Chapter 11: The Real Calista Watson

59 12 0
                                    

"Appearances are a glimpse of  the unseen"
Anaxagoras


Chapter 11

The Real Calista Watson


Sinundan ko siya nang hindi niya nahahalata. May kalayuan ang distansya ko sa kanya kaya alam kong hindi niya ko mararamdaman na sinusundan siya. Ang ipinagtaka ko lang hindi sa forbidden forest ang direksyon niya. He turned his other way on the right path. Is he heading to somewhere? I wonder if there is another secret way here aside from the forbidden forest.

Ang daang tinatahak ko ngayon ay parte pa rin ng forbidden forest. Nagkalat ang mga matataas na puno at may mga patay na damo na sumasama sa galaw ng hangin. Nakita ko sa di kalayuan ang isang mataas na gate kung saan pumasok siya doon. Anong gagawin niya don? Hindi ako makapaniwala na meron pa palang gate dito sa pinakadulo. Is this some kind of enchantment? Lumapit ako sa gate at tiningala ko ito, at nakita ang nag iisang crest sa itaas. Sinulyapan ko kung ano ang nasa loob at suminghap ako.

Simenteryo? Bakit may simenteryo dito?

Mas maraming patay na damo dito at may iba't ibang klase ng statue akong nakikita sa loob since metal naman yung gate. Kinilabutan ako bigla. Mukhang matagal na ang simenteryo dito batay sa itsura ng loob. Sino ba naman ang nasa tamang pag iisip na maglalagay ng simenteryo sa loob ng school? Don't you think it's weird, right?

Ano naman ang gagawin dito ni Jackster?

Pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko pa lang nararamdaman ko na ang kakaiba sa paligid pero nilakasan ko ang loob ko na wag magpaapekto sa takot sa mga nakikita kong tombstone sa dinadaanan ko. Hinanap ko si Jackster pero hindi ko makita sa kung saang lupalop ito nagpunta. Malawak ang simenteryong ito kaya imposibleng mahanap ko siya ng ganoong kadali.

Nilingon ko ang gate at hindi ko man lang namalayan na malayo na pala ang nilakad ko! Gosh hindi ko alam na ganitong lugar pala ang mapupuntahan ko matapos kong sundan si Jackster para lang kausapin pero ngayon na hindi ko na siya makita, It's starting me to creeps me out!

Bakit ba kasi may simenteryo dito?!

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. Sunod sunod akong nakaapak ng tuyong dahon at may mga nalalaglag na sanga rin galing sa puno. Nang makarating ako sa pinakadulo kung saan may isang malaking puno roon, klaro na ang parteng ito na wala ng mga tombstone sa paligid na dinaanan ko kanina at tanging mga puno na lang.

Nilibot ko ang paningin sa paligid at nahagip ko ang hinahanap kong pigura na nakatayo sa harap ng isang tombstone. Kumunot ang noo ko. Kaya ba nagpunta siya rito dahil may dadalawin siya? Nag iisang tombstone lang ang nandon sa lugar na iyon. Tanging iyon lang ang nakahiwalay sa lahat.

Gravestone of his one relatives? His mother or father? But I haven't hear anything yet about his parents.

Nagtago ako sa isang malaking puno upang hindi niya ako makita na sinundan ko siya rito.

And in just a blink of an eye, he was gone there! I looked around but he's nowhere to be found! Paano siya nawala ng ganoong segundo lang?

Naglakad ako patungo sa kinatatayuan niya kanina. I can't help but take a look at the name carved on the tombstone.

Jacenia Ferrell
January 16, 1990 - November 20, 2006

Who is Jacenia?

Mukhang hindi pa naman ganoon katagal ang itsura ng tombstone mula nang mailibing ito. It was three years ago based on the year. Could it beー


Oxsenford University: Arshia's Tale (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon