“Rachelle, may problema ba?” tanong ni Sydney. Si Sydney ang best friend ko. Isa siya sa mga unang taong pinagsabihan ko tungkol kay Carl.
“Wala…” sagot ko.
“Sigurado ka bang wala? Eh kanina ka pa kaya nakatulala dyan!” sabi niya.
Tinitigan ko siya. “Teka, si Carl na naman ba ang iniisip mo?” tanong niya uli.
“Oo.” sabi ko.
“Hay naku Rachelle! Kalimutan mo na yang Carl na iyan! Wala naman siyang kwenta eh!” sabi niya.
“Tama ka. Kaylangan ko na sigurong mag-move on.” sabi ko.
“Iyan ang tama!” sabi niya. Pagkatapos, pumasok na si Ms. Dela Fuego, ang adviser namin. “Bago tayo mag-umpisa, may bago tayong estudyante. Ngayon lang siya nakapasok dahil galing siyang Canada. Siya si Jonathan Cosgrove.” tapos, biglang may pumasok na lalaki. Cute siya. Medyo may pagka-tan ang kulay. Maganda ang eyes niya. “Doon ka na lang umupo sa tabi ni Ms. Reyes.” sabi ni Ms. Dela Fuego.
Sa tabi ko?! Ano ba yan, ang saya saya pa naman kapag wala kang katabi. Hmn.. kaasar! Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. “Ako nga pala si Jonathan Cosgrove. Ikaw, anong panglan mo?” tanong niya.
“Nagpakilala ka na diba?” sinungitan ko siya.
“Ang sungit mo naman! Parang tinatanong lang ah!” sigaw niya.
“Ms. Reyes and Mr. Cosgrove, magkita tayo sa Office mamaya.” sabi ni Ms. Dela Fuego. Nakakahiya! Tumitig ang lahat sa akin. Si Sydney, tumatawa. Ano ba iyan! Kaasar! At natapos ang klase ng ganon.“Ang malas malas ng araw ko ngayon! May pagkasalot yata iyang Jonathan na iyan!” sabi ko.
“Sus, ang sabihin mo, kinikilig ka. Malay mo, siya ang susi para mabuksan uli ang sarado mong puso.” ngiti ni Sydney.
“Ang cheesy mo! Hinding-hindi mangyayari iyan. Aaminin ko, cute siya. Pero ang sama ng ugali niya!” sabi ko.
“Ay naku, ganyan talaga muna. Tapos biglang maiinlove ka sa kanya. The more you hate, the more you love.” sabi niya.
“Bahala ka diyan.” sumuko na ako.The more you hate, the more you love. Pwede ba talaga iyon mangyari sa akin? Pero alam ko na hindi. Ayaw ko ng masaktan.