Chapter 02

843 23 2
                                    

Chapter 02

Nagising ako ng mag-ring yung cellphone ko. Padabog kong kinuha yung phone ko sa side table at hindi na tinignan kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot.

"Hello!!!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Hoy Stacey! Ate mo 'toh, wag mo kong sinisigawan ah!" Nanlaki ang mata ko at napabalikwas sa pagkakahiga.

"Sorry ate, bat tumawag kaba?" Tanong ko sa kabilang linya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Tumawag sakin ang secretary mo at marami na daw nag-a-apply pero hindi ka pa daw pumapasok."

Sumulyap ako sa alarm clock at ngayon ko lang napagtanto na ten o clock na. "Sorry ate, papasok na ko. Bye!"

Hinagis ko sa couch yung cellphone ko at agad pumasok sa CR para maligo.

By the way my name is Stacey Carson, twenty yearsold. Im bisexual, and im attracted with the both gender. Pero wala akong lovelife, as in zero kahit dati hindi ako nagkaron. Mula ng mamatay ang parents ko, naging masungit na ko.

Ang dating bata na masayahin at napakabait, ngayon ay masungit at maldita na. Kaya nga hindi makatawag-tawag sakin yung secretary ko dahil alam nyang pagagalitan ko sya.

Almost five years ng nagtitimpi sakin yung secretary ko, buti nalang mabait kaya nagtya-tyaga sakin. By the way may lima akong kapatid, bali anim kami at ako ang pinaka-bunso.

(A/N: Tama na kwento.)

Tsk! Minsan talaga epal yung mga author.

→Fast Forward←

Nang matapos akong maligo, agad akong nagbihis. Kinuha ko na yung susi at pouch ko then lumabas na ko ng condo ko.

Sa condo lang ako nakatira dahil ayaw kong tumira sa mansion namin, atsaka mas gusto ko mag-isa, ayaw ko ng may kasama.

Sanay narin ako mag-isa dahil lahat ng kapatid ko ay nasa ibang bansa, wala silang pamilya kaso dun sila nagta-trabaho.

→Fast Forward←

After minutes of driving nakarating nadin ako sa company. Lumabas na ko ng kotse at binato ko dun sa guard yung susi ng kotse ko.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng company at isa-isa akong binati ng mga employees ko.

Hindi ko sila pinansin, bagkus ay nilalagpasan ko lang sila. Sumakay na ko sa elevator kung saan dapat ako lang ang sasakay.

May elevator kasi sa pinaka-dulo at ako lang ang pwedeng gumamit, dahil pag nalaman kong may gumamit na iba, yari sila sakin.

*TING!*

Lumabas na ko ng elevator at dumeretso sa office ko. Umupo ako sa swivel chair at pinindot ang intercom.

"Resume ng mga applicant."

Maya't-maya dumating na ang secretary ko at dala-dala nito ang mga resume ng mag-a-apply.

Isa-isa ko ito tinignan, halos wala akong mapili dahil mukhang hindi mga mapagkakatiwalaan.

"Ay miss Carson meron pa pala po." Sabi nung secretary ko at inabot sakin ang isang resume.

Tinanggap ko ito at tinignan. Bigla akong napangiti pero agad din napawi ang ngiti ko dahil ayaw kong may nakakakita sakin na nakangiti ako.

Name: Leslie Estrada
Age: twenty two yearsold
Birthday: March 15 1996
Birthplace: Manila
Province: None
Mother's Name: Lea Estrada
Father's Name: Billy Estrada
School: University of Santo Tomas
High School: University of Santo Tomas
Collage: Ateneo De Manila University
Course: Information Technology

"Miss Carson nakapili na po ba kayo?" Tanong ng secretary ko.

"Yeah, si Ms. Estrada ang napili ko." Kunot noong sabi ko at binalik na ulit sa secretary ko ang resume nito.

Lumabas na yung secretary ko kaya ginawa ko na yung dapat kong gawin na papeles.


End of Chapter♪


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter


One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon