“Narinig mo bang may bago na namang estudyante?” tanong ni Marlene.
“Oo. Balita ko taga-Canada din eh.” sagot naman ni Joanna. Si Marlene at Joanna ang pinakamalaki ang bunganga dito sa klase, eh kasi naman, napaka-chismosa. Ayun, mahigit kalahating populasyon ng klase ay alam na ang balitang ito. Kahit naman din ako eh. Dumating na si Ms. Dela Fuego. 3rd semester nang dumating si Jonathan tapos pagkatapos ng ilang linggo, ayan, may bagong estudyante na naman at taga-Canada din. Sosyal, ah? “May bago na naman kayong kaklase, siya si Andrea Steves, taga-Canada din. Maging mabait kayo sa kanya ah.” sabi ni Ms. Dela Fuego. Maganda rin siya, itim ang buhok, matangkad, maputi at mapula ang mga labi. Para nga siyang live action ni Snow White eh. Hala! Meron pa palang bakanteng upuan dito sa tabi ko. “Ah, doon ka na lang sa tabi ni Ms. Reyes.” sabi ni Ms. Dela Fuego. Sabi na nga eh, pero ibang-iba siya kay Jonathan. Kasi parang ang sungit. Hindi ko na lang pinansin siya.
“Anong masasabi mo doon kay Andrea na iyon?” tanong ni Sydney.
“Mukha siyang masungit.” sabi ko.
“Napansin mo din pala iyon. Kaya nga eh. Hindi porke maganda siya.” sabi niya.
“Alam mo, napagisipan ko na bigyan ng chance si Jonathan.” sabi ko.
“Ayan ang tama! Sige sagutin mo na siya.” sabi niya.
“Sige! Bye!” sabi ko.
“Okay, Bye! Usap na lang tayo sa phone mamaya!” sabi niya.
Siguradong nasa library na naman iyon natutulog. Hay, siguro gusto ko na rin siya. Kahit lagi kaming nag-aaway, na para kaming aso’t pusa. Pero tama nga si Sydney, the more you hate, the more you love. Ayan na, nandito na ako sa labas ng library. Kakatok na sana ako nang may narinig akong boses.
“Sinungaling ka! Sinungaling!” sabi ng boses na babae.
“Pinauwi lang ako ni Dad dito sa Pilipinas, pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita mahal.” sabi ng isa pang boses. Pamilyar ang boses na iyon… kay Jonathan.
“Talaga?” tanong niya.
“Oo, talaga.” sabi ni Jonathan. Sumilip ako at nakita kong nagyayakap sina Jonathan at Andrea. Napaiyak ako. Hanggang sa natapilok ako at tuluyan nang nakapasok sa library. “Rachelle?” sabi ni Jonathan. Umiyak lang ako at tinitigan siya. Akala ko na magiging maayos na ang lahat. Akala ko tama na magbigay ako ng chance.
“Rachelle…” sabi niya. Wala pa rin akong kibo at nakatitig lang sa kanya.
“Sino ba siya?” tanong ni Andrea.
“Kaibigan ko siya.” sabi ni Jonathan. Kaibigan? Kaibigan lang pala ang tingin niya sa akin. Akala ko… gusto niya rin ako. Ambisyosa kasi ako. Uto-uto. Madaling lokohin.
“Bakit hindi nagsasalita itong kaibigan mo? Nakakainis!” sabi ni Andrea.
“Tumigil ka na…” sabi ni Jonathan. Nguni’t hindi niya pinakinggan si Jonathan at lumapit sa akin at binulong na, “Ngayon alam mo na… na ako ang girlfriend ni Jonathan.” sabi niya. Wala pa rin akong kibo at tumayo. Umalis na mula sa kanila.
Wala pa rin akong kibo. Nakatulala lang. Akala ko… okay na kami. Pero the more you love the more you hate pa rin eh. Iyon pala, ito na naman ako, sawi. Ayaw ko nang marinig ang boses maging ang pangalan niya. At sa huling pagkakataon, sasabihin ko ito. Jonathan.
Napagdesisyunan ko na lang na hindi pumasok ngayon. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Ayoko na.
May tao. Binuksan ko na lang dahil wala akong magawa. Si Sydney.
“Hello. Nangangamusta lang. Absent ka kasi eh. Ayun, malungkot. Si Jonathan nakatulala lang at walang kibo, tapos iyong Andrea na iyon nilalandi si Jonathan. Maiba nga pala ako, anong nangyari ah? Sinagot mo na ba siya? O kaya nakita mo sila ni Andrea nagyayakap?” tanong ni Sydney.
“Oo.” sabi ko.
“Ano?! Pero nagbibiro lang ako ah… iyon pala totoo.” laking gulat niya. Kinuwento ko lahat lahat sa kanya. “O sige, kaylangan ko nang umalis eh.” sabi niya.
“Sige, bye.” sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/19643840-288-k89172.jpg)