Chapter 12

620 8 0
                                    

Chapter 12

Leslie Point of View

Nagising ako ng makaramdam ako ng lamig. Dahan-dahan akong nagmulat at tumambad sakin ang pagmumukha ng boss ko.

Nanlaki ang mata ko ng marealize kong nakahubad kaming dalawa. Oh no! Hindi 'toh totoo! Shit!

Dahan-dahan akong tumayo kahit masakit ang aking ibaba. Isa-isa kong pinulot ang aking damit at tumakbo papasok sa CR.

Humarap ako sa salamin. "Arrghh! Hindi maaari."

Pag-tapos ko magbihis, agad akong lumabas ng CR at kinuha yung sling bag ko.

Nakita ko pa ang dugo sa kumot. Totoo nga, may nangyari nga samin. Ang dugo na yan ang patunay na may nangyari samin.

Nilisan ko na ang bar bago magising si Stacey. I'm sure magagalit yun kapag nakita nya pa ko.

Siguro kailangan ko na maghanap ng trabaho.

→Fast Forward←

Dumeretso ako sa office at inabot ko kay Cacee ang resignation letter ko, binigay nya narin yung kalahating sweldo ko.

Nag-tanong pa sya kung bakit ako nag-resign pero sinabi ko nalang na pupunta na akong ibang bansa.

Umuwi ako ng condo kong luhaan. Kainis! Kung walang nangyari, edi sana may trabaho pa ko.

Bwiset na alak!

"Mae please puntahan mo ko." Sabi ko sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.

Maya't-maya dumating na si Mae at agad ko itong niyakap at humagulgol sa balikat nya. "Besh anong nangyari?"

Tanong nito pero hindi ko ito sinagot, bagkus nanatili lang akong umiiyak sa balikat nya.

Maya't-maya tumahan narin ako kaya't nagtanong sya muli. This time sinagot ko na ang tanong nya.

Nung una hindi sya naniniwala dahil napaka-impossible daw pero kalaunan ay naniwala rin sya.

Pinapunta nya rin sa condo ko si Mella at kinwento nga nya kay Mella yung nangyari samin ng boss ko.

"Okay lang yun besh, atleast nabinyagan kana." Sabi ni Mella kaya't binatukan ko sya.

"Ouch! Totoo naman ah, kaso hindi sa lalaki kundi sa babae." Sabi ni Mella.

"Ewan ko sa inyo, wala na akong trabaho." Sabi ko.

Nag-isip naman yung dalawa. "A-huh! May alam akong papasukan mong trabaho."

"Ano yun?" Sabay naming tanong ni Mae kay Mella.

"Diba kahit anong trabaho papasukin mo?" Tanong ni Mella.

"Oo, basta wag lang pagbenta ng katawan." Sabi ko.

"Syempre hindi ko hahayaan na magtrabaho ka sa ganun bes." Sabay irap ni Mella. "Meron kasi akong alam na pwede mo pagtrabahuhan, kaso medyo mahirap."

"Okay lang, basta malinis at legal na trabaho." Sabi ko.

"Cge, sasamahan kita dun bukas. Pero ngayon magsasaya muna tayo at iinom para mawala sa isipan mo yang problema mo." Sabi ni Mella.

"Yeah!" Sigaw ni Mae.

Nagpaalam muna ako sa kanila na babayaran ko muna yung tubig at kuryente. Bumalik din ako agad at naabutan ko na silang umiinom.




Stacey Point of View

Nagising ako at kinapa ko ang aking katabi pero wala akong makapa. Dahan-dahan akong nagmulat at tama nga ako, dahil wala na akong katabi.

Dali-dali akong tumayo at wala akong pakelam kung hubad ako, pinulot ko ang damit ko at isa-isa kong sinuot.

Kinuha ko yung susi, phone at bag ko. Nilingon ko muna ang bed at nakita ko ang dugo sa kumot.

Napangiti ako. Yes! Ako ang nakauna sa kanya. Lumabas na ko ng bar at sumakay sa kotse ko.

Habang nagdadrive ako pauwi, biglang tumawag sakin si Cacee. "Hello?"

"Ms. Carson nag-resign na po si ms. Estrada."

"Ano?!"

"Nag-resign napo si ms. Estrada."

"Are you kidding me?!"

"Hindi po, kanina po pumunta sya rito at binigay ang resignation letter nya."

Pinatay ko ang tawag at binilisan ko ang pagdadrive papunta sa office ko. No! Hindi sya pwede mawala, lalo na't may nangyari samin dalawa.

Pagdating ko sa office, agad kong hinanap yung resume ni Leslie. Hindi ka pwede mawala Leslie, mababaliw ako kapag nawala ka sa buhay ko.



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon