Chapter 08

579 8 0
                                    

Chapter 08

Leslie Point of View

Nang makarating kami sa mall ni Mae, agad kaming pumunta sa arcade. "Ikaw nalang kaya."

"Hindi pwede bes! Kailangan mag-laro ka din."

"Eh ayoko, masasayang lang pera ko dyan."

"Hindi ko naman sinabing ikaw gagastos eh, libre ko."

"Talaga? Pati pagkain?"

"Oo, basta laro muna tayo."

Bumili na kami ng token at nagpunta sa basketball. "Pustahan tayo Leslie."

"Cge."

"Pag nanalo ka ililibre kita ng damit, pero pag nanalo ako makikitulog ako sa condo mo. Deal?"

"Deal."

Nagsimula na ang laro. Lamang sakin ng tatlong puntos si Mae at kailangan ko manalo dahil ayokong nasa condo ko yan. Sobrang ingay ng condo ko kapag nandun sya, lalo na pag nagsama pa sila ni Mella.

→Fast Forward←

Nandito kaming dalawa ni Mae sa inasal. Nangingiligid ang aking luha habang nakatingin kay Mae.

"Nako bes! Wag kang OA. Makikitulog lang naman ako sayo eh, wala kasi akong kasama sa bahay."

Natalo ako kanina kasi biglang may nadapang bata at tinulungan ko yung bata kaya naman natalo ako. ang daya kasi eh!

"Tsk! Ang ingay mo kaya."

"Hahahah, don't worry mag-iinuman tayo."

"Che! May pasok ako bukas noh."

"Dalawang bote lang naman ihk."

"Bawal, mamaya hindi ako magising ng maaga."

"Bahala ka, basta ako iinom mamaya."

Inirapan ko lang ito at pinagpatuloy na ang aking pagkain.




Stacey Point of View

Nandito kami ngayon ni Dianna sa mall. Itong mall na ito ay pagmamay-ari ko pero walang nakakaalam kundi ako lang at mga kaibigan ko, pati rin yung mga kapatid at secretary ko.

"San kaba bibili ng damit?" Tanong ko kay Dianna habang naglalakad kami.

"Sa exclusive store." Sagot nito.

"Tsk! Sa fourth floor pa yun eh." Inis kong sabi.

"Mag-elevator nalang tayo." Sabi nito at hinila na ko papasok sa elevator kung saan walang nakasakay.

Nang makarating kami sa fourth floor, naglakad na kami patungo sa exclusive store.

Habang naglalakad kami, biglang may nakabangga sakin at natapunan ang damit ko ng coke float.

"Shit!" Galit akong tumingin sa babaeng nakabangga sakin. "Bat hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!"

"Bes!" Napatingin ako sa sumigaw. Nagulat ako ng makita kung sino ang sumigaw. "Bes okay ka lang?"

Tumingin sakin si Leslie at nagulat ito ng makita ako. "M-ms. S-stacey?"

"Bes kilala mo sya?" Tanong nung babaeng nakatapon sakin ng coke float.

"Siya yung boss ko." Bulong ni Leslie habang nakatingin sakin. "Ms. Stacey sorry po."

"Sasusunod mag-ingat ka." Masungit kong sabi dun sa babaeng kasama ni Leslie at hinatak na si Dianna papunta sa CR.

"Babe bat kilala ka nung babae?"

"She's my PA."

"Ah . . . Ang ganda naman ng PA mo, pwede ko rin ba maging PA yun?"

"Siraulo hindi pwede!"

"Damot mo naman, kahit isang araw lang. Please?"

"Tumigil ka Dianna, baka gusto mong uwian kita at hindi na samahan."

"Joke lang, ito naman hindi mabiro."

"Pengeng tissue."

Inabot naman nya ko ng tissue kaya't pinunasan ko ang damit ko gamit ang tissue. Hindi naman ganun karami yung natapon sa damit ko, daplis lang naman.




Leslie Point of View

"Bess yun ba yung boss mo? Sungit naman nun." Sabi ni Mae.

"Ganun talaga yun. Ikaw naman kasi, dapat tumitingin ka sa dinadaanan mo." Sabi ko.

"Tsk! Dapat kasi iniwasan nya ko." Sabi ni Mae in mataray tone.

"Tama na nga, tara na umuwi na tayo." Hinila ko na sya pasakay sa taxi.

Ayaw nya kasi mag-jeep dahil sweldo nya naman daw ngayon, kaya magpi-feeling daw muna syang mayaman ngayon.

→Fast Forward←

Pagpasok ko sa loob ng condo ko, agad akong naupo sa couch, ganun din ang ginawa ni Mae.

"Hyst! Hanggang ngayon inis parin ako sa boss mo." Inis na sabi ni Mae at nagpadyak-padyak na parang bata.

"Tumigil ka nga. Kasalanan mo rin naman eh." Sabi ko.

"Pinagtatanggol mo pa yung boss mo, siguro crush mo yun." Sabi nito.

"Hindi noh!" Sabi ko.

"Sus! Kilala kita Leslie, alam kong nagkakagusto karin sa babae." Asar nito.

"Tumigil ka, at kelan mo nakitang nagkagusto sa babae?" Taas kilay kong tanong.

"Nung high school, diba sabi mo nagkagusto ka dati sa kaklase natin na maganda nung grade 7 tayo." Sabi nito.

"Che! Paghanga lang yun noh." Tumayo ako. "Dyan kana nga, magbibihis muna ako."

Pumasok ako sa kwarto ko at nagsimula magbihis, narinig ko naman na binuksan ni Mae yung TV.


END OF CHAPTER


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon