Chapter 05

735 14 0
                                    

Chapter  05

Stacey Point of View

Pag-abot sakin ni Cacee ng folder, agad ko itong pinalabas. Tinawag ko si Leslie at agad naman itong lumapit sakin.

"Yes ms. Stacey?"

"My meeting ba ko mamayang hapon?"

"Wait lang po."

Bumalik ito sa desk nya at may kinuhang folder. Maya't-maya bumalik na ito sa harap ko.

"Wala po pero may photoshoot kayo mamayang hapon."

"Paki-cancel."

"C-cge po ma'am."

Umalis na ito sa harap ko. Pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

→Fast Forward←

Sumulyap ako sa wall clock at nakita kong eight thirty na pala. "Leslie?"

Dali-dali itong lumapit. "Bakit po?"

"Pwede ka ng umuwi."

"Okay po, salamat."

Tumango lang ako at muling tumingin sa loptop ko. Maya't-maya nagpaalam na ito na aalis na at tanging 'okay' lang ang sinagot ko.

Tumayo ako at nag-ayos ng gamit. Nang matapos ako, kinuha ko na yung maliit na pouch ko at lumabas na ng office.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor ng basement.

*TING!*

Lumabas na ko ng elevator at agad sumakay sa kotse ko. Dahan-dahan kong pinaandar ang aking kotse hanggang makalabas ako ng basement.

Papaliko na sana ako pero biglang may nahagip ang mata ko. Nakita ko si Leslie sa gilid at mukhang naghihintay ito ng masasakyan.

Mabilis akong sumulyap sa orasan at nine ten na pala. Hmm . . Mahigit kalahating oras na syang naghihintay.




Leslie Point of View

Kainis! Hirap makasakay, kanina pa ko naghihintay pero wala. Hyst! Iba talaga ang buhay ng mahirap.

*BEEP!*

Nagulat ako ng may bumusina sa harap ko kaya't napatalon ako. Dahan-dahan bumaba ang window ng kotse.

"Ms. S-stacey?"

Bumaba ito ng kotse at binuksan ang pinto ng shotgun seat. "Sakay."

"Huh?"

"Get in . . .  Now."

Kahit naguguluhan ako ay sumakay nalang ako dahil para ako mamamatay sa tingin nya.

Sinara nito ang pinto at umikot para sumakay sa driver seat. Kinabit nito ang seatbelt nya.

Tumingin ito sakin. "Seatbelt."

Kinabit ko ang aking seatbelt at pagka-lock ko ng seatbelt, umandar narin ang kotse.

"Ms. Stacey, san po tayo pupunta?"

"Ihahatid kita."

Nagulat ako at the same time ay naramdaman kong parang kiniliti ang aking puso.

Hindi nalang ako umimik. Nagulat ako ng marating namin ang condo building na tinitirhan ko.

"Paano nyo po nalaman kung saan ako nakatira?"

"Secret."

Huminto na ang kotse kaya bumaba agad ako. "Thank you ms. Stacey."

Agad akong tumakbo papasok sa building na tinitirhan ko. Pumasok na ko sa elevator at pinindot ang floor ng condo unit ko.

*TING!*

Nilabas ko ang keycard ko then ininsert ko sa pinto ng condo unit ko. Nang matapos agad ko itong binuksan at pumasok nasa loob.

Dumeretso ako sa sala at agad naupo sa couch. "Kapagod."

Huminga ako ng malalim at bumuga. Wala naman akong ginawa pero para akong pagod na pagod.

Baby i like your style . . .

Sinagot ko ang tumatawag sa cellphone ko at hindi na nag-abalang tignan kung sino ang tumatawag.

"Hello."

"Hi bessywup!!"

"Oh Mella?"

"Kamusta na? Namiss ka namin ni Mae." Ramdam ko sa boses nito ang pag-tatampo.

"Sorry. Medyo busy eh."

"Nga pala may work kana?"

"Yeah."

"Wow! Congrats besh, anong pangalan ng company?"

"Carson Lion's Company."

Lumipas ang ilang minuto na walang nagsasalita sa kabilang linya at hello ako ng hello.

Papatayin ko na sana ang tawag kaso biglang tumili si Mella. Collage bestfriend ko.

Bigla akong kinabahan. "Besh!! Anong nangyari?!"

"Besh alam mo ba ang swerte mo!!!"

"Wait, bakit naman?"

"Wala lang, heheheh!"

"Baliw, cge papahinga na ko."

"Okay babye bessy! Ingat lagi."

"Ikaw rin." Pinatay ko na ang tawag.

Tumayo na ko at dumeretso sa CR para makaligo na. Nang matapos ako, nahiga na ko sa kama at nag-alarm then natulog na.

Goodnight . . . .


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon