empty ♡ 4

261 8 0
                                    

It is better to have loved and lost than never to have lost at all.

Samuel Butler

June 14, 2018
6:01 am

Bagong araw, bagong paghihirap.

"I miss you so much, jaye"

"Iha nag-resign ka raw sa trabaho mo?"

"Opo nay" masakit pero kailangan

"Bakit? Anong problema?" Madami po .

"Masakit na po kasi lahat po ng ginagawa ko ay nagpapaalala sakanya"

"Hindi ba't iyan naman talaga ang gusto mo? Siya lang naman ang nakikita mo. Tinaboy mo na nga lahat ng taong nagmamahal sayo"

"Nakakapagod din po palang umasa sa wala"

"Iha hindi lang iisa ang lalaki sa mundo"

"Siya po ang mahal ko"

"Magmamahal ka lang naman ulit pero hindi ibig sabihin non kinalimutan mo na siya. Lagi naman siyang nasa puso mo diba?"

Magmahal ng iba? Kaya ko bang sumugal ulit sa pagibig?

1:05 pm na pero hindi pa rin ako nakakahanap ng kakainan dahil lahat puno.

"Nadine?"

"Sofia? Kailan ka pa bumalik?"  Sofia Robles, 24. Ex- fiancée ni jaye.

Gulat kayo no?

Maaring nagtatanong kayo sa sarili niyo "ha? Akala ko ba ikaw ang jowa" "akala ko kayo" "hindi ba't kayo?" Akala ko rin kami.

Ako lang naman ang dakilang gaga na assumera pa

Mahal ko si jaye pero hindi ako ang mahal niya. Sad but true. 2 months lang naman naging kami pero si sofia? Mahal na mahal niya yan. Noong first anniversary sana namin nag-propose siya. Masakit? Syempre.


Flashback — empty ♡ 2 ( para ma-gets niyo )

8:00 am
Reid university

"Good morning class!"

"Good morning mommy lustre!"

Yes I'm a teacher. 'Yon ang pangarap sakin ng taong mahal ko. Gusto niyang magtrabaho ako bilang teacher sa eskwelahan na itatayo niya...sana. kaso kapatid nalang niya ang nagtuloy.

Gusto niyang ituring kong mga anak namin ang bawat bata na magaaral dito kaya "mommy" ang tawag nila saakin. Sinabi niya 'yon nung mga panahon na kami pa. Mga panahon na ako lang ang nakikita niya.

Ang mga bata nalang ang nagpapasaya saakin at nagpapaalala ng memories naming dalawa.

Jaye died from car accident one year ago. It's our first anniversary "sana" kaso nakahanap siya ng iba.

Ito rin yung araw na nag-propose siya sa taong pinakamamahal niya — hindi ako yon.

Kaso malupit ang tadhana pinaglaruan kaming lahat.

End of flashback

"Kahapon lang. Kamusta ka na? Tagal natin hindi nagkita since nangyari 'yon"

"I'm fine. Ikaw kamusta ka na?" No I'm not fine.

"Ito masaya. May jowa na sinagot ko last week" kitang-kita ko kung gaano siya kasaya at alam kong masaya rin si jaye dahil masaya ang taong mahal niya.

"Buti ka pa..."

"Bakit hindi ka ba masaya?"

"No i mean buti ka pa may jowa na hehe" sige lokohin mo ang sarili mo.

"Wala ka pang jowa?!"

Hindi nga makamove-on, magka-jowa pa kaya?

"Mapili ako eh alam mo na sayang ganda" gaga.

"Oo nga naman but still i wish makahanap ka na ng taong magpapaligaya sa puso mo"

Sana nga.

Empty hearts Where stories live. Discover now