Chapter 04

801 21 0
                                    

Chapter 04

Leslie Point of View

Nang matapos akong i-tour ni Cacee sa  company, niyaya nya ko na mag-kape sa pantry.

"Sana magtagal ka sa ugali ni Ms. Stacey."

"Bat ano bang meron syang ugali? Sa pagkakaalam ko lang kasi masungit sya."

"Masungit at laging mainit ang ulo, ni hindi ko pa nga nakikitang ngumiti yun eh."

"Baka may problema lang."

"Sabi ng iba mabait daw talaga si ms. Carson kaso maagang naulila. Namatay ang magulang ni ms. Carson sa car accident at mga kapatid nya na ang tumayong magulang ni Ms. Carson."

"Oh, kawawa naman pala sya."

*RING!*RING!*RING!*

"Sagutin ko lang 'toh."

Bahagya itong lumayo sakin at sinagot ang tawag. Ininom ko ang kape ko habang nakatitig kay Cacee.

Maya't-maya bumalik na ulit ito sa pagkakaupo. "Pwede kana umuwi, tumawag si ms. Carson at pwede kana daw umuwi ngayon."

Tumango lang ako at inubos ang kape kong tinimpla. Maya't-maya nagpaalam na ko na uuwi na at bukas nalang ulit.

Umuwi ako ng condo habang dala-dala ang mga schedule ng meeting at photoshoot ni ms. Carson.






Stacey Point of View

Nang magising ako, tinawagan ko agad si Cacee at sinabing pauwiin na si Leslie dahil tinatamad akong kumilos ngayon.

Pina-cancel ko narin lahat ng meetings ko dahil nga tinatamad ako. Umuwi na ko sa condo at dala-dala ko yung mga papers na hindi ko natapos sa office.

Sa condo lang ako nakatira dahil ayokong tumira sa bahay. May bahay kami or should i say palasyo, kaso puro katulong lang naman ang nakatira.

Natitirhan lang ng mga kapatid ko yun kapag umuuwi sila sa pilipinas. Ayokong tumira dun dahil inis ako sa mga katulong doon, at gusto ko mag-isa.

Marunong naman ako magluto at marunong din ako maglaba. Kahit mayaman ako at ganito ako, marunong parin ako sa gawaing bahay.

Itong condo ko ay hindi basta-basta dahil buong last floor ay halos sakop ko kaya naman parang bahay narin itong condo ko.

"Kapagod." Pabagsak akong naupo sa sofa.

→Fast Forward←

Nagising ako ng marinig kong may nagdo-door bell. Kahit tamad na tamad akong tumayo sa sofa ay ginawa ko parin tumayo dahil sunod-sunod ang pag-door bell nung taong bwiset.

Tinignan ko sa maliit na tablet na nakadikit sa wall, tabi ng pinto. Tsk! Si  Amy pala, isa sa mga bestfriend ko.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko nang mabuksan ko ang main door.

Hindi ito sumagog bagkus ay nagdiretso-diretso ito papasok sa condo ko.

Napailing nalang ako at sinarado ang pinto. Sinundan ko si Amy, naabutan ko itong nakaupo sa couch habang nakapatong ang dalawang paa sa cemter table.

Umupo ako sa kabilang couch. "Anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ka." Tipid nitong sagot.

Binuksan nito ang TV gamit ang remote na nakapatong sa center table. "Umalis kana, ayaw ko ng may kasama."

"Ayoko nga, bored ako sa condo kaya dito nalang ako matutulog."

"No!" Sigaw ko at napatayo. "Bawal, umuwi kana."

"Cge na, pumayag kana. Hindi kita kukulitin."

"No!"

"Please!"

Paulit-ulit kong tinaboy ito pero ayaw umalis kaya naman padabog akong pumasok sa kwarto ko.

Narinig ko pa ang pag-tawag nito kaya bago ko isara ang pinto ng kwarto ko ay binato ko sya ng tsinelas.

Tsk! Bwiset!






Leslie Point of View

Umaga ako gumising at wala pang araw. Matapos kong magbihis at kumain ay umalis na ko ng condo ko.

Pumara ako ng jeep at sumakay. After minutes nakarating nadin ako sa tapat ng company.

Bago ako tuluyan pumasok sa loob ay nag-spray muna ako ng perfume para naman mabango ako, baka kasi amoy usok ako eh. Nakakahiya naman kay boss.

Binati agad ako nung guard pagkakita sakin, ngumiti lang ako ng tipid at dumeretso na sa taas.

Paglabas ko ng elevator, sumalubong agad sakin ang pagmumukha ni Cacee. "Goodmorning Leslie."

"Goodmorning din ate Cacee." Ate nalang ang itatawag ko sa kanya kasi hindi naman halatang matanda na sya.

"Nandyan na si boss, puntahan muna yun, kanina kapa nun iniintay."

Tumango lang ako at pumunta na sa office ni Ms. Carson.

*TOK!*TOK!*TOK!*

"Come in!" Rinig kong sigaw mula sa loob.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sakin ang malamig na mata ni Stacey na nakatingin sakin.

"G-goodmorning ma'am." Utal kong bati.

"Morning." Malamig nitong sabi at tumingin nasa loptop.

Pumunta na ko sa desk at umupo sa swivel chair ko. "Ms. Stacey wala po ba kayong ipagagawa?"

"Wala." Sagot nito at hindi man lang ako nilingon.

Naglaro nalang muna ako sa cellphone dahil wala naman pala akong gagawin. Maya't-maya pumasok si ate Cacee at may inabot na folder kay Stacey.

Lumabas din si ate Cacee at ako naman ay patuloy parin sa paglalaro dahil sabi ng boss ko wala daw.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon