3:50 PM, AT THE PARK [SATURDAY]
Dumating na ako ng maaga kasi wala akong magawa sa bahay kahit na alam kong laging late si Jonathan sa usapan. Tumingin-tingin lang ako sa paligid dahil nga wala akong magawa. At may umagaw sa aking atensyon.
[Andrea]
I am sick of boredom. Wala kasi akong magawa sa mansion namin. Pumasyal na lang ako sa may park. Umupo ako sa may isang bench. The weather is kinda nice. Pero yung puso ko, not. Kasi naman si John. Parang mas gusto niya pa yung babaeng cheap kaysa sa akin na mas matagal niya nang kilala. Kung beauty din naman ang pag-uusapan, mas maganda yata ako. Ewan ko ba sa John na iyon. He’s a bastard. I hate him but I love him. That’s why, my motto is, the more you hate, the more you love. Wala lang motto lang. Back to the weather, ang init. Hindi tulad sa Canada malamig. Wala pang snow dito. Bumili na lang ako kay manong ice cream para magpalamig. Medyo may kalapitan na rin kasi ang summer eh. And, malapit na ang graduation. Well, mga 2 months pa naman. While enjoying the ice cream, something caught my eye. Yung cheap na girl. Parang may hinihitay. Wait. Is he waiting for Jonathan. No. Hell no. So, I decided to go to her but I noticed that she’s glaring at a guy and a girl. Selos ba kamo? I should tell John this. But wait, kaylangan ko ng details. So I went nearer and did eavesdropping.
[Back to Rachelle]
At nakita ko si Carl at yung girlfriend niya. “Ahh, Rachelle.” sabi niya. Blanko ako nun. Pero rinig na rinig ko ang boses niya. Walang pinagbago. Ganoon pa rin. “Siya ba si Rachelle. Ah. Oo. Siya nga. Naalala ko na.” sabi nung gf niya. Sa tono ng boses, hindi naman tono ng masama at malanding babae. Para ngang mabait siya. “Rachelle, we need to talk.” sabi ni Carl. “Ano pa ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko na may galit. Hindi na ako nakatiis. Nasampal ko si Carl. Tapos, umiiyak na ako. Tumakbo na lang ako. Naiinis ako sa sarili ko. Tatakbo na lang ba ulit ako? Gaya ng dati? Hanggang sa may tumawag sa akin. “Rachelle!” sabi nung babae. Huminto naman ako dahil wala si Carl. Hiningal-hingal siya. Tapos sinabi niyang,
“Rachelle, you need to know the truth.”
“Teka? Anung ibig sabihin mo?” tanong ko lang.
“Kasi, ganito yun. Si Carl at ako… best friends kami. Ayun lang talaga yun.” sabi niya.
“May ganun na bang best friends?” pagsusuplada ko.
Pero bago pa siya makapagpaliwanag, bigla nalang…
TOOG!
Hinimatay yata. Bigla na lang dumating si Carl at pilit na ginigising yung “best friend” niya. Halata naman ang pag-kaconcern niya doon eh… tapos sasabihing best friends lang sila. Friends first, Lovers next nga eh diba. Okay, yan na naman tayo sa motto motto na iyan… Ayun na nga, binuhat ni Carl yung best friend niya at sinundan ko na lang siya. Syempre kahit papaano nag-aalala din ako… dun sa babae. Tapos, dinala niya yung best friend niya sa hospital. Nag-usap yung doktor at si Carl. Mukhang malungkot yata ang sinabi nung doktor. Umalis na yung doktor at bumalik na si Carl sa waiting area…. sa tabi ko. “Ano ba talagang nangyari?” tanong ko. Tinignan niya ako. Pero, kitang-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at pag-alala.
“Si Charlotte…” sabi niya. Charlotte? Ayun ba yung best friend niya?
“Malapit… na siyang…” sabi niya. Umiiyak na nga siya eh.
“Siyang…?” sabi ko.
“Pumanaw.” sabi niya. Nagulat ako sa salita. Pumanaw? As in mamatay? Tigok?
“Pero… paano?” tanong ko.
“May… sakit siya… sa… puso.” sabi niya. Naawa ako sa kanya. Hindi pala bagay sa kanya umiyak. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang umiyak. Masayahin kasi itong Carl na ito. Pinapatawa niya nga ako kapag malungkot ako. Eh ako? Nakatulala lang ako. Hanggang sa niyakap ko siya. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. At, napaluha na rin ako.