The More you Hate, the More you Love (Chapter 3)

38 1 0
                                    

Kaya iyon, kaming dalawa ang nakatokang maglinis ng klasrum. Ano ba iyan, linis na naman. Hindi ako sanay maglinis eh. Tahimik lang siya, in fairness ah, mas cute siya tignan kapag tahimik siya.

“O ano, bakit hindi ka naglilinis?” tanong niya.

“Eto na nga po eh…” sabi ko. Nagwalis-walisan na lang ako.

“Teka, huwag mong sabihing hindi ka marunong maglinis?” ngiti niya.

“Syempre marunong ako!” sabi ko.

“Sinungaling. Nagwawalis-walisan ka lang ata eh.” sabi niya.

“Nagwawalis-walisan? Hindi kaya!” sabi ko.

“Eh bakit diyan ka nagwawalis? Eh kanina ka pa diyan at saka wala namang kalat diyan eh.” ngiti niya. Patay! Nabuko niya ako. Siguradong tatawa iyang mokong na iyan.

Tumawa siya ng malakas. Kitams? Pero nakakahiya. 16 years old na ako pero hindi ako marunong maglinis? Naku! Paano kaya ito? Siguro ito na lang ang paraan…

“Nagmamakaawa ako sa iyo, pwedeng huwag mo itong pagsasabi sa iba? Pakiusap…” nagmakaawa ako.

“Halikan mo muna ako.” sabi niya.

“Ano?! Hindi ako ganyan kadesperado noh!” sigaw ko.

“Hay naku. Siguradong tatawa ang lahat kapag sinabi ko ito. Maglinis lang, hindi pa kaya? Hayy… Excited na akong sabihin ito.” asar niya.

“Sige na nga!” sabi ko. Hahalikan ko siya? Pero… hindi ko ata kaya iyon. Pero cute naman siya eh. Paano kaya ito?

“Hmm… para mas maganda, ako na lang ang hahalik.” sabi niya.

Tinitigan ko lang siya.

“Pumikit ka.” sabi niya uli.

Pumikit nga ako. 1, 2, 3! Teka? Ang sakit ng pisngi ko!

“Aray ko! Ang sakit ng pisngi ko!” sabi ko. Pinisil niya ang pisngi ko. Dapat ba iyon? Ang sakit kaya!

“Hahaha! Kapalit iyan sa pagsusungit mo kanina.” tawa niya.

“Nakakainis ka!” ngiti ko. Ewan ko ba, pero napangiti niya ako.

“Hahaha! Oo nga pala, anong pangalan mo?” tanong niya.

“Hahaha! Oo nga pala, kaylangan pa nating maglinis kaya!” sabi ko.

“Oo nga noh.” tawa niya. Tumawa rin ako. Masaya pala siyang kausap at kasama. Kahit puro pangangasar lang ang bukangbibig niya… pero masaya pa rin.

“Sa wakas! Natapos na rin!” sabi ko.

“Oo nga. Daldal ka kasi nang daldal eh.” sabi niya.

“Sino kaya sa atin?” sabi ko. Tawa na naman kaming dalawa.

“Oo nga pala, anong pangalan mo?” tanong niya.

“Hmm… Rachelle.” ngiti ko.

“Ahh… nice to meet you Rachelle!” sabi niya.

“Nice to meet you din.” ngiti ko.

“Friends?” sabi niya.

“Ayaw ko.” sabi ko.

“Sige. Kaibigan?” ngiti niya.

“Tinagalog mo lang eh. Sige na nga. Pero huwag ka ng mang-asar ah!” sabi ko.

“Hindi pwede!” sabi niya.

“Ayy! Bahala ka na nga. Sige, uuwi na ako. Magaala-sais na eh.” tumingin ako sa relos ko.

“Sige. Bye!” sabi niya.

“Sige, kita na lang tayo bukas.” sabi ko.

Tinawagan ako ni Sydney. “Huuy! Anong nangyari? Syota mo na siya?” tanong niya.

“Huwag ka ngang kiligin diyan! At saka anong syota? Friends lang kami noh!” sabi ko.

“Hayy naku Rachelle. Aminin mo na kasi. Kinilig ka noh?” tanong niya.

“Hindi ah. Masarap lang siyang kasama. Iyon lang.” sabi ko.

“Talaga? Iyon lang?” tanong niya uli.

“Para ka naman reporter eh ang daming tanong! Iyon lang talaga.” sabi ko.

“Sige. First day pa lang naman eh. Siguro bukas kikiligin ka na.” sabi niya.

“Asa ka pa! Hindi iyon mangyayari noh! Lagi niya nga akong inaasar eh.” sabi ko.

“The more you hate, the more you love.” sabi niya.

“Iyan ka na naman eh! Sige, Good night na lang.” sabi ko.

“Bye.” sabi niya. Binaba ko na ang telepono. Nahiga ako sa kama at naisip ko si Jonathan. Hindi ko alam, pero alam ko magakaibigan lang kami.

Friends lang kami.

Hindi ako masyadong nakatulog nung gabi na iyon. Eh kasi naman, puro na lang si Jonathan ang iniisip ko. Ayy Jonathan na naman. Jonathan uli. Kaya iyon, binangungot ako. Ayun, eyebugs ang inabot ko.

The More you Hate, the More you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon