empty ♡ 6

173 5 2
                                    

I need you like a heart needs a beat.

6:01 am


Tic toc tic toc tic toc

Minsan naiisip ko kung paano bigla nalang akong mawala sa mundo pero hindi ako naging masaya?

Paano kung kakahintay ko pala sa taong kahit kailan hindi na babalik, mawalan ako ng pagasang magmahal ulit?

Paano kung hindi ko namamalayan unti - unti na palang nauubos ang oras para magmahal ulit?

Paano kung yung oras na dapat pala masaya na ako sinayang ko dahil sa takot ko?

"Nadine" shet.

"Oh?"

"Anong mas masarap? magmahal o masaktan?" What? Duh loko ba to?

"Syempre magmahal" muntik na akong mahilo dahil sa pag-ikot ng mata ko

"No. Mas masarap masaktan"

"What do you mean?"

"Kase mapapatanong ka may nagmamahal nga bang hindi nasasaktan? I mean kahit sa maliit na bagay lang? mas masarap masaktan kase alam mong nasaktan ka dahil nagmamahal ka"

"Alam mo may sense ka rin pala kausap ano?" Hindi ko alam na may ganitong side pala itong lalaking to.

"Grabe ka naman sakin naddie! Parang sinabi mo na rin na wala akong kwentang kausap lagi"

"Bakit hindi ba?" inirapan ko siya kase totoo naman puro kalokohan lumalabas sa bibig niya.

"Babe oh" Bret "pabebe" Jackson, 25. May jowa pero isip bata.

"Alam mo mika hindi ko alam na bumaba na pala standards mo" Mika Tan, 24. Maganda. Masaya.

"Girl, naawa lang ako baka wala ng pumatol dito" kung nakikita niyo yung itsura ni bret ngayon sigurado tatawa kayo ng malakas

Muntik na akong masuka nung sumimangot si Bret. Seryoso? Kapag siguro nagkaanak to mas mature pa kesa sakanya.

"Teh, una na ako. 'Di ko na matiis yung jowa mo baka buhusan ko ng kape. Enjoy nalang kayo"

Shet buti nalang hindi ganon si jaye.

Kiana calling.

"He-" letse 'di man lang ako pinatapos magsalita

"Nadiiiiiing!" ang taas ng energy.

"What?" Ano ba meron sa mga tao ngayon? Napaka-hyper!

"Kita tayo? Hihihi please?"  Yuck. Bakit ba lahat ng kaibigan ko pa-cute? Gosh

"Where?" Dahil wala naman akong ginagawa. Why not?

"Bar? 10 pm with friends!" What? No way!

"Ayoko nga! Gagawin niyo pa akong alalay" bahala kayo dyan. Porket may mga jowa kayo inaapi niyo na ako.

"Dali naaa! Hahanap kita ng papi"

"No thanks"

"Girl, move-on na. Ang dami-daming lalaki sa earth teh di ka mauubusan" ano akala sa'kin netong babaeng to nagiipon ng boys???

"Fine" wala naman akong magagawa dahil hindi naman nila ako titigilan.

10 : 13 pm

Usok at amoy ng alak ang unang sumalubong sa'kin pagkapasok ng bar.

Madaming tao ang nagsasayaw kasabay ng napakalakas na tugtog. May mga nagce-celebrate. Meron din mga taong sawi kagaya ko na dinadaan sa alak lahat ng sakit.

"Nadine! here!" Nakita ko sila sa dulo. Mga nakasandal sa braso ng jowa. So anong ginagawa ko dito? Tititigan sila?

"Hindi niyo sinabi na kailangan may partner pala?"

Lauren — Gab
Kiana — Sam
Mika — Bret
Me — nevermind

"Bakit kapag sinabi ba namin may madadala ka?"

Sabay sabay tumawa ang mga loko. Hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko dahil syempre may jowa sila at ako wala. inirapan ko naman si kiana "Shut up, ki"

Mga kalahating oras lang ay nagsisimula nang magkasayad sa utak ang mga kasama ko. Mukhang tinamaan na ng alak.

"Nading sayaw tayo" no thanks. Alam ko namang iiwan niyo rin ako dahil mga jowa niyo kasayaw niyo duh.

"Kayo nalang"

I want more drinks.

Nagpunta ako sa counter at doon nalang umupo. Atleast dito nababagay ang katulad ko, mag-isa.

Habang pinapanood ang mga taong sumayaw nang sumayaw mas naging wild ang mga tao. Naging mas nakakahilo ang ilaw na paikot - ikot.

Napako ang tingin ko sa isang tao

Tila nawala ang napaka-lakas na tugtog sa loob ng bar, ang tanging naririnig ko lamang ay kabog ng puso ko

"Jaye?"






Empty hearts Where stories live. Discover now