Chapter 15

435 13 0
                                    

CHAPTER 15

NAGDA-DRIVE ng kotse ni Dreanne papunta sa condominium unit ni Zaria. Niyaya siya nitong magpunta sa bahay nito. Gusto nitong bumawi sa naudlot na imbitasyon niya rito noong nakaraang araw. Kaya siya na lang daw ang magpunta sa unit nito para makapagkwentuhan sila. Pumayag naman siya dahil gusto ni Dreanne ng kausap. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa mga nararamdaman niyang pangungulila kay Abram.

Nagbuga siya ng hangin. Sa araw-araw ay mas lalo pang tumitindi ang nararamdaman niyang sakit at paghihirap. Gustung-gusto na niyang makita si Abram. Handa na siyang makinig sa lahat ng sasabihin nito. Pero hindi niya ito mahanap... ni hindi ito sumasagot sa mga tawag at text niya. Tuluyan na yata siya nitong iniwan. Sa isiping iyon ay bumikig ang lalamunan niya.

Lumunok siya ng mariin nang makarating sa address na ibinigay sa kanya ni Zaria. Kaagad na bumaba ng kotse si Dreanne at pumasok sa building. Ilang sandali ay nakarating siya sa harapan ng numero ng unit ni Zaria. Nag-doorbell siya.

Inihanda niya ang ngiti nang bumukas ang pinto. Pero ganoon na lang ang gulat ni Dreanne nang hindi si Zaria ang napagbuksan niya. Iyon ay walang iba kundi ang lalaking pinakamamahal niya... si Abram. Bumilis ang kabog ng dibdib niya. Si Abram lang ang nakakagawa niyon sa kanya. Nakita rin niya ang gulat na sa mukha nito na parang hindi inasahan na makikita siya.

Ano'ng ginagawa nito sa condo ni Zaria? Bakit ito naroon? May namamagitan ba rito at kay Zaria?

Biglang sumikip ang dibdib niya at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan niya.

"Dreanne...." Narinig niyang sambit nito.

Lumunok siya ng mariin. Gusto niyang magtanong rito pero nauunahan siya ng takot. Dahil natatakot siyang marinig ang isasagot nito.

"Dreanne! Mabuti at nandito ka na! Halika, pasok ka!"

Akmang ibubuka niya ang bibig nang marinig ang masayang boses ni Zaria. Tumambad ito sa harapan niya at hinila ang kamay niya papasok.

Tiningnan niya si Zaria, matamis na nakangiti ito sa kanya. Alam nito na si Abram ang lalaking mahal niya. Pero ano'ng ginagawa ng mahal niya sa condo nito? Gustong magwala ni Dreanne nang sandaling iyon.

Narinig niya ang pagtikhim ni Abram. "Zaria... lalabas muna ako."

"No you'll stay!" malakas na sabi ni Zaria. Nawala na ang ngiti sa mukha nito naging seryoso habang nakatingin kay Abram

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.

Pinanlakihan ni Abram ng mga mata si Zaria. "What are you up to Zaria? Why did you invite her without me knowing? You're really so stubborn!" inis na sabi pa nito.

Pinaikot ni Zaria ang mga mata. Bakit parang magkakilala ang mga ito. Taliwas sa alam niyang unang pagkikita ng mga ito kung saan pinagtabuyan ito ni Zaria.

"I think it would be nice if I'll talk to her... right?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Zaria.

Ginulo ni Abram ang buhok. "Napag-usapan na natin ito. You will not tell her any single thing... you understand?" Nakita niya ang frustration ni Abram

"Wala pa nga akong sinasabi eh," inis na sikmat ni Zaria. "Okay! It's you!" tinuro niro si Abram. "It's you who should tell her everything," mariing dugtong nito.

"No, I won't!" Umiling-iling na tumalikod si Abram.

"Stop being a coward Abram!" malakas na sabi ni Zaria na dahilan para tumigil sa paglalakad si Abram. "Hanggang kailan ka ba magtitiis ha? Paano mo magagawang kunin siya kundi mo sasabihin sa kanya ang lahat? You should tell her... for you to get her out of the evilness she doesn't even aware of. Pero... nasa kanya pa rin naman ang pagdedesisyon kung ano ang paniniwalaan niya." Tuminingin sa kanya si Zaria sa pagkakataong iyon.

Gemelos Blood COMPLETEDWhere stories live. Discover now