The More you Hate, the More you Love (Chapter 4)

30 1 0
                                    

“Rachelle! Bakit ganyan itsura mo? Parang hindi ka naligo ah!” sabi ni Sydney.

“Ang kapal mo naman. At saka kasalanan mo ito eh. Dahil sa iyo, puro yung mokong na na iyon ang nasa isip ko.” sabi ko.

“Ayy nako, pakipot pa siya. Aminin mo na kasi, talaga namang tinamaan ka na kay Jonathan!” sabi niya.

“Siya ang tatamaan sa akin eh!” sabi ko.

“O, ayan na pala si Jonathan eh. Sige, balik na ko sa upuan ko.” kumindat pa si Sydney. Anu iyon?

“Good Morning!” sabi ni Jonathan.

“Aah.. Good Morning din sa iyo.” sabi ko. At napansin kong may eyebugs din siya. “Anung nangyari sa iyo?” tanong ko.

“Tanungin rin kaya kita.” sabi niya. Ayun, para kaming street childeren doon. Pero mas mukha siya ah.

“Kaasar ka kasi eh.” sabi ko.

“Mas kaasar ka kasi eh.” sabi niya.

“Gaya gaya pa kasi ng style ng iba.” sabi ko.

“Eh anong magagawa ko, uso eh.” sabi niya.

“The Eyebug style?” tanong ko.

“Hindi ah. Magmukhang pulubi sa klase.” sabi niya.

“Ewan ko sa iyo.” sabi ko. Nanahimik ako at nanahimik na rin siya. Ayun si Sydney kinikilig. Kiligin ba naman sa amin ni Jonathan? Kaasar. Pero mas maganda na rin iyon kaysa pagtawanan niya ako. Hanggang sa…

“Uyy, kita tayo sa Sunday.” sabi niya.

“Saan?” tanong ko.

“Sa Park.” sabi niya.

“Ano ito date?” tanong ko.

“Obvious ba?” tanong niya naman.

“Ay hindi.” sabi ko. Tumawa siya nang malakas. Anong nakakatawa doon? Ang babaw niya. Tinitigan ko lang siya. “Sige ah… kita tau sa Sunday.” sabi niya.

“Teka, umoo na ba ako?!” tanong ko.

“Eh tinanong mo kung saan eh. Hindi pa ba oo iyon?” tanong niya.

“Ewan. Bahala ka na nga. Pasalamat ka wala akong gagawin sa Linggo ah.” sabi ko.

At kinuwento ko iyon kay Sydney…. teka, mali ata ah? Bakit ko pa kasi kinuwento iyon kay Sydney? Ayun… sabi niya tutulungan niya akong mag-ayos para sa “date” namin. Take note na may “” iyon ah.

Hayy nako buhay parang life… kaasar! Wala akong magawa! Bukas pa yung “date” namin ni Jonathan kaya wala akong magawa. Tulog na lang ako.

The More you Hate, the More you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon