The More you Hate, the More you Love (Chapter 9)

22 1 0
                                    

Balik-eskwela na ako. Pero si Jonathan naman ang absent. Nagkasakit kasi eh. “Kawawa naman si Jonathan.” sabi ko.

“Akala ko ba huwag sasabihin ang pangalan niya?” tanong ni Sydney.

“Binabawi ko na!” sabi ko at ngumiti. Tapos napaisip ako. Nung nakita ko na may kayakap na babae si Carl, ganoon din ba ang nangyari sa amin ni Jonathan? Baka kaibigan niya lang iyon… baka isa lang iyong misunderstanding.

Hayyz… kaka-bored talaga kapag wala yung mokong na iyon. Pero ako rin naman ang may kasalanan ah? Nga pala noh. Math pa naman ang subject ngayon. Wala si Jonathan para turuan ako. Ang hirap kaya ng mga formulas lalo na kapag graduating. At saka plus, ang boring magsalita ng math teacher namin. Bawat tatlong words may kasunod na “-ahh”. Teka, eh kung bisitahin ko na lang si Jonathan mamaya. Ayy, hindi ko pala alam kung saan bahay niya noh. Teka, si Sydney kaya tanungin ko…

As expected, alam ni Sydney kung saan ang bahay ni Jonathan. Stalker kasi itong bestfriend ko eh. Kasi, taga Journalist club. “Bibisitahin mo siya?” tanong niya.

“Ayy hindi.” sabi ko. Eh kasi walang commonsense itong si Sydney eh.

“Ahh. Kaso lang hindi ako makakasama sa iyo ah.” sabi niya naman.

“Ganon ba? Lungkot naman.” sabi ko. Pero, kasinungalingan lang iyan ah. Mas maganda kasing wala siya para solo kami ni Jonathan. Ahahaha! Pero siguradong mag-aaway lang kami nun. At saka pa, iiral na naman ang pagka-cheesy niyan ni Sydney kaya mas magandang wala siya.

“Sure ka?” tanong niya.

“Oo.” sagot ko. Iyan, hindi iyan kasinungalingan ah. Okay lang talaga.

“Okay.” sabi niya naman. Alam ko naman kung bakit hindi siya makakasama eh. Dahil doon sa syota niyang si Raymond. May date sila eh.

Kaya iyon, nilista na lang ni Sydney yung bahay ni Jonathan. Medyo may kalayuaan nga siya eh. Tapos, ayun. Nandito na ako. Ganda ng bahay! May intercom pa sila tapos automatic yung gate. Ano ba iyan, ang exagerrate ko naman parang first time ko lang makakita ng malaking bahay. Pero ang ganda ng mga kotse nila. Kitang-kita naman dito mula sa labas. Mahigit limang kotse. Assorted colors nga eh. At, may bodyguards pa. Mukhang bulag nga eh kasi nakashades. Pero sure naman akong hindi bulag iyon. Maskulado kasi at ang laki ng baril. Lumapit ako doon sa guard.

“Ahhmm… Pwede po bang makita si Jonathan Cosgrove?” tanong ko.

“Sino po ba kayo?” tanong niya naman. Wha! Ang laki ng boses!

“Ahmn… Kaklase niya po ako. Pakisabi po nandito si Rachelle Reyes.” sabi ko naman.

Pumunta siya sa loob tapos pinapasok na rin ako. Wow! Ang ganda ng bahay! Daming paintings sa paligid…. parang museum. Dami ring furnitures at chandeliers.

“Ah, kayo po ba si Ms. Rachelle?” tanong nung babae. Maid ata siya eh.

“Ahh… opo.” sabi ko.

“Dito po ang kwarto ni Mr. Jonathan.” tinuro niya yung isang kwarto.

“Ahh… salamat po.” sabi ko naman. Syempre kumatok ako. TOK TOK TOK!

“Sino iyan?” tanong ng boses ng babae. Teka… si Andrea ba yun?

“Ahh, si Rachelle ito.” sagot ko.

“Tuloy ka.” narinig ko naman ang mahinang boses ni Jonathan. Sabi na nga eh, yung malandi iyon. Sinusubuan si Jonathan ng soup. Ano ba iyan, lugaw lang dala ko dito eh saka mga prutas. Titig naman si Andrean ng masama. Ayun, tinitigan ko rin siya ng masama. Takot nga siya eh! Hahaha… Ahh… nga pala noh..

“Eto, nagdala ako ng lugaw at saka ng mga prutas.” sabi ko.

“Hindi niya na kaylangan iyan noh! May soup na siya!” sabi ni Andrea

“Eto rin oh John!” sabi niya. John? Ahh… nickname siguro ni Jonathan. Ayun, sinubuan niya rin si Jonathan. Nakakainis nga siya eh. Ang landi-landi niya. Kaya iyon, sinubuan ko rin si Jonathan. Tapos sinubuan niya rin. Paulit-ulit. Kaya gumanti rin ako.

Grabe, sa wakas ubos na ang soup niya. Ubos na rin yung lugaw ko. Kawawa naman si Jonathan, siguradong busog na busog na siya. Nginitian ko na lang siya. Tapos iyon, titig na naman ng masama si Andrea. “What the heck is your problem? I came here first!” sabi niya. Whaa… english. “Is this your property?” sabi ko naman. Syempre in-english ko rin siya. “Oh. I didn’t know that you can speak English.” sabi niya. Nakakaasar na talaga. “Hoy! Anong akala mo sa akin ha? English english ka pa diyan nasa Pilipinas kaya tayo!” sinigawan ko siya. Nakakaasar na kasi. Banas! Hindi na lang siya nakapagsalita kasi tinitigan siya ni Jonathan. Ayun, napahiya. Walk out ang bruha.

“Sa wakas, wala na ring panggulo.” sabi ni Jonathan.

“Huh?” sabi ko lang.

“Nakakatawa ka naman! Sinigawan mo si Andrea… siguradong umiiyak na iyon.” tawa niya. Nakitawa na rin ako. Tapos, naging seryoso.

“Sorry nga pala ahh… dahil sa akin, nagkasakit ka.” sabi ko.

“Naku. Dapat lang. Pero hindi pa kita pinapatawad ah.” sabi niya.

“Ayy! Edi anong gusto mong gawin ko?” tanong ko.

“Kiss mo ko.” nakanguso siya.

“Manigas ka.” tinitigan ko siya. Nagtawanan lang kami.

Ewan ko pero siguro, gusto ko na siya. Nakakatawa nga eh, ako, si Jonathan at si Andrea… para kaming Love Triangle. Hehehe…

Ayun, sa wakas, pagkatapos ng ilang araw ay gumaling na rin si Jonathan. Syempre dahil sa pag-aalaga ko… hehehe. At, iyan… malapit na ang ika-16th kong birthday.

“Oy, Rachelle. Lapit na nga pala ang birthday mo noh.” sabi ni Sydney. Aba? Paano naman nalaman ni Sydney itong iniisip ko? Siguro may ESP siya… hahaha.

“Oo nga eh. Tatanda na naman ako.” sabi ko naman.

“Hayy, buti nga mas bata ka pa sa akin eh.” sabi niya.

“Mga ilang months lang naman ah.” sabi ko.

“Kahit na noh! Time is Gold.” sabi niya na may motto pa.

“Time is Gold mo mukha mo.” tinitigan ko siya. Alam niya naman kasing ayaw na ayaw kong pinapaalala sa akin na tumatanda na ako.

“Nga pala, saan naman tayo mag-cecelebrate?” tanong niya.

“Sa bahay ko na lang. Ayaw ko na doon sa bahay mo.” sabi ko. Kasi naman, nung 15th birthday ko, nagcelebrate kami doon sa bahay ni Sydney. Grabe! Parang club. Nakainom nga ako nun eh… ahh! Ayaw ko nang maalala.

“O sige. Mga 6 kami pupunta ahh. Linggo. Sama ko si Stanley at Raymond.” sabi niya. “Sige ba.” sabi ko naman.

The More you Hate, the More you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon