empty ♡ 8

156 6 0
                                    

Come live in my heart and pay no rent

- Samuel Lover

6 : 01 am

"Let's meet. Lunch. I'm going there"

I'm sitting at my office and making my self busy when i received Lauren's message. Why do i feel like it's because what happened last night? Does she know?

Maaga akong pumasok ngayon dahil bukod sa marami akong gagawin pilit ko rin inaalis sa utak ko ang nangyari kahapon. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung sino ba talaga 'yon. Pinaglalaruan ba ako?

I'm looking at my schedule when someone knocked.

Umikot naman ang mata ko nung nakilala ko kung sino 'yon.

Kupal

"What are you doing here Mr. Marco?" Hindi ko mapigilan magtaray lalo na't kung kupal ang kaharap ko.

"Yeah i missed you too, Nadz" inis na sabi niya habang iniikot ang paningin sa buong opisina ko.

"So what do you need? Don't tell me..." naniningkit na matang tanong ko.

Nanlalaking mata naman siyang tumingin sa'kin "no way, Nadz!" Sabi niya na parang nandidiri

Tinitigan ko pa rin siya na parang hindi ako naniniwala

"Ms. Lustre, tumaas ata ang tingin mo sa sarili mo? Nakamove - on na ako sayo!" Halata mo sa mukha niya ang pagka - asar saakin.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay senyas na sumusuko na ako habang tumatawa "i know seph. I know. Masyado kang defensive"

Bigla naman siyang umupo sa table ko kaya tinulak - tulak ko siya dahil baka malukot ang mga gamit ko.

"Lunch?" He asked habang nakatingin sa mga papeles ko

"I have plans today. Sorry, seph" malungkot na sabi ko

"Date?" Napatingin naman ako ng matalim sakanya.

"Mukha ba akong may jowa?!" Siya naman ngayon ang tumatawa nang malakas. Binato ko siya sa mukha ng papel.

"Ano nakakatawa don?!" Umayos siya ng tayo pero halatang nagpipigil ng tawa. Napailing nalang ako. Baliw.

"Wala. Sige. Maybe next time? Papakilala ko sayo yung jowa ko" diniinan niya ang salitang "jowa" habang lumalabas

"Buti may pumatol sayo" pang-aasar ko sakanya.

Tinignan naman niya ako ng matalim pero umalis din agad.

Kahit gusto kong makipag kwentuhan kay seph madami akong bagay na gagawin at isa pa naka - oo na ako kay Lau.

Napabuntong hinginga nalang ako at pilit binalik ang atensyon sa mga ginagawa ko

Tutok na tutok ako sa laptop ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito ng hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.

"Hello Nadine Lustre speaking! Who's this?" Tanong ko habang seryosong - seryoso sa pagta-type. I'm very busy right now. I need to finish this.

"Nadz, it's me Lau" bigla naman akong napatayo at napatingin sa orasan

12 : 15. Shit!

"Omg Lau! I'm sorry. I'm kinda busy kase today" sabi ko habang tumatakbo papunta ng elevator. Nadine naman eh! Ang makakalimutin mo!

"No, it's okay girl" mahinahon na sabi ni Lauren halata mo sa boses niya na natatawa siya dahil natataranta ako

Hinihintay kong bumakas ang elevator "wait Lau asan ka ba?"

Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang second floor. "We're here sa table natin"

"Okay. Pababa na ak- wait we're? Kasama mo sila kiana? Nagtatakang tanong ko sakanya.

"No" maikling sagot ni Lauren na nagpakabog sa puso ko. Naibaba ko ang cellphone ko. Biglang nanginig ang mga kamay ko. What the fuck is happening to me?

Biglang bumukas ang elevator pero takot na takot akong humakbang palabas. I don't know who's with Lau pero sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

"Nadine you can do this! You don't even know who's with Lau! Kalma girl" sabi ko sa sarili ko at pilit na binabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Humakbang ako palabas na parang walang kabang nararamdaman. Agad kong nakita si Lau. She waved at me.

I smiled at her. Biglang napadako ang tingin ko sa lalaking kasama niya. Doble ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanlamig ang katawan ko.

It's him. "Jaye?"

Empty hearts Where stories live. Discover now