Chapter 17: A Damsel in Distress

63 7 24
                                    

"You can't save the damsel if she loves her distress."
Anonymous

Chapter 17

A Damsel in Distress

ELISE PALMER

Maaga akong nagising ngayong araw. Pasado alas kuwatro pa lang ng madaling araw, dilat na dilat na ang mga mata ko. Hindi ako agad nakatulog kagabi at kung tutuusin dapat mamaya pa ang oras ng gising ko. It supposed to be on exact five in the morning.

I took a glance at Arshia who were still asleep. I stared at her innocent face. She's like a fallen angel for me. Mukha siyang anghel na lumagpak sa lupa at walang kaalam alam sa mundong ginagalawan. Mula sa kanyang mala-inosente at magandang mukha, laging nakabakas sa mukha nito ang takot at pangamba. Kumbaga sa isang tingin, nakikitaan agad ito ng ekspresyon. Brown ang kulay ng mga mata nitong napapaligiran ng makapal na talukap pati ang buhok nito na lagpas bewang, porselana ang kutis -mukha siyang dyosa ng mga anghel.

Sa tuwing natititigan ko ang mga mata ni Arshia, isang tao ang pumapasok sa isip at alaala ko. Ang tanging kaibigan ko. Noon. Staring to her eyes always bring me some memories of the past. Laging bumabalik ang nakaraan na hindi ko pa rin nakakalimutan ilang taon na ang nakakalipas.

I missed her. From the renuers.

Malaki ang pagkakahawig ni Arshia sa kaibigan ko. Sa ugali at itsura nilang dalawa ay parehong pareho pero isa lang ang pagkakaiba nilang dalawa. Ang katapangan na mayroon ang aking dating kaibigan nang iligtas ako nito sa mga renuers. Kaya siya nadakip at nahuli ng mga nais kumuha sa akin. Siya ang pumalit imbes na ako. Niligtas niya ako sa kapahamakan at pumalit sa kapahamakang dapat sa akin.

Yun ang pagkakaiba nilang dalawa ni Arshia. Maraming kahinaan si Arshia na nakikita ko sa kanya pero alam kong maglalaho rin iyon balang araw dahil nakikita ko ang hinaharap. Ang hinaharap ni Arshia.

Matagal ko ng ikinukubli sa sarili ko ang kakayahan kong makakita ng hinaharap. I have the ability of Precognition. The ability to see the future by just looking at the person but it has a limit. Ang kakayahan kong makakita ng hinaharap ng mga taong nakakasalamuha at nakakasalubong ko ay hindi gaanong kalinaw ko nakikita ang kapalaran nila. Isang imahe lang ito na biglang makikita ko sa sarili kong mga mata at biglang maglalaho na unti unting nagiging malabo hanggang sa madiffuse ito.

Bata pa lang ako, matagal ko ng itinago ito sa sarili ko dahil alam kong mapanganib kapag may nakaalam. Nakita ko ang mangyayari kapag nagkataon na malaman ng mga renuers ito. Ngunit may isang tao lamang ang nakakaalam na mayroon akong kakayahan na makakita ng hinaharap. She knows all about me. My hidden secret. At ganoon din ako sa kanya.

Kaya nang makuha siya ng mga renuers, matinding takot at pangamba ang naramdaman ko na baka malaman nila ito. Dahil hawak nila ang dati kong kaibigan na hindi na ko kilala ngayon. Hindi ko alam kung anong ginawa nila sa kanya pero isa lang ang alam ko, nilason nila ang utak niya hanggang sa naging kasapi na rin siya ng mga renuers.

Hanggang ngayon hindi nawawala ang takot sa aking dibdib nang makita ko ang hinaharap ni Arshia. Natatakot ako sa kapalaran ni Arshia. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa bestfriend ko ngayon na itinuring ko ng kapatid. Mahalaga sa akin si Arshia at ayokong mapahamak siya.

Three years passed since I realized what I've done. Those years were my nightmares. Naging bangungot sa akin ang nangyari noon dahil hinayaan ko mangyari ang masamang kapalaran ng mga tao. I didn't interfere in the so called 'fate' of human beings at that time. Kaya pati ang kapalaran na mangyayari sa kanya ay hinayaan kong mangyari dahil binalot ako ng takot sa sarili. But now I realized that I have to interfere the fate to protect her. I have to protect Arshia till death. Mangingialam ako sa nakatadhanang kapalaran at hindi na ako magiging tanga na hahayaan ang mga mangyayaring hindi dapat mangyari.

Oxsenford University: Arshia's Tale (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon