Prologue

1.3K 27 0
                                    

"Mama, papa bat nyo ko iniwan?!" Patuloy ako sa pag-iyak habang nakayakap sa kabaong ng mama at papa ko.

Biglang may humawak sakin kaya humarap ako sa likod ko. "Hija ikaw ba ang anak nila?"

Nagpunas ako ng luha bago tumango. "Sino po kayo?"

"Ako ang tita Mel mo, kapatid ako ng mama mo." Pakilala nito. "Halika sumama ka sakin."

"Ayoko po. Sabi ni mommy wag daw po ako sasama sa hindi ko kilala." Sabi ko.

"Hindi ako masamang tao hija." May kinuha ito sa bag nya at may pinakitang picture sakin.

Picture ito ni mommy at may kasama syang babae. Tinignan ko yung babae at kamukha nya yung kasama ni mama sa picture.

"Halika maupo tayo." Umupo kami sa plastic na upuan. "Kapatid ako ng mama mo. Bago maaksidente ang mama mo, gumawa sya ng letter at sinabi nyang ibigay ko ito sayo."

May kinuha muli ito sa bag at inabot sakin ang isang papel, sinenyasan ako nitong buklatin ang papel kaya naman ginawa ko.

Sulat ito ni mama at nakalagay dito na kung may pumunta na Mel sa bahay at niyaya ako nitong umalis, sumama daw ako.

Muli akong tumingin sa kapatid daw ni mama. "Hija gusto ng mama mo ako na ang mag-alaga sayo. Okay lang sakin dahil wala naman akong asawa at anak."

"Kayo ang mag-aalaga sakin?"

"Oo hija, kaya sumama kana sakin."

Tumayo ito at inalalayan akong tumayo. "San po tayo pupunta?"

Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng bahay. "Sa bahay ko, dun kana titira mula ngayon."

Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin ito. "Pero yung mga gamit ko po."

"Ibibili nalang kita ng bago, tara na."

Naglakad na kami muli at sumakay kami sa sasakyan. "Inyo po ito?"

Tanong ko habang ito ay may sinusuksok sa kotse. "Oo."

"Ang yaman nyo naman po."

"Naku hija, hindi ako mayaman. Napundar ko lang 'toh dahil may ipon ako."

"Ah okay po."

"Matulog ka muna."

Nagsimula na umandar ang kotse. Dahan-dahan akong pumikit at nakatulog agad ako dahil narin sa pagod. Halos dalawang oras narin kasi akong umiiyak kanina eh.

→→→→→→→→→→→→→→→

Masaya akong lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan ko sila ate at kuya, ngingitian ko sana sila pero napansin kong malungkot sila.

"Morning kuya, ate."

Tumingin sila sakin at ngumiti sila pero malungkot ang ngiti nila. Umupo ako sa solo couch.

"Bat malungkot kayo mga ate, kuya?"

Malungkot na ngumiti si kuya Adrian at lumapit sakin, lumuhod ito sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Baby may sasabihin si kuya sayo ah, wag kang mabibigla." Naluluhang sabi nito.

Nagtatakang tumingin ako kay kuya. "Ano yun kuya?"

"W-wala na sila mom a-and dad." Umiiyak nitong sabi.

Hindi pa masyadong pumasok sa isip ko yung sinabi ni kuya. Biglang tumigil ang mundo ko, pero ramdam kong lumuluha narin ako.

"N-nagbibiro k-kalang kuya A-adrian diba?" Pilit akong tumawa.

"I'm sorry baby kung wala kaming nagawa." Umiiyak nitong sabi.

Tumingin ako sa iba kong kapatid at nakita kong umiiyak narin sila. Nilapitan ako ni ate Sam at niyakap.

Napayakap narin ako at humagulgol na. Ramdam kong niyakap din ako ng mga ibang kapatid ko.

~End of Prologue~

Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Prologue





One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon