Oops sorry po kung ngayon lang po aq nag update hihi!!!Promise ko po mahaba na po itong story na ida-dagdag ko po =)
- Miah <3
Panibagong araw na naman. Lapit na talagang mag-summer. At, isang buwan na lang graduation na. Hayy… Lapit rin na pala kaming magkahiwalay-hiwalay.
Math time. Ang boring talaga. Hindi ko naman maitindihan yung pinagtuturo ni sir. Formulas, Algebra, blah. blah. blah. Headache.
Hii! Recess na rin!
“Anong course kukuhain mo?!” masiglang tanong ni Sydney.
“Ewan ko. Siguro gusto ko ng Culinary Arts.” sagot ko.
“Ang boring mo naman! Basta ako magiging isang kindergarten teacher na magtuturo sa mga cute na kids!” sabi niya.
“Anong pinaguusapan nio?” singit ni Jonathan.
“Hmm… sasagutin ka na daw ni Rachelle mamaya!” sabi ni Sydney.
“Talaga?!” sabi naman ni Jonathan.
“Loko!” sabi ko. Tawanan kaming lahat.
Maya-maya, may hiyawan. Ibig sabihin niyan, andyan na yung mga heartthrobs. (Si Jonathan ay isang hamak na heartthrob din, ewan ko ba kung walang humahabol sa kanya) at yun na nga, hayy, paulit-ulit. Siniko ako ni Sydney.
“Si Carl ohh…” bulong niya.
“Ano naman?” tanong ko.
“Ano ba naman yan! Ang clueless mo. Chance na to para magkabalikan kayong dalawa!” sabi niya pa.
“Hoy, sabi mo kanina kay Jonathan ka boto. Tapos ngayon kay Carl naman.” sabi ko.
“Pwede bang both? Sabi nga nila, two men are better than one!” sabi niya.
“Kaylan pa nagkaroon ng ganung motto?!” sabi ko.
“Pero, sino ba talagang mas labs mo?” tanong niya.
“Ewan ko…”
“Hayy. Isipin mo Rachelle.”
Tama nga siya. Dapat nga talagang isipin ko to nang mabuti. Ewan ko ba kung sinong pipiliin ko. Dati-rati, si Carl talaga ang nasa isip ko. Gustong-gusto ko siya. Tapos, na misunderstood ko siya. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon para sabihin ang totoo. At naalala ko pa nung sinabi sa akin ni Carl na mahal na mahal niya ako. Tapos… si Jonathan. Naiinis talaga ako sa kanya noon pero dahil sa kanya, napatunayan ko na totoo pala ang “The more you hate, the more you love”. At… minahal ko na rin siya. Pero ano bang gagawin ko? Hindi ko alam. Naiinis ako sa mga bad memories na ito.
“Oist,Rachelle..” tawag ni Sydney.
“Ano???” sabi ko. Daydreaming na pala ako.
“Naiispace-out ka nanaman jan ee.” sabi nia.
“Basta, sagutin mo na si Jonathan mamaya ahh!” dagdag nia pah.
Oo nga pala. Sinabi ko na lang kay Jonathan na sasagutin ko na siya mamaya. Pero, bago yun, gusto ko sanang makausap si Carl. Kahit sa huling pagkakataon.
[Jonathan]
Woo! Sa wakas sasagutin na ako ni Rachelle. OO kaya iyon o mababasted ako? Pero halata namang in-luv na rin sa kin si Rachelle ee. Sa kagwapuhan ko bang to? Tama na nga. Mamaya malasin pa ko niyan. Pumunta muna ako sa C.R. dahil kinakabahan ako. At saka syempre maging gwapo naman ako sa paningin ni Rachelle. Ay, mas gwapo pala. Bumalik na ko sa room namin at nanahimik. Tinitigan ko lang si Rachelle. Grabe. Ang cute niya talaga. Kaya nga siya nakakainlab ee.