The More you Hate, the More you Love (Chapter 5)

27 1 0
                                    

Tick toc tick toc….

Ano? Ang bilis ng oras. Linggo na agad. Grabe! Ayun, nandyan na pala si Sydney. Eh grabe pa naman mag-ayos iyon, isang oras sa make-up. Kalahating oras sa buhok. Pero kahit matagal, daig niya pa ang bakla sa pagaayos ah… infairness.

At natapos na rin. Grabe ang sakit ng ulo ko. Maghapon akong estatwa doon. Waah… Alas-kwatro na pala… Nagkita kami ni Jonathan sa park. Ayun lang usap usap.

“Manlibre ka kaya.” sabi niya.

“Eh kung ikaw kaya ang manlibre noh?” sabi ko.

“Ano bang gusto mo?” tanong niya.

“Kahit ano basta walang lason.” sabi ko.

“Kain tayong gulay.” yaya niya.

“Stalker ka ba?” tanong ko.

“Bakit?” tanong niya naman.

“Eh parang nananadya ka eh. Hindi kaya ako kumakain ng gulay.” sabi ko.

“Wala namang lason iyon ah.” sabi niya.

“E di maliban lang sa gulay.” sabi ko.

“Hmm… punta na lang tayo doon!” sabi niya. Ano?! Gotohan? Ang cheap niya naman!

Akala ko naman sa Tokyo Tokyo o kahit sa walang sawang Jollibee man lang.

“Bakit hindi ka kumakain?” tanong ko.

“Hindi pa kasi ako nakakakain niyan eh.” sagot niya.

“Ano?! Ikaw mangyaya dito tapos hindi ka pala kakain nito?” tanong ko.

“Eh kasi yung kaibigan mo sabi dito daw tayo kumain.” sagot niya. Si Sydney talaga!

“Kain ka. Masarap iyan.” sabi ko.

Sumubo siya. Aba, masigla uli ang mokong. “Masarap pala!” sabi niya.

“Syempre. Galing ka kasing Canada eh. Mga sosyalin kayo doon.” sabi ko.

Tapos noon, ayun na nga. Ikot ikot. Usap usap. Ang boring nga eh. Pero masaya kapag nangangasar siya. At iyon na nga. Ala-siete na. Tapos nun, ngumiti lang siya sa akin. “Salamat ha.” sinimulan ko.

“Para saan?” tanong niya.

“Wala, kasi… ahh basta.” sabi ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Carl. Sigurado namang hindi niya rin naman maiitindihan iyon eh.

“Ano nga iyon?” tanong niya.

“Sikretong malupit.” sabi ko.

“Sige. Basta sasabihin mo sa akin sa susunod ah.” sabi niya. Nagtawanan lang kami nang biglang… nakita ko si Carl at yung babaeng nakita kong kasama niya. At napansin niya ako. “Rachelle…” ang tinig ni Carl. Ang boses niya. Matagal ko na rin siyang hindi nakakausap. “Rachelle, kilala mo siya?” tanong ni Jonathan. Nakatulala lang ako at walang kibo. Naiinis ako. At hinawakan ni Carl ang kamay ko. “Bitawan mo ko!” sabi ko. Hindi ko na rin napansing tumutulo na ang mga luha. Tumulo pa nang tumulo. Umiiyak na ako. Tumakbo ako mula kay Carl at Jonathan.

Ayaw ko nang makita ang pagmumukha nung Carl na iyon… At nasira tuloy ang araw ko dahil sa kanya.

Takbo lang ako nang takbo. Pasikot-sikot kung saan-saan. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupunta. Ayun, napagod ako sa kakatakbo. At binuhos ko na ang galit ko. Alam ko na mahal ko pa rin si Carl. Pero galit rin ako sa kanya. Kaya nga the more you love, the more you hate. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko siya kayang makalimutan. Kasi, first love never dies daw. Eh kung mamatay na lang kaya ako? Hindi, marami pa akong gusto sa buhay. Sa sandaling iyon, isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin. Oo, si Jonathan.

“Rachelle!” tawag niya.

“Paano mo ako nasundan?” tanong ko.

“Ang bagal mo kasing tumakbo.” sabi niya.

“Pero bakit?” tanong ko uli.

Sumagot naman siya, “Kasi naman, tumakbo ka na lang nung makita mo yung lalake kanina.” sabi niya, “Tapos… umiiyak ka pa.”

Wala akong kibo. Pero patuloy pa rin akong umiyak. Lumapit siya sa akin, at inakbayan ako. “Sige na, sabihin mo na sa akin.” sabi niya na nakangiti.

“Ex ko siya…” sabi ko.

Mukha siyang nagulat. Sino ba ang hindi magugulat doon? Wala nga siyang kaalamalam. Pero, mas nagulat ako nang ngumiti siya.

“E di, pwede ba ako ang kapalit?” sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“Ay manhid. Ibig kong sabihin, pwede ba ako na lang ang boyfriend mo?” sabi niya.

“Ewan ko sa iyo.” sabi ko.

“Ikaw naman, hindi ka mabiro.” ngiti niya.

“Kita mong umiiyak na nga yung tao eh.” sabi ko.

“Pero seryoso nga, may pag-asa ba ako?” sabi niya.

“Hmm… ewan ko eh. Pero sa tingin ko malayo.” sabi ko.

“Bakit, cute naman ako ah.” ngiti na naman siya.

“Ang kapal mo.” sabi ko naman. Tapos nun, nagtawanan kami sa isa’t-isa. Hinatid niya pa ako sa bahay namin.

The More you Hate, the More you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon