Chapter 20 Ending

652 25 4
                                    

CHAPTER 20

"SHE'S beautiful in that white dress. She started to dance as her dress, her hair and the flowers around her are dancing with the calm wind, too. The sound of her laugh brings joy to his soul. The spark in her eyes brought him all the lights he needed. She made him love her more and more each day. She stopped from dancing and looked at him with so much love in her eyes. Ah, this is what he saw in her future. He smiled in contentment. How lucky he was that it was him who's Dreanne is smiling and looking at with so much love.

Walang pagsidhan ang saya sa puso ni Abram. Naging maayos ang lahat. Mabubuhay na sila na walang halong takot at pangamba. Nagpapasalamat siya at naisalba ni Xed ang buhay ni Zaria.

Itinuloy nila ang kanilang buhay na wala nang anomang pinangangambahan pa. Naging payapa ang paligid at masayang masaya sila.

In the end, love will always prevails.

Lumapit siya kay Dreanne at kaagad na ipinalupot ang mga braso niya sa baywang nito.

"I love you Dreanne," buong pusong sambit niya at masuyong hinalikan ang labi nito. Hindi siya magsasawang sabihin araw-araw ang pagmamahal niya para rito.

Ikinawit nito ang mga kamay sa balikat niya. "I love you too my Abram," masuyong tugon nito.

They're in a flower garden where they decided to take their prenuptial shoot. They spent their time together after. Hindi na siya makapaghintay na dumating ang mismong araw ng kasal nila ni Dreanne.

"You now what... I've seen this day." masayang sambit niya.

"Really?" bulalas nito. "Ibig mong sabihin ay ito ang nakita mong future ko ng tulungan mo ako?

Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ni Abram. "Oo. At masaya ako na ako pala... ako pala 'yung lalaking nginingitian mo nang punung-puno ng pagmamahal."

Sinapo nito ang kanyang mukha. "Ikaw lang ang una at huli sa buhay ko."

Hinuli niya ang mga kamay nito at hinawakan ng mahigpit. Napangiti siyang lalo nang makita ang singsing sa daliri nito. Hinalikan niya ang kamay nito pagkatapos ay nagtama ang mga mata nila.

"Hindi na ako makapaghintay na buuin ang sarili nating pamilya." Nangilid ang luha niya sa saya. "Ang tagal-tagal kong hiniling na magkaroon ng sariling pamilya. At ngayon ay matutupad na iyon dahil sa'yo."

Nangingislap ang mga mata nito sa pagmamahal para sa kanya. Napakasarap makita.

"I know what you really wanted is a home." Masayang ngumiti ito. "Then we will build a happy home... with our kids. I will be a good mother to them and I know that you'll be the greatest father they will have." Umangat ang kamay niya at masuyong pinahid ang mga luha nito. Luha ang mga iyon ng saya. "And ours will be a happy family."

"Pamilya natin... napakasarap marinig," masayang sambit niya. "Ikaw at ang mga magiging anak natin at pakaiingat-ingatan at pakamamahalin ko."

Hinuli ni Dreanne ang mga kamay niya. Puno ng kislap ang mga matang tinitigan siya.

"I want to live forever with you Abram." Humigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya. "That's why I am asking you to turn me."

Natigilan siya sa sinabi nito. "Dreanne... are you sure?"

Ni minsan ay hindi nila pinag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Dahil ayaw niyang pilitin si Dreanne kahit na gustung-gusto rin niyang makasama ito ng matagal. He doesn't want to force her or pressure her. Basta ang ipinangako niya sa sarili ay aalagaan ito mamahalin habang magkasama sila.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now