February 22
Waah! 16 na ako. Siguro mag-ayos na lang ako ng mga gamit ko para mamaya. Tapos kong maglinis, kumain na ako ng lunch. Matagal pa eh. Ininvite ko si Jonathan pero sasama si Andrea… sino pa bang kulang? Hmm… ah! Invite ko na rin sila Joanna at Marlene. Okay na siguro yun. The more, the merrier eh.
Ala-singko na. DINGDONG! Si Sydney na ata yan. Maaga na siyang dumating kasi tutulong siya sa paghahanda. Mag-iisleepover nga eh. Kaso lang hindi naman kalakihan itong bahay ko. “Oh sige Rach, tulungan mo ako dito.” sabi niya.
“Ano ba iyang niluluto mo?” tanong ko.
“Yung paborito mo, Lasagna.” sabi niya.
“Talaga?! Yeehee! Sige tulungan na kita.” sabi ko. Paborito ko kasi talaga ang Lasagna eh, lalo na yung gawa ni Sydney. Specialty niya yun eh.
DINGDONG! Binuksan ko at sina Joanna at Marlene iyon.
“Happy Birthday!” bati nila.
“Thank you.” sabi ko.
Pinaupo ko sila sa may couch, tapos bumalik na ako sa kitchen. “Nga pala, asan na sina Stan?” tanong ko.
“Maya-maya pa daw. May raket daw siya eh. At saka nakalimutan niyang bumili ng regalo.” sabi niya. “Aah. Okay.” sabi ko naman. Maya-maya, nandyan na rin sina Jonathan at Andrea. Aba! Ang landi ng bruha. Nakaakay kay Jonathan.
“Here.” inabot niya yung kapirangot niyang regalo.
“Teka, ano ba ito?” tanong ko.
“Just open it.” sabi niya naman. Binuksan ko, at earrings. Hindi, earring lang pala.
“Pano ko gagamitin ito kung isa lang ito?” sabi ko.
“You’re so picky. Atleast meron akong gift sa iyo.” sabi niya.
“Ewan ko sa iyo.” tinitigan ko na naman siya. Ayun, natakot. Pumasok na rin sa wakas. Ayy! Si Jonathan nga pala nandito.
“Ahh… Happy Birthday.” bati niya.
“Thanks.” sabi ko.
“Eto yung gift ko sa iyo oh,” sabi niya.
“Ahh. Thanks. Pero ang laki naman ata nito.” binigay niya sa akin yung malaking teddy bear.
“Oo nga pala, may sasabihin ako sa iyo.” sabi niya. Mukhang seryoso siya.
“Ano ba iyon?” tanong ko. Siguro sasabihin niyang “I LOVE YOU” o kaya “MAHAL KITA, RACHELLE.” Whaa! Kinikilig naman ako. Hanggang sa….
“Sinong mahuli sa couch mukhang unggoy!” Huh? Ayun na iyon? Ang layo naman ng ineexpect ko dun. Dahil ang bigat nung regalo niya, nahuli ako. Ayun, tawa lang siya nang tawa. Kaasar! Kahit pala birthday ko mangaasar pa rin siya. Pero iyon nga ang dahilan kung bakit gusto ko siya. The more you hate the more you love. Pero ang saya dahil nandito siya sa aking Sweet Sixteen.
[Jonathan]
Tawa lang ako nang tawa. Wala lang, trip ko lang. Masarap kasi asarin itong Rachelle na ito eh. Kaso lang, sumobra yata. Nang-iisnab ba naman? Ayun, dedmahan kami. Birthday niya pa naman. Maya-maya, dumating na rin yung iba pang kaibigan ni Rachelle. “Ate Syd, Ate Rach! Andito na kami!” sabi nung lalaking matangkad na may hawak na regalo. Siguro siya na yung Stanley na kapatid ni Sydney. “Oh, Stan, mabuti naman at nakarating ka!” sabi naman ni Rachelle. “At opo. Happy Birthday nga pala.” sabi niya tapos ibinigay yung regalo. “Salamat ah!” sabi ni Rachelle at niyakap yung Stanley na iyon. Teka?… Bakit nung binigay ko yung regalo ko sa kanya hindi niya ako niyakap? Kung sa bagay, inasar ko kasi siya eh.