empty ♡ 7

169 9 1
                                    

Your love is all i need to feel complete.

6:01 am

"Jaye!"

Bigla akong napabangon sa kama shit umaga na. Sobrang sakit ng ulo ko gosh.

"Ateng, inom ka muna ng tubig para mawala sakit ng ulo mo" ano ba ang nangyari kagabi? Wait... si Jaye!

"Manang nakita ko siya" napalingon naman si manang sa paligid niya at biglang lumapit sa'kin. Anong nangyari dito?

"Anak sinong nakita mo? Sabihin mo anak sino? Si Ruben ba?" Natataranta na tanong ni manang. Umikot naman ang mata ko at nadagdagan ang sakit ng ulo. Si tatang Ruben ay asawa ni manang Berta, pumanaw siya apat na taon na ang nakakaraan.

"Manang! si Jaye! nakita ko si Jaye kagabi sa bar!" Bigla naman siyang umayos ng tayo at hinilot ang kanyang ulo.

"Nadine nako kapag sinabi ko yan sa mga magulang mo baka ipadala ka na sa mental! Ano ba ang mga nakikita mo? Patay na si Jaye 'nak! Jusmeyo kang bata ka!"

"Mga bata ngayon talaga oh! Nababaliw sa pagibig hay nako!" Bulong pa na sabi ni manang habang lumalabas ng kwarto ko

Patay na si Jaye! Patay na si Jaye! Patay na si Jaye, Nadine ano ba! Para ka namang gaga.

Pero, sino siya?

Lustre's Restaurant

"Ano girl? Keri pa?" Bungad sa'kin ni Kiana.

"Ano ba'ng nangyari kagabi?" Gustong gusto ko talagang malaman.

"Girl, akala namin ikaw lang ang matitirang matino sa'min! Mas una ka palang tinamaan eh!" Sabat naman ni Lauren. Should i tell them?

"Pero alam mo gurl. Ang weird mo kagabi. May tinuturo ka bago ka makatulog. Natakot nga kami ni Lau eh!" Dagdag pa ni Kiana. Possible kayang si Jaye 'yon? Pero patay na siya diba?

"Nakita ko si Jaye kagabi" sabay naman silang nasamid at nag-unahan uminom. Hinampas - hampas naman nila ang kanilang dibdib bago nagsalita

"Hoy Nadine 'wag mo akong tinatakot ah!" Lakas loob na sinabi ni Lauren habang nakatitig sa'kin na parang nagtatanong kung nagbibiro ba ako

"I'm not!" Padabog kong sabi. "Mukha ba akong nagbibiro?" Nagtinginan naman silang dalawa na parang iniisip kung baliw na ba ako o ano.

"Girl, lasing ka non. Baka akala mo lang" sabi ni kiana sabay subo ng pagkain niya.

"Seryoso ako. Kamukha niya talaga!" Sabi ko at umaasa na naniniwala sila.

"Lasing ka pa ba?" Nangingilatis na tanong ni Lau. "Waiter! Isa ngang kape yung matapang!" Tawang - tawa naman si Kiana sa pinagsasabi ni Lau

"Lau naman eh!"

"Girl, patay na ang kapatid ko. Tinanggap namin 'yon kahit masakit. Sana tanggapin mo rin" seryosong sabi ni Lau.

"Hind-" 'di ko pa natatapos ang sasabibin ko sumingit na ang waiter. "Ma'am ito na po yung kape"

"Abot mo dyan sa boss mo ng magising!" Pabirong sabi ni Kiana.

Napa bungtong hininga ako at ininom ang kape kahit labag sa loob. Kahit gustong - gusto kong magsalita ay hindi ko magawa dahil hindi naman sila maniniwala.

Andito ako ngayon sa opisina ko. third floor ng restaurant which is studio.  Photographer din ako before pa ako magteacher. And yung restaurant is family business. Pinasadya ko talaga na isang building nalang para hindi na rin ako mahirapan.

I'm still thinking about what happened last night. I'm sure na siya 'yon but sure rin ako na patay na si Jaye. Maybe hindi siya? Pero kamukha talaga eh! As in. Paano nangyari 'yon? Nananaginip ba ako o multo 'yon?

"Ma'am!"

"Ay multo!" Bigla naman nagiba ang itsura ni Yas.

"Ma'am multo? 'Asan ma'am? Nasa likod ko ba ma'am?" Halata mo sa mukha niya ang takot.

"No, Yas. Walang multo. May naisip lang ako. Don't be afraid. Calm down!"  Matawa- tawa kong sabi sakanya. Kung ako rin naman siguro matatakot.

"Si ma'am talaga oh!" Yassi Pressman, 25. Walang jowa pero may kalandian in short walang label. She's my friend also but hindi ganon ka-close. Kasama ko siya dito sa studio.

"Btw what do you need?"

"Magpapaalam lang po sana ako. Gabi na rin po kase kaya uuwi na ako"

Bigla akong napatingin sa malaking orasan sa table ko.

10 : 53 pm

"Gabi na pala. Yeah sure pwede ka na umuwi. See you tom!" Napangiti naman siya. Ewan ko ba sa babaeng to sinabi ko naman sakanya na basta eight o'clock pwede na siya umuwi.

Nagulat ako ng bigla siyang bumalik sa opisina ko.

"May nakalimutan ka?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

Mukha nagaalinlangan pa siyang sabihin "uhm ma'am kase ano" tinaasan ko naman siya ng kilay "may date po ako bukas kaya baka po pwedeng 'di muna ako pumasok?" Mabilis at natataranta niyang sabi.

"Sure"

"Thank you po! Bye ulit Ms. Nadine!" Halata sa mukha niya ang saya. Totoong saya hindi kagaya ko. Mapagpanggap

Ayokong maging hadlang sa kaligayahan ng iba kaya pinayagan ko na.

Inayos ko ang gamit ko para umuwi. Binitbit ko na ang bag ko at bumaba. Meron pa akong ibang tao na nakita pagkababa ko ng resto at mga handa na rin sila umuwi. Nagpaalam sila sa'kin bago ako makalabas ng building.

Mga ilang lakad lang ay narating ko ang parking lot. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang tumunog ang cellphone ko

Jaye♡ calling....

Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko. Napatingin ako sa paligid nagbabasakaling makita ko siya ulit.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko ng biglang mawala ang tunog nito. What the just happened?

Nagmadali akong pumasok ng kotse at umuwi. Hindi pa rin nawawala ang kabog ng dibdib ko.

Who's playing with me?

Ano ba namang buhay to ang gulo!

What should i do? No. Hindi na ako pwedeng umasa ulit. Patay na siya. Hindi na siya babalik.

Hindi na maibabalik ang dati.


Empty hearts Where stories live. Discover now