Chapter 7

470 12 0
                                    

CHAPTER 7

HE WEARS black suit and he's the most handsome creature I have ever seen in my life. I think... black is his favorite color that made him mysterious. But in my eyes... he was so cool. My mind is wondering... so many questions left unanswered. I may not know all of him but the fact that he always save my life... is enough for me to trust him. And to know how pure his soul and intentions are. It's enough that he's the only man that makes my heart pound so fast and hard.

Hindi maalis-alis ang magandang ngiti sa labi ni Dreanne habang nakatitig kay Abram. Kuntento na siya basta kasama niya ito.

"Bakit ganyan ka makatingin sa'ken? Ah! Nagagwapuhan ka sa'ken 'no?"

Ang nanunudyong boses na iyon ni Abram ang pumukaw kay Dreanne. Katabi niya itong nakatayo at nakasandal sa bumper ng kotse niya sa isang park na nadaanan nila. Pauwi na sana siya nang bigla siyang tawagan ni Abram at sinabing gusto siya nitong makita. Kinilig naman siya dahil gusto rin niya itong makasama.

Hindi niya napigilan ang sariling kurutin ang pisngi nito. Natatawang pinanggigilan niya iyon.

"Ang cute-cute mo."

Ngumiti ito at hinuli ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit. Gustung-gusto niya kapag hawak ni Abram ang kamay niya.

"Ang ganda ng mga stars 'no?" Nangingsilap ang mga matang sabi nito at tumingala sa langit. Ganoon din ang ginawa ni Dreanne. Maaliwalas ang kalangitan. Parang nakikiayon ang kislap ng mga bituin sa nararamdaman niyang saya. "Alam mo ba kung ano ang paborito ko?"

Bumalik ang tingin niya rito. Napakaganda ng ngiti nito. "Ano?" nakangiti ring tanong niya.

Lumapad ang ngiti nito. "The night... because it is only then I can able to see the beauty of stars." Napangiti siyang lalo sa sinabi nito. Lumipat ang tingin nito sa kanya. "Pero ngayon ay hindi ko na kailangang hintayin pa ang gabi para makakita ng mga bituin." Lumakas ang pintig ng puso ni Dreanne nang umangat ang isang kamay nito at humaplos sa pisngi niya. "Because she's here... hindi ko lang siya nakikita kundi nahahawakan ko pa." Ang kinang sa mga mata ni Abram ay lalong nagpapaligalig sa kanya. Naramdaman niya ang pagsapo sa kanyang mukha.

"A-Abram..." abot-abot ang bilis ng pintig ng pusong sambit niya.

Inilapit nito ang mukha sa kanya. Kaunti na lang ang pagitan ng mga labi nila. Nararamdaman niya ang mainit na hininga nitong tumatama sa mukha niya.

"You are like the stars, I may not able to touch one but whenever you're here I feel shining," masuyong sambit nito. "Living alone in this world was dark but it shone when you came into my life. My whole life is shining. At ngayon ko lang naramdaman ang walang katumbas na saya sa buong buhay ko."

Namasa ang mga mata niya sa matinding emosyong lumulukob sa kanya. Hindi niya alam kung hanggag kailan niya itatago ang tunay na laman ng puso niya para kay Abram.

Masuyong ngumiti siya. "Masaya din ako kapag kasama kita. At wala namang ibang lalaking dumating sa buhay ko na nagparamdam sa'ken ng lahat ng ito kundi ikaw lang Abram," pag-amin niya.

"Napakasarap sa pandinig, Dreanne." Kinabig nito ang ulo niya at isinandal sa matipunong dibdib nito. Payapa niyang pinaglakbay ang mga kamay sa likod nito at gumanti ng yakap. Naramdaman niya ang masuyong pagkintal ng halik sa kanyang noo.

Hiling niyang sana ay hindi na matapos pa ang gabing iyon.

"Dreanne..."

"Hmm..."

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now