Chapter 14: Manipulation

72 14 14
                                    

"There is a sacredness in tears. They are not the mark of my weakness but of power. They are messengers of  overwhelming grief and unspeakable love."
Washington Irving

Chapter 14

Manipulation


Isang araw na simula nang malaman ko ang tungkol sa kakayahan ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung paano ilabas at gamitin ang kakayahang tinataglay ko. Isang araw akong lutang sa sarili na hindi ko pa rin masagap ang katotohanan na isa akong sumpa sa lahat. Ang sumpang tinataglay ng kakayahan ko. Maaari bang makapatay ako ng tao? Iniisip ko pa lang ang kalalabasan ng pangyayari, hindi ko maaatim ang sariling nakapatay ako ng tao. Itinuro na sa akin ni lolo ang salitang masama ang pumatay dahil malaking kasalanan iyon sa Diyos. Pero paano kung ang kasamaan ang nananaig sa kabutihan?

Napabuntong hininga ako. Tama nga naman, kasamaan pa rin ang nananaig. Ang kasamaan ng Renuers. Gusto nila akong patayin para sa kanilang pansariling interes. Dahil ako ang sisira sa plano nila. Ang katanungan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang sagot. Bakit ako? Isa lang akong mahinang babae kaya paanong naging ako? Naguguluhan at natatakot ako sa susunod na mangyayari. Wala na si Alcus na gustong pumatay sa akin pero maaaring sa susunod na araw ay may susulpot na namang maitim na nilalang. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang tungkol sa renuers. Hindi ko hahayaang muling mangyari iyon sa akin. Ngayon pa lang ay gagawa na ako ng aksyon.


"A penny for your thoughts?" A familiar voice interrupted my deep thoughts. Tiningala ko ang taong nasa harap ko ngayon. Sa tangkad nito ay kailangan ko pang tingalain ang mukha nito. Nandito ako sa library dahil dito ang unang naisip ko na baka may makakalap akong impormasyon tungkol sa renuers. Hindi ko kasama ngayon si Elise dahil may klase siya ngayong umaga. Nagkataon lang na break time namin kaya ako naparito sa library. Ipinagtaka ko lang kung bakit siya nandito? Ang pagkakaalam ko ay may klase pa sila.

"N-nothing. What are you doing here?" Oopps mali ang natanong ko sa huli. Itong bibig ko talaga di maitikom.

"Am I not allowed here? Ang pagkakaalam ko ay library ito at pwedeng pumasok ang kahit sino." Sarcasm is there. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Kailan ko ba nakitang ngumiti ito? Ahh there! I saw him chuckled the last time I followed him. Once in a blue moon lang kung ngumiti ang lalaking ito na parang mahal ang presyo ng ngiti para sa kanya.

Hindi na lang ako umimik baka kung ano pa ang masabi ko. "Why are you here?" Narinig ko ang paghila ng upuan na hula ko ay uupo ito sa kaharap kong upuan. Nasa pinakasulok na parte kami ng library kaya walang masyado nakakakita sa amin. At kung meron man baka nakahandusay na ako sa sahig sa sama ng tingin ng mga babae sa akin. Napapansin ko ang kakaibang tingin nila sa akin simula ng makasayaw ko si Jackster sa ball. Everyone girl wants to have a chance to dance with the prince charming but I broke their chance when the prince offered me. Sino ba namang hindi maiinis kapag inagawan ka ng gusto mo? Hindi ko na lang sila pinapansin dahil ayoko ng gulo.

"Am I not allowed here? Ang pagkakaalam ko ay library ito at pwedeng pumasok ang kahit sino." Ginaya ko ang sinabi nito. He frowned when I said those words. Ha! Later, I'll gonna kiss my foot for being a brave.

May binulong ito pero hindi ko narinig. Ano bang sinasabi nito?

"Where's your book? I thought you're reading a book." He smirked. Ha! Isa pa yan na laging nakaplaster sa mukha niya. Ang pamatay na smirk.

Napansin kong wala nga akong libro sa harap ko. Nalunod ako sa malalim na pag iisip kanina at nakalimutan ko na ang pakay rito. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ang harap niya. Aba may libro ngang nakapatong sa harap niya at nakabukas pa ito. Based on the pages I noticed, It was a chemistry book. He is holding a pen on his right hand. Bakit hindi ko man lang napansin iyan kanina?

Oxsenford University: Arshia's Tale (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon