Chapter 2: White Fairies

90 12 2
                                    

I dedicated this chapter to Shincris   Hi cristal!

---

"It does not do to dwell on dreams and forget to live."
Albus Dumbledore

Chapter 2

White Fairies


Naglalakad ako papunta sa teacher's office kung nasaan ang office ni Ms. Morgan para sabihin sa kanya na pinayagan ako ni lolo. Hawak ko ngayon ang envelope ng mahigpit habang tinatahak ang hallway.

Break time ngayon ng klase namin. We had our break time schedule and today, we're the only section who have break time in this hour of 9 am in the morning. Katatapos ko lang kumain. Hindi na ko pumunta ng cafeteria. May baon naman ako kaya sa classroom na lang ako kumain.

And it's because I'm too excited for this na sasabihin ko na kay Ms. Morgan na pinayagan ako. It's my decision too. Handa na ko lumipat sa bago kong magiging school. I'm overwhelmed na napili nila ako bilang isang exchange student sa school nila.

Sinong maniniwala sa akin na isa ako sa napiling estudyante na lilipat sa isang prestihiyosong paaralan? Walang maniniwala diba? Walang nakakaalam sa mga kaklase ko na lilipat na ako ng school. Wala silang alam. If they ever find out about this, I'm sure they'll freak out about my transferring.

Humugot ako ng malalim na hininga nang nasa tapat na ako ng office ni Ms. Morgan. Pinihit ko ang seradura ng pinto. Nakita kong may sinusulat siya. Mukhang may ginagawa ata.

Oh no! Ma iistorbo ko pa si Ms. Morgan. Pwede ko naman tong sabihin sa kanya mamaya.

I need to get out of here bago niya ako mapansin na nakatayo sa harap ng pinto ng office niya. Tatalikod na ako nang marinig kong nagsalita siya.

"Ms. Morrison." I heard her soft voice called me. "Come here."

Mabagal akong humarap sa kanya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ulit ang pakiramdam ko kahapon sa loob ng office ni Miss. I felt as if someone staring at me. Hindi si Ms. Morgan ang tinutukoy ko kundi ang ibang presensya dito. What am I thinking? At sino naman ang ibang nandito kundi kaming dalawa lang naman ng teacher ko.

Baliw ka na arshia!

Binalik ko ang tingin ko kay Miss na nakatitig pa rin sa akin. Lumapit ako sa table niya. Nilapag ko ang envelope na hawak ko sa table ni Miss.

"Uhm.. Ms. Morー"

"Pinayagan ka na ng lolo mo?" She asked smiling. I saw her eyes glowed into something.

"Yes, Ms. Morgan." I answered.

"So it's settled then." Prenteng sabi niya. Sumandal siya sa upuan niyang swivel chair.

Paano ang klase ko dito? Wala silang alam tungkol sa paglipat ko sa ibang school.

"Don't mind it, wala ka ng problema roon. Malalaman din nila iyon once na hindi ka na pumapasok sa school na 'to. And that day would be the start of your new life." Nakangiti niyang sabi.

Kinilabutan ako sa ngiti ni Miss. It's a creepy smile!

But what did she said? New life? Bagong buhay?

Oxsenford University: Arshia's Tale (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon