 17 3
                                    

CHAPTER 2

PABAGSAK na umupo si Abram sa couch at uminom mula sa blood bag na hawak niya. Human blood is his diet. Iyon lang ang kailangan niya para mabuhay ang isang bampirang kagaya niya.

Nandoon siya sa kwarto ng isang mamahaling hotel. Malaki ang kinita niya sa mga nakalipas na trabaho kaya afford niyang mag-stay roon ng kahit dalawang araw. Minsan din ay nagpupunta siya sa iba't-ibang bansa. Isang teleport lang ay makakarating na siya sa kahit anong bansang gusto niya.

Kung minsan naman ay sa isang maliit na apartment lang siya tumutuloy lalo na kapag kapos sa budget. O mas tamang sabihing kapag inatake siya ng kakuriputan. Ayaw kasi niyang magsayang ng pera. Pwede naman siyang tumira sa paborito niyang open grassland. May malaking puno roon kung saan siya madalas pumunta kapag gusto niyang mag-relax.

Pero mas mabuti na rin ang ginagawa niyang paglipat-lipat ng tirahan at lugar dahil iyon ang kailangan ng isang bampirang kagaya niya. Para walang makaalam sa tunay na pagkatao niya. Makahalata na hindi siya tumatanda. At walang katulad niya ang makakita sa kanya.

Binitawan niya ang blood bag sa mesa nang maubos iyon. Bigla siyang may naalala. Isang mapait na alaalang ayaw na niyang balikan pa kahit kailan.

Wala sa sariling napahawak siya sa kaliwang gilid ng kanyang tiyan. Inilihis niya ang t-shirt na suot at tiningnan ang hugis bilog at itim na marka roon. It is a birth mark. Hindi alam ni Abram kung swerte ba o sumpa ang markang iyon. Hindi siya tinatablan sa araw at kahit ano'ng uri ng liwanag. Kaya malaya siyang nakakakilos buong araw. Malakas siya at may espesyal na kakayahan katulad ng kakayahang patigilin ang oras, pagte-teleport at pagta-track ng kahit sinong target. Lahat ng kusang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong ay nakikita niya ang hinaharap na buhay ng mga ito.

Huminga siya ng malalim. "Siguro nga... swerte ito."

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng tumunog ang cell phone niya. Kaagad na sinagot niya ang unregistered number. Isa lang ang numero niya at iyon ang ginagamit niya sa pagtatrabaho bilang isang secret investigator.

"Hello, is this secret investigator?" bungad ng kabilang linya. Baritono ang boses nito.

"Yes, I am."

"Someone recommended you and I need your service. Please come to the address I'll send to you via text."

"Okay, thank you."

Pinutol na nito ang tawag at ilang sandali lang ay naka-received siya ng text. Tumayo si Abram at ibinulsa ang cell phone. Kinuha niya ang itim na coat sa sofa at isinuot iyon. And he teleported to the hotel from the address he received.

Isang malaking mansion ang bumungad sa kanya. Mayaman na tao na naman ang kliyente niya. Napangiti siya sa isiping iyon. Excited na siyang ma-meet ang mayamang kliyente.

Tumikhim siya bago nag-doorbell. Ilang sandali lang ay lumabas ang isang lalaking malaki ang katawan na naka-black suit. Mukhang bodyguard ang datingan nito.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi niya nagustuhan ang pagtaas ng kilay nito sa kanya.

Pinigilan niya ang sarili. Tumikhim siya. "Someone called me and hired my service. I'm secret investigator."

"Oh!" bulalas ng lalaki at biglang ngumiti na parang maamong tupa. "Kanina ka pa hinihintay ni sir. Halika, pumasok ka."

Tumango siya at sumunod rito. Nakarating sila sa receiving area. Sampung pares ng mga mata ang sabay-sabay na tumingin sa kanya. Pare-pareho ang suot ng mga ito. Mga bodyguard nga. Abram maintain a cool presence.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now