Chapter 5: Chasing You

70 11 0
                                    

"A true knight is fuller of bravery in the midst, than in the beginning of danger."
Philip Sidney

Chapter 5

Chasing You


"Hey arshia! Wake up!" Naramdaman ko ang malakas na pagyugyog sa balikat ko.

"Hmmm.." I groaned in protest. Inaantok pa ko e!

"Arshia! Hey get up! May pasok pa tayo baka malate ka sa first class mo. Nako! Terror pa naman ang Prof mo sa subject mo ngayon!" She said aloud. At dahil sa narinig ko sa kanya, agad akong napabangon.

Really? My prof is a terror?

Tumingin ako kay Elise. Kumunot ang noo ko nang makita ang natatawa niyang mukha.

Niloloko lang ba ako ni Elise?

"You're funny arshia." Hagikgik niya ulit. "Sinabi ko lang na terror ang prof mo, Napabangon ka na agad. Ayon din naman pala ang pwedeng ipanakot sa iyo. Sa wakas, bumangon ka rin!"

Inirapan ko siya at tumayo na. Kinuha ko ang tuwalya ko. Dumiretso na ko ng shower room. Bago ko maisara ang pinto, narinig ko muli ang nang aasar na si Elise.

"I'm just kidding baka magalit ka na niyan sa akin. Baka biglang di muna lang ako pansinin. Ikaw kasi, di ka magising kaya kailangan ka pang lokohin." Then she laughs again.

Hindi ko na lang siya pinansin. May pagka loko rin pala si Elise.





We walked through the hall way leading to my first class which is Chemistry. Hindi kami magkaklase ni Elise dahil iba ang klase niya ngayon. Magkaiba rin ang aming schedule kaya di kami magsasabay mamaya sa lunch time.

Habang naglalakad kami, pinapaliwanag sa akin ni Elise ang rules at dapat kong malaman dito sa Oxsenford.

Gaya din ng ibang estudyante, naka uniform na ako. Magkakaiba ang kulay ng uniform namin ng bawat year ng mga students. A gray skirt that looks one inch above the knee length, white long sleeves with a gray neck tie, black socks na hanggang tuhod at itim na sapatos and a thick gray coat. Color gray ang kulay ng uniform naming mga seniors. Sa juniors ay red. Sa sophomores ay green at sa freshmens ay blue.

They looks normal kung titingnan mo. Ang hallway ay puno ng mga estudyante. May ibang napapasulyap sa akin. Yung iba ay nagtataka dahil ngayon lang ako nila ako nakita pero agad lang din sila bumabalik sa mga gawain nila.

Huminto kami sa tapat ng malaking double doors. She smiled. "We're here."

Tumingin ako sa kanya ng kinakabahan. Hindi ko alam kung ba't ngayon lang ako kinabahan. Samantala kanina, normal lang sa akin ito kanina at excited pa ako. But now, I don't really know. Parang may biglang force ang lumabas sa pakiramdam ko.

"Goodluck, arshia." She cheered me between my stares. Pinapahiwatig ko sa kanyang 'wag muna akong iwan dito but she walked away after that.

Bumagsak ang balikat ko. Ngayon ay dumoble pa ang kaba ko ng umalis na si Elise.

Wala akong nagawa kundi ang pihitin ang dalawang door knob. Pagpasok ko ay narinig ko agad ang ingay sa loob ng mga estudyante. Napakagulo. At mukhang nagkakatuwaan sila na nagtatawanan. Pero nang bigla akong pumasok, they shut in silence.

Pinagtinginan naman nila ako. Sa akin na lahat natuon ang atensyon nila.

Kinakabahan pa rin ako kung anong mangyayari sa akin dito. They have all powers. Habang ako dito, nakatayo at walang alam. Walang charm na katulad nila.

Oxsenford University: Arshia's Tale (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon